20||Is this Real???

1K 23 0
                                        

Chapter Twenty

Hanggang ngayon lutang pa rin ako sa mga nangyari. Is this real??? Totoo ba talagang na-convince niya si kuya Blake ng ganun-ganon na lang? Wow! Grabe! Di ako makapaniwala! Nakakagulantang talaga! Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba 'ko o ano eh.

"What's happening to you? Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin bilib na na-convince ko si Blake na mag-stay ka? Sabi ko naman sayo, wala akong hindi nagagawa" grabe rin ang bilib nito sa sarili eh no? Napaka-yabang!

"Huy Galvin Klein tigil-tigilan mo 'ko sa kayabangan mo ha?! Natatangay ako sa sobrang hangin mo eh!" Naiimbyerna talaga ako sa lalaking to eh!

"Pwede bang maging masaya ka na lang because you're staying? Tsaka will you stop calling me with my whole damn name? Alam kong napaka-bango at gwapo ng pangalan ko pero hindi ka ba nahahabaan?" Nangialam pa sa itatawag ko sa kanya -.-

"Pakialam mo ba sa kung ano ang itatawag ko sayo eh ako naman ang tatawag nun sayo kaya huwag ka ng mag-inarte tsss" bakit nga ba nandito pa yang kupal na yan? Eh pano kuya Blake told him na he could have his dinner here. Nakakainis nga eh! Di ko na nga matagalan yung isang minuto niyang presensya yun pa kayang whole dinner time namin. Iniisip ko pa lang parang ayoko na tuloy mag-dinner :3

FLASHBACK


"I know your reasons Blake and I have a proposal to make" te-teka? Huh?! Anong proposal pinagsasabi nito?! OMG? Huwag niyang sabihing?!

"Speak" sagot ni kuya. Nababaliw na ba talaga siya?! Anong proposal?!

"Let me be Aga's boyfriend" teka? A-ano?! Parang nabingi yata ako ron sa sinabi niya.

Nang mag-sink in na sa utak ko yung sinabi niya lumaki agad yung mga mata ko.

"NABABALIW KA NA BA TALAGA?!"

"Uyy! Di ko alam na may something pala kayo nitong kapatid namin" bigla na lang sumabat si kuya Brent at umupo na sa kabilang sofa. Makikichismis na naman yan. Hindi sumagot si kuya Blake parang hinihintay niya pang dugtungan ni kupal yung sasabihin niya. Aba?! Sabihin daw bang pwede ko siyang maging boyfriend? Nababaliw na talaga di ba!?

"Let me take care of her and I promise hinding-hindi na siya maaapi ulit. I will assure you her safety and I will secure everything. I know how to honor my words at sinasabi ko 'to lalaki sa lalaki. Seryoso ako. Aalagaan at proprotektahan ko si Aga, hinding-hindi ko siya hahayaang masaktan" napakurap-kurap ako. Se-seryoso ba talaga siya?! Grabe! Ganun ba talaga siya ka-desperado sa proposal niya sa 'kin kaya todo gawa siya ng kwento? Kung hindi ko lang alam yung hidden agenda niya baka naniwala at kinilig na 'ko sa mga pinagsasasabi niya.

"What will I do to you kung pumalya ka kahit isang araw lang sa mga pangako mo?" Seryosong tanong sa kanya ni kuya Blake. Seryoso lang din si kuya Brent makinig. Ganito ba talaga mag-usap yung mga lalaki? Sobrang seryoso naman yata.

"Ako na mismo ang maghahatid kay Aga sa England" bumuntong hininga si kuya Blake. Yan na yung punto kung saan nag-iisip na ng malalim si kuya. I still doubt it. Once fix na si kuya fix na talaga yan. Wala ng makakapagpabago ng isip niya kaya imposibleng papayag siya sa mga pangako nitong si Galvin Klein.

"Sabi ko naman sayong huwag ka ng mag-effort, tignan mo sayang lang" bulong ko pa sa kanya. Winarningan na nga para hindi siya mapahiya eh pinush pa talaga. Bahala siya ngayon.

"Why are you doing this bro? I mean no offense pero bakit naman papayag si Blake sa proposal mo? Paano naman kami makakasiguro na proprotektahan mo talaga si Felicima gaya ng sinabi mo" oh ha? Minsan lang ganyan si kuya Brent. Ang tino at may sense yung question niya ha? Sige, sagutin mo yan.

"Actually I wanna know her more. I find her very interesting. Her personality makes me think and feel that she's amazing. I don't know but I have this feeling that I wanna protect her, that I wanna make her feel that she's safe and gusto ko rin na maranasan niya yung normal na buhay ng isang college student" plastik. Sobrang plastik niya po mga kaibigan. Di ko alam na may talent pala siyang ganyan. Infairnes naman sa kanya. Ang plastik niya sobra.

"Okay. Do what you said and let's see" te-teka? Parang nabingi yata ako ron ah?

"So you mean kuya hindi na 'ko mag-tratransfer ng school? As in?" Di ako makapaniwala na this hinayupak person here ang nakapagpabago sa desisyon ni kuya Blake.

"Yes. You have your knight kaya hahayaan muna kita sa eskwelahan na yun. Galvin dito ka na maghapunan" and that's it! Sa isang iglap lang na ganun hindi na 'ko matutuloy sa England. Saya di ba?

END OF FLASHBACK

"The whole dinner lutang ka ah? Alam mo ang weird mo talaga. Nagpaalam na 'ko sa mga kuya at mommy mo kaya I need to go now" lutang na lutang na talaga ako. I feel like this is not happening. "Aga isipin mo na lang na I do you a big favor. You could still be with your friends at makakapaglandi ka pa sa professor na yun" teka? May point siya dun ha? Wow! Infairnes ngayon lang ako sumang-ayon sa kanya.

"Huwag mo ngang i-term yung relationship namin ni prof Clive as 'paglalandian' hindi ganun si prof okay?" Kapal din nito. Wala talagang galang eh.

"Fine. Whatever wala naman akong pakialam. So you will be signing the contract tomorrow. Pumunta ka na lang sa bahay after your class, ipapasundo kita kay Chip" a-anong pinagsasabi nitong contract?

"Teka? Anong sinasabi mong signing of contract? Nag-audition ba 'ko sayo ha? May business ba tayo together para mag-sign ako ng kontrata? Anong pinagsasabi mo diyan?" Akala nito!

"Do you think what I've did awhile ago was just free? Alam mo namang ginawa ko yun para magpanggap ka bilang fiancée ko di ba? Kaya pumunta ka ng bahay bukas to finalize and to know the restrictions of being my fiancée. Huwag ka ng umarte okay? Matuto ka namang tumanaw ng utang na loob" aba?! Di rin makapal ang apog nito eh no?! Nanggigil ako eh! Masasapak ko na "to eh!

"Ang kapal din naman ng mukha mo eh no? Kailan ko pa sinabi na pumapayag na 'ko? At isa pa, hindi naman ako nagmakaawa sayo na gawin mo yun o even humingi ng tulong sayo! Utang na loob ang pinagsasabi mo diyan" sabay pinandilatan ko siya ng mga mata. Kala niya maiisahan niya ko? Psh.

"Oh sige, madali naman akong kausap. Papasok ulit ako sa loob para sabihin sa kuya mo na ituloy niya na lang yung pag-transfer mo ng sa ganun di mo na makita yung professor na kalandian mo" akmang maglalakad na siya papasok ng pinigilan ko siya.

"Sira ulo ka ba talaga!?"

"I told you madali akong kausap tsk. Madali kasi uminit ang ulo ko kaya sa mga panahong ganito mabilis ako mapikon kaya bitiwan mo 'ko at papasok ako ulit para sabihan siyang ituloy na yung transfer mo sa England" anak naman talaga ng!

"Fine! Oo na! I'll sign the contract tomorrow! Make sure na hindi ma-lalate si Chip sa pagsundo sa 'kin kasi kapag nahuli siya ng kahit isang minuto aalis na talaga ako!" Bwesit!

"Good. Madali ka rin naman palang kausap eh. No worries, maasahan si Chip sa mga ganyan. Oh sige na. Ang swerte mo na masyado, ang haba na ng oras na nilagi ko rito kasama mo. Sisingilin sana kita pero since pumayag ka na libre ko na lang sayo ang oras na nilagi ko kasama ka. I gotta go" wow! Humirit pa talaga siya ha?! Ang hinayupak!

"Che! As if namang na-fefeel ko yung swerte kapag kasama ka! Mabuti pa ngang umalis ka dahil gigil na gigil na 'kong sapakin ka!" Bulong ko ng may kasamang panggigigil.

"May sinasabi ka?" Sus! Sarap talaga bigwasan eh!

"Sabi ko bye. Papasok na 'ko kasi gabing-gabi na" ni-lock ko na yung gate at hindi ko na siya hinintay pang makaalis. Pumasok na 'ko agad ng bahay. Sobrang haba ng araw at feeling ko mas hahaba pa yung araw bukas huhu.

Bigyan sana ako ni Lord ng super powers para ma-endure yung araw na makikita ko na naman at mararamdaman yung presensya ng hinayupak. Please Lord help! HEEEEELP!



Later~

Kapag Lumandi ang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon