Chapter Eighteen
"Nandito na po ako!" Pumasok na 'ko sa loob ng bahay at dederetso na sana ng kwarto ng makita ko ang nag-aalalang mukha nila kuya Bray at kuya Brent. A-anong meron? Bakit ganyan ang mga mukha nila? "May nangyari ba mga kuys? Bat ganyan kayo kung makatingin sa 'kin?" Tanong ko nang makalapit na 'ko sa kanila.
"Nasabi sa 'min ni Blake ang eksena kanina sa school ng hinatid ka niya. Ganun na ba talaga kalala Felicima? Ganun na ba kalala ang mga ginagawa nilang pambubully sayo to the point na sinasaktan ka na nila physically?" Bakas na bakas sa gwapong mukha ni kuya Brent ang sobrang pag-aalala. Napayuko na lang ako.
"Tell us Agatha, when? When did they start to hurt you physically? Was that the reason why sometimes you came home with bruises? What more did they do to you?" Minsan lang seryoso si kuya Bray kapag nakikipag-usap sa 'kin kaya alam na alam ko na kapag ganyan siya galit siya o di naman kaya seryoso na yung sitwasyon. Hindi ko kasi sinasabi sa kanila yung mga totoong nangyayari kapag umuuwi akong may mga pasa. Alam ko kasing ganyan ang magiging reaksyon nila.
"Why don't you answer Brayson's question?" Nasa living room na rin pala si kuya Blake. Huhu super serious din yung mukha niya. Di ko tuloy alam kung ano ang sasabihin ko. "Spill the tea. Mom isn't home so you can tell us the truth" dagdag pa ni kuya Blake. Huhuhuhu.
Ano Aga? Magsisinungaling ka pa? Eh kapag ganyan si kuya Blake alam kong nakapag-research and chever na yan eh. Kapag nagsinungaling ako alam ko namang mahuhuli rin ako. Lumunok muna ako. Feeling ko nasa matinding interrogation session ako huhu. "Ahm? Minsan po binabalibag nila sa 'kin yung mga bitbit nila. Wala silang pakialam kung ano man yung binibitbit nila basta maibalibag nila sa 'kin. Yun lang yata yung ultimate goal nila. Tapos minsan naman po hinahampas nila ako ng lunch boxes. Sinasabi ng iba hindi naman daw sinasadya pero halos lumipad na 'ko sa sobrang lakas ng pagkahampas sa 'kin. Minsan naman tinatapon nila sa 'kin yung eraser ng white board, yung trash bin, yung plastic na silya, at kung minsan tinutulak-tulak pa nila ako sa may dingding" huhu hindi ko na lang sinabi yung pangbabalya nila sa cafeteria, sa comfort room at kung saan-saan pa nila ako abutan. Si Babeng lang nakakaalam lahat ng yan eh.
Nakita ko ang nakakuyom na kamao ni kuya Brent, si kuya Bray naman napapamura at si kuya Blake? Sobrang firm lang nung mukha niya. Huhu hindi ko tuloy alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ni kuya Blake. Paano pa kaya kung malaman nila papa ito di ba? Naku! Ma-oospital panigurado si mama tsaka si papa? Nakuuu! Ayoko na lang sabihin. Parang same sila ng ugali ni kuya Blake eh pero ang pinagkaiba, yung ugali ni papa halong kuya Blake, Brent at Brayson. Ganern!
"Blake? What do you wanna do?" Sa wakas at nagawa ng magsalita ni kuya Bray kaso super serious pa rin ng face niya. Huhu huwag ganyan kuya Bray :(
"Hindi ko na rin gusto ang mga nangyayari kay Felicima. Sobra na! Di ko na matitiis pa. Kung dati hinahayaan lang natin kasi ang alam natin verbally lang pero ngayon? Kingna! Hindi na pwede to!" Minsan lang din ganyan si kuya Brent kaya nakakatakot kapag ganyan siya. Hinihintay naman naming sumagot si kuya Blake. Sa mga pagkakataong ganito, si kuya Blake ang masusunod lalo na't wala si papa sa bahay. Parang sub kasi siya ni papa kapag wala ang presence ng aming ama. Hindi nga kumokontra si mama kapag si kuya Blake na ang nag-desisyon eh.
Teka? Kinakabahan naman ako. Ang tagal yata magsalita ni kuya Blake. Ano kaya ang magiging hatol niya sa sitwasyon ko? Huwag naman sana nilang ipa-kidnap lahat ng nang-api sa 'kin. Syempre kahit mga demonyita yun di naman nila ako katulad. May puso ako kaya hindi ko kayang gumanti kahit minsan sobra na sila.
Ayan na. Bumuntong hininga na si kuya, senyales na magsasalita na siya. "She'll be transferring to another school" puno ng authority ang boses ni kuya Blake ng sinabi niya ang mga salitang iyon.
BINABASA MO ANG
Kapag Lumandi ang Api
Novela JuvenilNerd, losyang, pangit, out of this world na figure dahil sa sobrang dami ng taba-taba sa katawan at kung anu-ano pang imperfections na inembento sa sangkalupaan. Inaapi kahit saan mapunta dahil sa kapangitang taglay. Hanggang saan aabot ang pasensya...
