07||Kapag Lumingon Ka Akin Ka

1.3K 31 2
                                        

Chapter Seven

"Huy kayong dalawa!? Bakit di niyo manlang ako ininvite aber? Kawawa ako ron wala akong kasama kumain huhu" pagdradrama ni Babeng. Akala mo naman talagang walang kasama eh meron naman.

"Babeng pwede ba huwag mo 'kong dramahan. Paano ka naman namin iimbitahan nitong si Min-Min kung nakapaligid naman sayo ang mga manliligaw mo. Nakakahiya naman kung iistorbohin ka pa namin" sagot ko. Akala neto di namin nakita.

Bigla namang naging defensive yung expression ng mukha niya, "anong mga manliligaw pinagsasabi niyo diyan? Strangers lang yung mga yun no! Nagtatanong lang sila kung saang building pupunta. May ipapasa kasi silang project chever. Nagtatanong lang yung mga yun" halata naman sa mukha niyang nagsisinungaling siya. Huwag ako Barbie.

"Ang haba ng katanungan ha? Natapos na lang kaming kumain kasama mo pa rin sila? Ano yun? Tinatanong nila pati blue print ng building? Ganun?" hinampas naman niya 'ko ng mahina sa kamay. Problema nito?

"Sira ulo ka talaga Aga. Sus! Gusto niyo lang mag-quality time na dalawa eh. Ayiieeeee" panunukso nito. Change topic na naman siya. Naku! Huwag talaga ako.

Napailing-iling na lang ako. "Babeng di mo naman kailangang mag-change topic agad-agad, napaghahalataan ka masyado tsaka isa pa ano naman ngayon kung mga manliligaw mo yun? Maganda ka, sexy at mabait. Natural lang sa lalaki ang magkagusto sa isang katulad mo" pagsasabi ko ng totoo.

"Huwag mong sabihin Barbie na inaalala mo itong si Agatha? Bat mo naman inaalala to eh alam mo namang nandito ako para sa kanya" singit naman ni Min-Min. Mahilig talagang sumabat.

Tinignan ko naman si Babeng at sinuri yung mukha niya, "totoo ba yun besh?" Tanong ko. Hindi muna siya sumagot at tinignan lang ako. Problema nito?

Hindi pa rin siya sumasagot at bigla siyang yumuko. Naku! Inaalala niya ba talaga ako? At bakit naman?

"Eh kasi... ano kasi... ahm? Ayoko kasing mag-entertain ng manliligaw lalo na't alam kong inaapi pa rin itong si Aga, alam mo naman yun Jook di ba? Pinangako ko na sa sarili ko na saka lang ako magkakaboyfriend kung alam ko at secured na 'kong maayos na si Aga. Syempre kapag magkakajowa na 'ko wala na 'kong masyadong time sayo beshy, ayoko namang iwanan ka at sumama sa magiging jowa ko kung alam kong hindi ka pa nakakalabas diyan sa pang-aapi nila sayo" hindi naman ako makapagsalita sa inamin niya. Nagiging pabigat na ba talaga ako? Kasi parang ganyan na ganyan din yung sinabi sa 'kin ni Min-Min eh.

"Aga? Alam ko namang hindi mo hiningi sa 'kin na asikasuhin at alalahanin yung lagay mo ngayon pero kilala mo 'ko di ba? Magkaibigan na tayo simula pa noon at ayoko sa lahat na sinasaktan ka ng ibang tao. Gusto ko kapag may love life na 'ko alam kong masaya ka rin, dun lang ako mapapanatag. Gets mo ba 'ko ha? Kaya ayoko muna sa ngayon tsaka isa pa hindi naman ako nagmamadali eh. Ini-enjoy ko pa yung pagtatanggol ko sayo" sabay ngiti niya sa 'kin. Feeling ko tuloy napakasama ko, burden na pala ako sa kanila di ko pa nagawang malaman o kahit mahalata manlang. Nakakaawa ka Aga.


"Hindi niyo naman ako karga ni Min-Min. Malaya kayong magka-love life tsaka ayos lang naman ako. Masaya naman ako sa buhay ko. Yung pang-aapi nila sa 'kin? Wala lang yun, eventually magsasawa rin naman sila. Kaya guys? Ayos lang. Ayos lang talaga" sagot ko. Naiisip ko tuloy na hadlang ako sa kaligayahan nila.

Niyakap naman ako ni Barbie. Ang drama niya talaga. "Ano ka ba naman Aga! Hindi nga kasi ako nagmamadali. Ayos lang talaga okay? Tsaka alam mo namang bet ko yung mga kuya mo di ba? Sila talaga ang gusto kong maging jowa wahaha" nababaliw na talaga to haha.

"Tsaka alam mo namang ikaw lang yung para sa 'kin Ri-ri kaya wala na 'kong hahanapin pang iba" sabay kindat naman niya sa 'kin. Sabog din talaga tong lalaking to eh no?


Magsasalita pa sana ako ng may biglang bumulong sa likod ko na hindi ko naman masyadong narinig.

"Kapdhwbkagxja hxjanvsrla" hindi ko naintindihan kaya napalingon ako.

"Woaw! Lumingon siya bro! Haha. Pano ba yan?"

"She's all yours dude haha"

"Ang galing naman! Effective talaga ang ganyan haha"

Nalito naman ako sa mga pinagsasabi ng mga to. Sabog din ba sila? -.-

"A-ano bang sinasabi niyo? Di ko kasi maintindihan tsaka pwedeng 'wag ako? Huwag niyo kong pagtripan pwede?" Araw-araw na lang ba talaga kailangang i-bully at pagtripan ako?

"Hindi ka naman namin pinagtritripan miss, choice mo naman yun kung lilingon ka o hindi" napakunot-noo naman ako. Ano bang ibig niyang sabihin?

"Kapag lumingon ka akin ka. Huwag mong sabihing hindi mo alam ang ganyang bagay?" Parang bigla namang may tumunog na crickets. Alam niyo yung pakiramdam na wala kang maisagot kasi wala kang idea kung ano ang pinagsasabi nila?

Kinalabit naman ako ni Babeng, "alam ko yun Aga, yun yung nag-viral sa social media. Yung pinanuod ko sayo dati, natatandaan mo?" Napaisip naman ako. Teka— parang natatandaan ko na.

"Anong kailangan mo? Nananahimik kami rito tol huwag niyo naman kaming guluhin" singit ni Min-Min sa usapan.

Parang may kuryente sa pagitan nilang dalawa, yung titigan kasi nila parang may pinapahiwatig eh. "Ano naman ang pakialam mo? At isa pa hindi naman ikaw ang kinakausap namin kaya huwag kang mangialam" seryoso lang yung mukha ni Min-Min. Ano kayang meron sa kanilang dalawa?

"Galvin pwede bang huwag mo na kaming guluhin? Sabi nga ni Min-Min nananahimik kami rito. Hanap na lang kayo ng ibang mapagtritripan" sabi ko. Baka magsuntukan pa 'tong dalawang to eh.

"Pero lumingon ka ibig sabihin akin ka" bahagya namang lumaki yung mga mata ko. Problema nito? Anong pinagsasabi ng isang to? Ako? Sa kanya? Nababaliw ba siya?

Hindi ko namalayan na nakakatawag na pala kami ng pansin ng iba. Ikaw ba naman kasama yung limang sikat sa school isama mo pa si Barbie, malamang sa malamang magiging curious talaga ang mga tao. Naku naman!

"Hindi ka ba nakakaintindi? Umalis na kayo at huwag niyo kaming guluhin" mariin na sabi ni Min-Min. Baliwala sa kanya yung presensya ni Galvin at ng tropa nito.

Hindi naman sa basagulero si Min-Min, yung character niya kasi parang isang prinsipe. Ganun. Bakit? Kasi siya yung tipo ng tao na hindi papayag na tinatapakan ng iba. Napaka-opposite ng ugali naming dalawa.

Hindi siya pinansin ni Galvin at nagpatuloy lang sa pagsasalita, "akin ka na kaya pumunta ka sa bahay bukas ng lunch. I-tetext ko sayo yung address" ano?! Ano raw? Parang nabingi yata ako sa sinabi niya.

"Ba-bakit naman ako pupunta sa bahay niyo?" Natanong ko bigla. Anong karapatan niyang utusan ako? Tsk.

Nag-smirk muna siya bago sumagot, "dahil nga akin ka na" at tuluyan na siyang tumalikod at umalis.

"Ano raw? Narinig niyo ba sinabi ni Galvin?"

"Imposible namang bumaba yung standard ni Galvin no! Hinding-hindi siya magkakagusto sa isang pangit na katulad niya!"

"Oh my god Aga! Narinig mo ba yung sinabi ni Galvin ha?! Pinapapunta ka niya sa bahay nila!? Oh my gee!!! Niyayaya ka niya sa bahay nila!" Excited na excited naman si Babeng. narinig niya.

"Huwag mong sabihing pupunta ka?" Tanong naman ni Min-Min.


Teka? Sumasakit yata yung ulo ko. Idagdag mo pa yung mga usap-usapan ng mga estudyante. Tsss. Akala naman nila na masaya ako dun sa sinabi nung mokong. Oo! Crush ko siya pero simula nung mga sinabi niya sa 'kin kahapon, I changed my mind. Napaka-arogante akala naman niya napaka-VIP niya.

Bukas? Hmp! Manigas siya.



Later~

=================================


Kapag Lumandi ang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon