27||A Date

1.3K 34 13
                                        

Chapter Twenty-seven


*bzzzzzzzzt*

Kinuha ko agad yung phone ko ng maramdaman kong nag-vavibrate ito sa loob ng bulsa ng palda ko. Sino kaya ito?


1 message/s received:


[Kumain ka na ba? I hope you did. See you later sa school :)]


End of text message.



Halos mapatalon at mapasigaw ako sa nabasa kong mensahe. Halos makalimutan ko na rin na nasa hapagkainan pala ako kasama ng mga kuya ko. Nung tinignan ko sila kuya kung nakahalata ba, nakita ko si kuya Brent na naka-kunot ang noo.


"Bakit ganyan yang mukha mo kuya Brent? May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ko sa kanya.


"Bakit bigla-bigla kang ngumingisi dyan na parang sira ulo? Paki-explain nga? Kinakabahan na'ko sayo ha? Baka naman nababaliw ka na Felicima?" Pinagsasabi nitong kumag kong kuya? Ako nababaliw? Ayy oo nga naman. Nababaliw as in crazy in love kay prof. Charr hahahaha.


"Wala kuya ha! Natawa lang ako sa ano— sa meme na sinend sa'kin ni Babeng. Nakakatawa lang talaga" hindi pa ata convince si kuya pero buti na lang at hindi na siya sumagot pa.


Mabilis pa sa alas-kwatro akong natapos kumain. Nagtataka nga ako sa sarili ko kung bakit excited na excited ako pumasok eh hahaha.


"Bye kuya Brent" sabay kiss sa cheek ni kuya. "Bye po kuya Bray" sabay kiss din sa cheek ni kuya Bray. "Bye po kuya Blake. Papasok na po ako" sabay kiss naman sa cheek ni kuya Blake.


"Ah siya nga pala Felicima bago ko nakalimutan nasa labas pala si—" hindi ko na pinatapos si kuya Brent at kumaripas na'ko ng takbo palabas ng bahay. Hindi naman siguro halata na excited ako eh no? Haha. Ikaw kasi prof Clive eh! Pinapa-excite mo'ko! Kinikilig tuloy ako >///<.


Pagkalabas ko ng pinto nag-wave lang ako kay manang na nagdidilig ng halaman tapos naglakad na palabas ng gate.


Bigla naman akong napahinto.


"Ayy teka? Bat pala lumabas agad ako? Eh sinong maghahatid sa'kin sa school?" Sobrang tangers ko naman. Sa sobrang excited nakalimutan kong bitbitin si kuya Brent para ihatid ako sa school. Pero sa pagkaka-alala ko naka-pambahay pa si kuya ah? Eh???


Babalik na sana ako ng bahay ng may marinig akong pamilyar na boses, "sobrang excited yata nating pumasok ngayon ah? Excited ka ba masyadong makasama ako bilang mapapangasawa mo?" Bigla namang kumulo yung dugo ko sa narinig ko. Boses pa lang niya nanggigigil na'ko eh.


"Oh? Bakit ka nandito?" I asked him instead. Ginagawa na naman nito sa bahay namin? Konti na lang talaga iisipin kong bodyguard ko na 'to. Laging nakabuntot sa'kin jusko!

Kapag Lumandi ang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon