Chapter Twenty-Eight
Para akong nakalutang sa hangin, nakaupo sa ulap, tinatangay ng hangin at feeling ko rin isa ako sa mga bituin sa langit. Alam niyo yung pakiramdam na parang na-crush back ka ng crush mo? Ewan ko kung ano talaga yung pakiramdam since ngayon pa lang naman ako inalok ng date ng crush ko pero shemay! Feeling ko na-crush back ako >////<
Yung mga titig niya habang sinasabi niya sa'kin na pwede ba kaming lumabas jusko! Heaven! Lahat na yata ng paghihirap ko sa buhay nawala sa isang sabi niya lang na ganon what more kapag sinabi niyang gusto niya kong ligawan? Char! How I wish di ba? Hahaha. Kahit naman imposible at least he invited me for a date. Sobrang improving na yun para sa isang katulad ko. OMG!
"Huy! Lutang ka na naman?" Sabi ni Babeng habang umuupo sa tabi ko. Hindi ko talaga mapigilang ngumiti eh. Kinikilig talaga ako. Si prof naman kasi pereng tenge hahaha. "Huy? Ano nga? Bat ka nakangiti dyan na parang baliw?" Tanong niya ulit.
"Keshe nemen Babeng ene keshe" arte kong sabi sa kanya. "Aray naman Babeng! Ano ba problema mo? Bat ka ba nambabatok dyan?!" Sabi ko habang hinihimas yung binatukan niya. Sira ulo talaga 'tong babaeng to eh.
"Anong keshe nemen? Ang arte mo ha? Bat may pa ganon? Bakit pabebe yung pag-eexplain gurl? Problema mo dyan?" Sagot nito habang pinandidilitan ako ng mata.
Ang arte ba? Hindi ba pwedeng kinikilig lang yung tao kasi for the first time in forever may nag-alok sa'kin ng date? Di ba pwedeng masaya lang ganern? "Eh ganito kasi yun Babeng. Ahm? Si prof Clive kasi parang sira. Di ka maniniwala sa sinabi niya sa'kin kanina" pagsisimula ko habang di pa rin maalis ang ngiti sa mga labi ko.
"Oh? Ano nga? Ano si prof Clive? Anyare? Tapusin mo kaya noh para ma-gets ko naman pinanggagalingan ng napaka-tamis mong ngiti" sagot nito.
"Kasi ano Babeng kanina kasi pinasabay niya ko sa sasakyan niya since hindi ako hinatid ni kuya Brent. Tapos nung pababa na'ko ng sasakyan pinigilan niya yung braso ko sabay sabing pwede raw ba kaming mag-date bukas" hindi ko na mapigilang tumili ng mahina kasi sobrang kinikilig talaga ako >/////<
Nanlaki naman ang mga mata ni Babeng na parang di makapaniwala sa kinwento ko. Oh ha? Alam kong magiging ganyan yung reaksyon niya. "Seryoso ba yan Aga ha? Oh my gee!!! This is it! I knew it beshy! I knew it! Alam ko talagang bet na bet ka ni prof Clive eh. Halata kaya sa treatment niya sayo! Ghad! Nag-yes ka ba ha? Huwag ka ng pabebe sunggaban mo na agad!" Tumili rin ito ng mahina. Napaka-supportive friend di ba?
"Syempre choosy pa ba ako? Nag-yes ako agad. Halos sumabog yung puso ko habang tinitignan siya kaninang nakangiti. Assumera lang ba ako beshy o sadyang may something talaga si prof Clive sa'kin? Baka mahopia ako sa huli eh" bigla naman akong nalungkot sa thought na yun. Tokwa! What if super bait lang talaga ni prof Clive at di niya talaga ako bet? Pano yun? Asado ako ganon? Ouch naman.
"Sira! Halos lahat kami rito nahahalata na talagang may something sayo si prof. Natatandaan mo ba yung pinasagutan niya sayo sa white board na math problem? Di ba hirap na hirap ka nun kaya medyo matagal mong nasagutan pero alam mo ba? Titig na titig si prof Clive sayo nun. Natandaan mo rin ba nung nasa canteen tayo tapos nasabay natin si prof? Alam mo bang nakatingin siya sayo hanggang sa matapos kang kumain. Remember mo rin yung malapit ka ng madisgrasya dahil sa flower pot, di ba tinawagan niya ko dahil nga sa nangyari. Alam mo bang pagkarating ko sa clinic nakita ko siyang hinahaplos yung buhok mo tapos super worried talaga yung expression ng face niya. Sige nga, sa mga simple gestures niya na ganon sa tingin mo walang gusto sayo yung tao? Kahit magpustahan pa tayo. Bet na bet ka ni prof beshy!" Kilig na kilig pa si Babeng habang hinahayag yung mga napansin niya kay prof pero ako rin kinilig! Talaga palang nag-alala siya sa'kin nung muntikan na akong madisgrasya. May bright side rin pala yung eksenang yun. Napangiti naman ako.
BINABASA MO ANG
Kapag Lumandi ang Api
Teen FictionNerd, losyang, pangit, out of this world na figure dahil sa sobrang dami ng taba-taba sa katawan at kung anu-ano pang imperfections na inembento sa sangkalupaan. Inaapi kahit saan mapunta dahil sa kapangitang taglay. Hanggang saan aabot ang pasensya...
