Chapter Thirty-two Part Two
Hindi na ako nagpasama kay Mr. Smith at kay Kupal na magluto. Tokwa! Baka mahalata kasi na natataranta ako at di ko alam ang gagawin ko. Sino ba namang di matataranta eh impromptu ito. Ano ba naman kasi yung pumasok sa isip ni Kupal at dumaldal pa siya about cooking home foods eh in the first place di ko naman nabanggit sa kanya na nagluluto ako or even he tasted my own cooked food.
Hinagilap ko pa talaga sa baul ng utak ko yung mga tinuro sa'kin ni kuya Brayson at ni mommy. Tokwa! That was how many years ago paano ko naman maaalala yun di ba?
After 1 hour of cooking and preparing, I am totally done. Hindi ko alam kung fail or success ba 'to. Bahala na si Kupal kung ano man ang kalalabasan nito basta ang importante tinry ko naman and I did my best to make it a blast. Tokwa! Di ko alam kung pasok ba 'to sa panlasa nila pero I tasted it naman, it was fine. Sana naman they will find it masarap. Huhu kapag ito fail kahihiyan na naman 'to :(
"Pwede mo na po silang tawagin para makakain na" sabi ko sa isang lalaki na SG yata ni Mr. Smith. Ito yung lalaki kanina sa entrance.
Tumango lang siya sa'kin saka pumunta sa sala. Teka? Kinakabahan ako ng di ko maintindihan. Feeling ko naman masarap. Feeling ko lang huhu. Bahala na si batman.
After a few moments dumating na sila sa dinning table at umupo na. Tokwa. This is it. This is the moment of truth.
"Do you think this is a success?" Bulong sa'kin ni kupal ng tulungan niya kong makaupo katabi niya.
Ngumiti lang ako para hindi masyadong halata na kinakabahan ako. "Hindi ko alam kupal. Wish me luck" sagot ko at umupo na.
"So this is it. This smells so good Mrs. Loyola, I can't wait to taste it" ngumiti na lang ako at tinulungan si Mr. Smith na kumuha ng kanin at ilagay sa plato niya. "So what is this called?" Dagdag pa nito.
"Not to brag but my mom is really good at cooking, so she let me know her recipe when I was still in middle school. This food is called paella. I don't know if you had this before but I hope you like my mom's recipe" sa sobrang kaba ko po napapa-straight english ako. Huhuhu mommy I'm so sorry if this will be a fail. Bat ko pa ba nasabi na galing kay mommy 'to? Kapag ito hindi masarap mapapahiya ko pa nanay ko. Hayp! Ang bobo ko sa part na yun.
"You are really close to your mom. Best wives are the ones who are really close to their moms. Good job for choosing her Mr. Loyola" -Mr. Smith
"Of course Mr. Smith. Having her is the best decision I made in my entire life" sabay yakap niya sa'kin pa-side. Na-iimagine niyo ba? Hays. Kung di ko lang alam na peke 'tong lahat maniniwala na'ko sa kupal na'to. Ang galing pala talaga niya umarte. Pang-FAMAS. Nakakahiya naman.
This is it. Susubo na siya. Sa lahat po ng santo na nakakarinig sa'kin ngayon tulungan niyo po ako huhuhu. Please po just this once maging success naman 'to. Kahit ngayon lang po.
Hinawakan ni kupal yung kamay ko as if he's cheering me up. Tinignan ko lang siya at hinintay na malunok ni Mr. Smith yung kinakain niya. Feeling ko pinagpapawisan na'ko sa sobrang kaba. Both of us are waiting for his comment. Kung di man masarap sana naman hindi pangit ang lasa.
BINABASA MO ANG
Kapag Lumandi ang Api
Teen FictionNerd, losyang, pangit, out of this world na figure dahil sa sobrang dami ng taba-taba sa katawan at kung anu-ano pang imperfections na inembento sa sangkalupaan. Inaapi kahit saan mapunta dahil sa kapangitang taglay. Hanggang saan aabot ang pasensya...
