26||Business Meeting???

847 27 0
                                    

Chapter Twenty-six


Te—teka? Ano 'to? Sa—saan ba 'to? Na—nakakaloka! Di naman niya sinabing ganito kamahal at ka-engrande yung meeting place nila ni— sino nga ba yun? Si ano— si???

"Huy kupal— este Galvin Klein sino nga ba ulit yung i-memeet natin ngayon?" Tanong ko habang papasok kami sa isang mamahaling restaurant.

"The Chairman of Loyola Group of Companies, in short my dad" walang ekspresyon niyang sabi. Bat naman ganun ka-cold yung pagkaka-introduce niya sa daddy niya? I smell something fishy ha?

Dumiretso kami sa elevator at pinindot naman niya yung button for the 5th floor. Ang OA naman ng restaurant na'to may 5th floor talaga? Ano bang klaseng restaurant 'to?

Syempre yung beauty ko— wala pala akong ganun, sumunod lang ako sa kanya kung saan man kami nito pupunta. Alam niyo yun? Nagmumukha na'kong buntot kakasunod ko sa kanya.

Pagkabukas ng pinto ng elevator naglakad lang siya ng deretso. Mga ilang hakbang lang may sumalubong sa aming lalaki, nasa mid 30s na yata yung lalaki base sa mukha at posture nito.

"Kanina pa naghihintay sa inyo si Chairman" sabi nung lalaki kay kupal.

"Hindi talaga siya makapaghintay ha?" Sabay smirk ni GK dun sa lalaki. Parang may naamoy talaga akong something dun sa relasyon ng mag-ama. Feeling ko lang talaga.


Pumasok na kami sa isang room. Yung peg eh parang private room ganun. Na-iimagine niyo ba? Please imaginin niyo hahaha. Anyways, pagkapasok namin sa room nakita ko agad ang pigura ng isang lalaki. Maganda ang hubog ng kanyang katawan. Pakiramdam ko nasa 40s na ang kanyang edad. May babae itong katabi, nasa 20s ata si ate girl. Maganda siya, sexy at mistisa pa. Napapalibutan ata ako ng magagandang nilalang ngayon ah? Kinakabahan tuloy ako >_<


Don't get me wrong sa sinasabi kong kinakabahan ako ha? Hindi ako kinakabahan dahil andyan ang tatay ni kupal, kinakabahan ako kasi hindi ako ready sa mga matatanggap kong mga salita ngayon. It's either positive or negative but I'm praying na positive kasi naman nag-effort akong mag-ayos at effort din ni mama 'to eh. Hindi pwedeng masayang.


Giniya ako paupo ni Galvin Klein. Nagulat pa nga ako kasi nagiging gentleman siya. Isa ata 'tong himala eh. Umupo na rin siya pagka-upo ko. Bali magkatabi kami ni kupal tapos kaharap ko si ate girl na mistisa tapos kaharap naman niya yung daddy niya. Pag-aassume ko lang ha? Kasi same sila ng mukha eh.


"Siya na ba?" Sabay sipat sa'kin ng lalaki from head pababa. Woaw! Bigla naman akong na-concious sa ginawa niya.


"Hindi ba halata? Hindi ko naman siguro siya isasama kung hindi siya ang napili ko" sagot naman ni kupal. Hala? Daddy niya ba talaga 'tong kausap niya? Bakit ang bastos naman ng pagkakasagot niya?


"Well, wala naman akong pakialam kung sino ang pipiliin mo para sa trabahong ito. I just want to make sure kung ang babaeng mapipili mo eh convincing ba. I was just surprise na kagaya niya ang mapipili mo" nanggigil naman ako bigla sa mga narinig ko. Ano naman kaya ang ibig niyang sabihin sa 'kagaya ko?'


"Wala ka ng pakialam kung kagaya niya ang napili ko. Sinusunod lang naman kita dahil gustong-gusto mong makuha yung deal 'di ba? Oh? Ayan na. Nakakita na'ko ng babaeng magpapanggap bilang mapapangasawa ko" kung mag-usap sila parang hindi sila mag-ama.

Kapag Lumandi ang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon