Chapter Six
Usual day and expect the usual na panlalait at pang-aapi coming from the students here at Wanton University. Minsan naiisip ko na nakakatawa pala yung name ng school namin no? Wanton? Bakit di na lang ginawang Canton? Mas unique pa siguro haha. Corny ko no? Alam ko po yun xD
Sa araw-araw na pinagdadaanan ko, iniisip ko na lang na isa akong superstar na kinaiinggitan ng lahat dahil hindi nila ako magawang tantanan. Kung sa artista pa, sila ang bashers ko na pinipilit akong hinihila pababa. Oh di ba? At least kapag yan ang inisip ko di na 'ko masyadong nasasaktan sa mga salitang pinupukol nila sa 'kin.
Naglalakad ako ngayon sa hallway ng school kasi nga di na ulit ako nagpahatid kay kuya Brent sa loob ng school. Kapag nakita lang ng mga estudyante ulit si kuya Brent mas lalong titindi lang yung pang-aapi sa 'kin. Kung hindi ako sasabihan ng himala may kasama akong magandang nilalang, sinasabihan naman nila akong ampon. Look who's very judgmental? Porket ganito hitsura ko ampon na agad ako? Aba?! Iba talaga mag-isip mga tao ngayon no? Tsk tsk tsk.
Siguro iniisip-isip niyo kung bakit inaapi itong unique kong hitsura? At bakit nga ba ako paulit-ulit na inaapi, isa lang ang masasabi ko wala talaga akong makitang dahilan bakit kailangan nila akong i-bully sa bawat araw na ginawa ng diyos at in all fairness sa kanila consistent talaga sila ha? Ginawa na yata nilang full time job ang pang-aapi sa 'kin eh, ampupu!
Hindi na ba pwedeng mamuhay ng simple sa panahon ngayon? Hindi na ba pwedeng hindi maging conscious sa hitsura at pananamit? Masama na bang isipin ko na kontento na 'ko sa binigay na kaanyuan ni Lord sa 'kin? Tell me, mali ba 'ko para isipin yun?
Thick dark eye glasses na sinusuot ko lagi kapag alam kong napaka-alikabok ng paligid at syempre kapag may ICT subject. Hindi ako naglalagay ng kung anu-anong kolorete sa mukha kasi nga I think and I truly believed that simplicity is beauty ikanga nila. Tsaka may pagka-mahaba itong bangs ko na halos natatakpan na yung mga mata ko. Bakit ba? Pinakikialaman ko ba yung hairstyles nilang halos hindi na maintindihan kung ano ba yung sinusunod nilang uso, tapos kung makapag-judge sa 'kin akala naman nila perfect yung mga style nila. Pakialam ba nila kung ganito kahaba yung bangs ko?! Tsk. Nakakagigil din kasi talaga eh! Pati ba naman ang bangs big deal na sa society ngayon?! Aba!? Eh di sana di na lang inimbento to no!?
Nakukuha niyo po ba yung gusto kong ipahiwatig? Hays.
Napatigil ako sa pag-iisip ng may bigla akong nabangga, "aray naman!" Nasabi ko ng medyo malakas. Kasi naman po parang kahoy yung nabangga ko, ang tigas ng katawan. Sakit ng ulo ko dun ah?
"Hindi ka lang pala pangit, tanga ka pa" sabi ng lalaking nabangga ko. Aba!? Ako ba tinatawag niyang tanga? Maria Agatha Felicima inhale exhale. Bawal kang magalit.
"Gupitan mo na kasi yang bangs mo miss para naman makita mo yung nilalakaran mo. Ang sagabal kasi ng bangs mo sa pag-unlad ng Pilipinas" ano raw? Ano naman ang kinalaman ng bangs ko sa pag-unlad ng Pilipinas?
"Don't be harsh on her Galv, nilalait na nga siya ng lahat dumadagdag ka pa. Relax, patext-text ka rin kasi kaya nabangga mo siya" sabi ng isang lalaking kasama niya. Ahh! Si Galvin sungit pala. Kung sinuswerte ka naman talaga oh este minamalas pala -.-
Buti pa mga kasamahan niya may malasakit sa kapwa tao eh itong isang to? Sarap bigwasan eh. Kung hindi lang talaga ako pinanganak na pasensyosa ng nanay ko kanina ko pa to nasapak eh.
"Tingin ka na lang next time miss ha?" Sabi pa nung isang lalaki. Paanong nangyaring pinalilibutan ng gwapo at mga mababait na nilalang itong si Galvin eh yung ugali niya pang satanas naman. Naku! Hindi yata tinablan ng pagiging good ng tatlong ito.
BINABASA MO ANG
Kapag Lumandi ang Api
Roman pour AdolescentsNerd, losyang, pangit, out of this world na figure dahil sa sobrang dami ng taba-taba sa katawan at kung anu-ano pang imperfections na inembento sa sangkalupaan. Inaapi kahit saan mapunta dahil sa kapangitang taglay. Hanggang saan aabot ang pasensya...
