12||Proposal

984 31 1
                                    

Chapter Twelve

Kulang na lang gumapang na 'ko sa sobrang pagod. Hindi ba nila alam kung gaano nakakapagod yung P.E class kanina at nagawa pa nila akong palinisin dito? Huhu. Ang sasama ng mga ugali. Walang mga puso! Hindi man lang nag-offer na tulungan ako.


Pagka-lagay ko ng nga panlinis sa lalagyan bigla akong humiga sa sahig. Hindi ko na talaga kaya. Sobrang pagod na pagod na yung katawang lupa ko pati na rin ang utak ko. Gusto ko ng magpahinga. Ang sakit na ng buong katawan ko at walang tigil sa kaka-reklamo itong tiyan ko. Sino ba naman ang hindi gugutumin eh lampas 7pm na. Dinner time namin sa bahay ang ganitong oras eh. Ang pinaka-masakit pa hindi man lang nagawang tumawag ng mga kumag kong kuya para kamustahin ang lagay ko rito. Papayag-payag sila tapos di man lang magawang kamustahin ako? Isa pa yung mga yun eh sarap batukan. Hays! Mas gusto ko na lang humiga rito at matulog.


"Wooooaaa!!!" Biglang sigaw ng isang tao. Di ko na alam kung sino yung pumasok. Sobrang sakit na ho ng katawan ko di ko na yata kayang i-lift yung mukha ko. Bali nakadapa akong nakahiga sa sahig.


"A-anong nangyari sayo? Ba-bakit ka diyan humihiga?!" Sabi niya pa. Hays. Ano ba ineexpect niyang gawin ko? Humiga sa isa sa mga sofa nila? Tapos ano? Utang na loob na naman? Naku! Buti ng ganito kesa magka-utang na loob ulit ako.


Dahan-dahan ko namang iniangat yung ulo ko para makita yung taong nagsasalita. Sa sobrang dahan-dahan ng pagkaka-angat ko nagiging slow motion na, "pasensya ka na ha? Sobrang pagod na pagod na pagod na talaga ako. Di ko na yata kayang maglakad eh" sabi ko. Si Greg lang pala.


"Akala ko pa naman si sadako ka! Tignan mo nga yang buhok mo! Gulo-gulo tapos pwede bang hawiin mo yan para hindi matago yung mukha mo. Grabe! Muntik na 'kong atakihin sa puso sayo! Tapos yung position mo pa para kang si the grudge. Kailangan talagang humiga ka ng nakadapa!? Nakakatakot kaya! Tumayo ka na nga diyan!" Nakakatakot? Ano namang nakakatakot sa ginawa kong to? Nakahiga lang ako pati ba naman to pakikialaman din? Grabe na talaga sila ha?


Sinubukan kong tumayo pero di na talaga sumusunod ang katawan ko, nakakaawa naman ako. "Pasensya ka na Greg ha? Pero pwede bang tulungan mo 'ko? Medyo di na sumusunod yung katawan ko eh. Mukhang pagod na pagod talaga siya"


"Ine-expect mo ba talagang tutulungan kita?! Sa ayos mong yan? Grabe!" Natatakot ba talaga siya?


"Ahh.. sige. Ako na lang pala" dahan-dahan ulit akong tumayo. Siguro naman kapag nakatayo na 'ko rito pakakainin naman siguro nila ako di ba?


"Hep! Freeze! Mas nakakatakot ka kapag slow motion yung pagtayo mo eh! Nangingilabot ako sayo. Wait! Diyan ka lang. Teka? Kailangan kong maghanda baka kainin mo 'ko eh" kainin? Alam kong gutom ako pero di ko balak kumain ng tao no! Grabeng insulto na yan ha? Ngayon lang ako nasabihan niyan.


Dahan-dahan naman siyang lumapit sa 'kin. Seryoso ba talaga siya? Akala niya kakainin ko talaga siya? Ang sakit naman. Di porket pangit ako aakusahan na 'kong kumakain ng tao, "huwag mo 'kong kainin ha?" Sabi niya pa habang kinukuha yung kamay ko para iakbay sa kanya. Inaalalayan na niya ko ngayon. Di pala siya ganun kasama. Medyo mean lang talaga siya magsalita.


"Ayusin mo nga yang paglalakad mo! Natatakot ako lalo sayo eh! Ayusin mo yung buhok mo!" Hindi ba siya inform na malapit siya sa tenga ko? Makasigaw naman to. 


"Opo, ito na aayusin ko na" sagot ko. Sinunod ko naman agad yung sinabi niya para di na siya matakot pa.


"Ang creepy mo. Tumataas balahibo ko sayo. Sige maupo ka na diyan" inalalayan naman niya 'kong maupo. "Wala ba siyang balak pakainin ka? Ayos din yun ah? Ipaglilinis ka tapos di ka pakakainin? Tss" sino ba tinutukoy niya? "Stay put ka lang diyan Sadako, kukuha lang ako ng makakain mo. Huwag ka ng gumalaw diyan! Baka kung makita pa kita kung san hihimatayin na talaga ako" tumango na lang ako.


~

"Siguro naman di ka na pagod? 1 hour passed kaya enough time na yun para bumalik ulit kahit half ng lakas mo. Nakakain ka na rin kaya pwede ka ng pumunta sa taas. Sa left side nandun ang office ni Vin" tama nga siya. Medyo bumalik nga ng konti yung lakas ko.


"Salamat talaga sayo" sabi ko. Thankful naman talaga ako, kung hindi dahil sa kanya baka natigok na 'ko sa sobrang gutom. Grabe lang!


"Huwag mo ng uulitin yun okay? Kahit sinong makakita sayo na ganun ang ayos mo matatakot talaga sayo eh. Umayos ka naman. Kahit pagod ka pilitin mo pa ring magmukhang tao. Napagkamalan tuloy kitang aswang"


Ngumiti na lang ako, "salamat talaga" tumango-tango naman siya.


Umakyat na 'ko para pumunta sa office ng kupal. Second year college pero may opisina at nasa bahay pa talaga niya? Ano yun? Nag-wowork na siya? Ganun? Parang imposible naman. Buti na lang talaga nakakain na 'ko baka gapangin ko pa tong hagdanan sa sobrang pagod ko kanina. Magmumukha kaya akong creepy nun? Sa tingin niyo?



"Oh? Hi. Nandun si Galvin sa office niya at kanina ka pa niya hinihintay. Good job sayo" sobrang lapad yung binigay na ngiti sa 'kin ni Chip. Akala mo nakalimutan ko ng di niyo ko tinulungan!? Tsk.


"Don't get us wrong Ms. Faulkerson, alam naming masama yung loob mo dahil hindi ka namin tinulungan ni Chip. Kung kami ang masusunod, hindi namin hahayaang gawin sayo ni Galvin yun kaso that's one way to test you kung perfect ka ba maging partner niya" mind reader ba 'tong si Razor? At ano raw? Test para malaman kung perfect akong maging partner niya? What does it mean?


"Pasensya ka na talaga kung di ka namin natulungan ha? Pero don't worry after today asahan mong sa lahat ng bagay nandito na kami ni Razor para tulungan at alalayan ka" mas lalo namang dumami yung question mark sa ulo ko. Ano bang pinagsasabi ng mga to?


Ngumiti ulit si Chip sa 'kin at bigla namang hinawakan ni Razor yung shoulder ko, "I know you're confuse. Malalaman mo rin lahat ng sagot kapag pumasok ka na sa office na yun" tinignan ko lang silang dalawa. Halata bang confuse ako?


"Goodbye na sayo Ms. Faulkerson. Kita ulit tayo bukas" bumaba na sila ng hagdanan. Ha? Ano?


"Te-teka lang!" Pahabol ko. 



"Huwag kang mag-alala ihahatid ka ni Galvin sa inyo" ang tanging isinagot sa 'kin ni Chip. Tuluyan na ngang nawala ang dalawa sa paningin ko.



Kesa sa mag-isip pa ng kung anu-ano tumuloy na 'ko kung nasaan si Galvin. Siya lang naman ang makakasagot sa mga tanong dito sa utak ko kaya kailangan ko na siyang makausap.


Nag-inhale exhale muna ako bago kumatok ng tatlong beses. This is it! Ano na naman kaya ang malalaman ko pagkatapos ng gabing to?


"Pasok" sabi ng boses sa loob ng kwarto. Binuksan ko naman agad ang pinto at nakita ko agad yung taong yun. "Umupo ka" sabi pa nito. Seryoso yata siya ngayon? Anyare?


Sinunod ko naman yung sinabi niya. Umupo ako sa sofa at naghintay ng mga susunod niyang sasabihin. Sa totoo lang kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit. Masama ang kutob ko rito eh.


Bigla siyang tumayo sa pagkaka-upo niya at naglakad papunta sa direksyon ko. Nang nasa harap ko na siya tumigil siya at tinitigan ako. Ano bang problema ng lalaking to? Teka? Papatayin niya na ba ako? Di ba serial killer siya? Wait. Sasabihin niya na ba na gusto niya 'kong i-hire? Oh my god! Anong isasagot ko?!



Biglang lumaki yung mga mata ko sa sumunod niyang ginawa. Lumuhod siya sa harap ko sabay sabing.....


"Will you marry me?"




Later~

Kapag Lumandi ang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon