31||A Kiss

385 12 1
                                    

Chapter Thirty-one


"I fvcking care because I'm fvcking jealous. You get it?!"




"I fvcking care because I'm fvcking jealous. You get it?!"





"I fvcking care because I'm fvcking jealous. You get it?!"





Sheeeet!






Nandito na'ko sa school at lahat pero bat nag-eecho pa rin yung sinabi ni kupal sa'kin kahapon? Gago ba siya?! Matapos niya kong ngitian ng ganon kahapon na peke pala tapos magsasabi siyang nagseselos siya?! Abnormal din yung kupal na yun eh! Grrrrrr!





"Huy besh? Ayos ka lang? Kanina ka pa lutang dyan te. Malapit mo ng makita love of your life mo kaya umayos ka na diyan" sabi ni Babeng habang tinatapik yung braso ko. Hay naku. Sinong sabaw? Sinong lutang? Eh di si Aga. Ako na talaga. Hays.




Sasagot na sana ako kay Babeng ng biglang nahagip ng mata ko ang papasok pa lang sa classroom na si kupal and friends. Oo. Yung kupal dumating. Mala-grand entrance pa talaga ang peg. Kala niya ba kinagwapo niya yan? Sus! Ang sarap niyang sakalin.





"Grabe beshy no? Nag-uumapaw talaga sa kagwapohan yang si Galvin. Sobrang gwapo, matangkad tsaka matalino pa. Not to mention super yaman pa ng pamilya. Sobrang swerte naman ng babaeng mapapangasawa niya" sabi ni Babeng habang kumikislap pa yung mga mata.







"Anong sobrang swerte? Sobrang malas kamo ng mapapangasawa niya. Sa sobrang sama ng ugali kahit aso di yata siya matagalan. Jusko! Good luck na lang talaga sa malas na babaeng magugustuhan niyan" sagot ko naman kay Babeng. I'm just stating the obvious facts here.






"Grabe ka naman Aga! Ang tao may soft side naman. Malay mo sa babaeng magugustuhan niya dun niya pa lang ipapakita kung gaano siya kasarap magmahal" soft side? Ang demonyo kahit baliktarin ang mundo walang soft side yan. Sus!





Hindi na lang ako nakipagtalo kay Babeng at nag-focus na lang sa harap. Mas mabuti pang antayin ko si Clive kesa puro si kupal yung naiisip ko. Kapag kasi sumasagi siya sa isip ko na-sstress ako agad eh. Ang pangit ko na nga tapos dadagdagan ko pa kapangitan ko? May ipapangit pa ba mukha ko? Parang wala na yata.






"Good morning class" bati ni prof Clive. Shit! Bakit sobrang gwapo niya naman yata ngayon? Ayy teka. Lagi pala siyang gwapo. Bat ganon?






"Uyy beshy ang hot naman ng future jowa mo haha" sabay siko sa'kin ni Babeng. Ang daldal talaga ng babaeng 'to kahit kailan.





"Sshhh! Ano ka ba. Baka may makarinig pa sayo ano pa isipin. Mabubully na naman ako tignan mo" sagot ko na lang sa kanya. Dapat di halatang kinikilig at umaasa ako di ba? Para kapag na-hopia di rin masyadong halata na nasaktan ganern.







"Mr. Loyala can you tell me what was our discussion yesterday?" Luh? Bungad talaga prof? Si Kupal talaga agad yung tinawag mo?






Tumayo naman agad si kupal na parang walang pakialam sa sino man ang tumawag sa kanya. Alam niyo yung tayo ng walang gana? Ganon siya tumayo. Napaka walang modo talaga.




"The discussion we have last meeting was about Six Important Trigonometric Functions. Do you want me to enumerate those functions and its meaning?" - Kupal






"Nakikita mo yung kuryente sa pagitan ng titig nila besh? Di ko alam na may tensyon silang dalawa ha? Bat di ko knows ito? Ikaw ba Aga? Alam mo bat sila ganyan sa isa't isa?" Please lang Babeng huwag ako tanungin mo kasi di ko rin gustong sagutin yan. Baka kasi kapag sinagot ko pati ikaw magulantang.





Kapag Lumandi ang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon