Chapter Twenty-two
"Terms and Conditions are indicated here in the contract. I want you to read those things Aga for you to react kung may hindi ka gusto o may gusto kang baguhin. You are free to give your thoughts about it" explain sa 'kin ni Raz at binigay na sa 'kin yung kontrata. Binasa ko naman agad ang mga nakalagay doon.
Terms and Conditions
1. Mr. Loyola and Ms. Faulkerson must be present in all business gatherings together most especially if those gatherings will concern the certain project with Mr. Smith.
"Teka lang ha? May tanong ako. Talagang kailangan present sa lahat ng gatherings? Paano kung may important lakad ako? Syempre may buhay din naman ako. Paano yun? Paano kung mag-conflict yung sched ko sa gatherings na sinasabi rito?" Mas mabuti ng magtanong kesa naman mamoblema pa 'ko if ever nga magkaroon ng conflict. May sariling buhay din ako kaya dapat kong malaman no!
"That would be understandable Aga. If your appointment is very important like family outings or bondings, school works, etc. as long as its important I can attend the gatherings with or without you. Uulitin ko, basta importante pwede kang hindi dumalo" sagot ni kupal. Ano bang ibig niyang sabihin sa 'importante' kasi feeling ko iba yung definition ko sa definition niya. What do you think?
2. Mr. Loyala should always escort his fiancée Ms. Faulkerson inside and outside the school. As much as possible they should be together in and out for the sake of the effectiveness of the act.
"Huh? Parang sobra naman yata to? Kailangan talagang lagi kaming magkasama kahit sa labas ng school? Asan naman yung hustisya dun di ba?! Paano naman ang mga personal lakad ko? Kahit ba sa lunch time kasama ko pa rin siya?! Ayoko. Hindi pwede to!" Tama naman ako di ba? Acting lang naman lahat kaya bakit kahit sa labas ng school at lalong sa loob ng school bakit kailangan lagi kaming magkasama? Ano yun? Tsaka hindi ko ma-eenjoy ang buhay ko kung alam kong laging may kasama akong kupal!
"I can't believe this, you don't want to spend time being with me? Seriously?! Halos lahat ng babae sa school gustong magka-time makasama lang ako tapos ikaw ayaw mo pa?! Ang choosy mo rin eh no?!" Wala akong masabi sa kakapalan ng pagmumukha nito. Seryoso, napakatigas masyado ng mukha niya. Tbh.
"Anong magagawa ko eh naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo? Presensya mo pa lang parang gusto ko ng lamunin ng lupa. Ayokong makita ka makasama pa kaya? I-change niyo to! Ayoko nito"
"Akala mo naman gustong-gusto rin kitang makasama tsss" dami pang sinasabi ayaw niya rin pala. Sus!
"Okay, let's change that. How about every MWF and Sunday, okay na ba yun?" Suggest ni Raz.
"Okay ako. Kahit nga Sunday na lang eh kung hindi lang talaga para sa kompanya to di ko talaga gagawin to tsk" aba?! Siya pa talaga ang may ganang magreklamo no? Ang kapal talaga!!!
"Hindi ako pwede ng Sunday, family day yun kaya hindi ako papayag ng Sunday" sagot ko.
"Kung hindi pwede si Aga ng Sunday, so i-move natin ng Saturday. Kailangang magkasama kayo ng weekends to make your act more convincing. Ayos na siguro sa inyong dalawa yun" hays! May magagawa pa ba ako? May iba pa ba akong choice dito?
Napabuntong-hininga na lang ako. Kung lagi kong kasama ang kupal na hinayupak na 'to paano ko pa ma-dadate nito si prof Clive? Paano niya pa maaamin sa 'kin yung tinatago niyang damdamin? Di ba? Di ba?
"Kung maka-make face ka naman parang ikaw ang lugi dito no? Ayos ka rin ah! Di ba dapat ako yung bumuntong hininga? Di ba dapat ako yung maraming reklamo?" Aba?! Papatulan ko na talaga to eh!
"At bakit naman ikaw yung dapat maraming reklamo? Aber?! Sino ba yung may pakana ng proposal-contract chuchu na 'to?! Sino bang nagyaya sa 'kin na maging fiancée mo? Sino bang gumawa ng paraan para umo-o ako sa kalokohan na 'to? Sino bang may kailangan ng tulong dito? Ako ba ha?! Ako ba?!" Nilakihan ko siya ng mga mata. Punong-puno na talaga ako sa lalaking to! Kung hindi lang dahil tinulungan niya 'ko hindi ko talaga gagawin ang kalokohan na 'to eh!
"Uyy? Easy guys easyhan niyo lang. We are just discussing about the contract hindi niyo naman kailangan magsigawan at mag-away pa" pumagitan naman agad si Clay. Ayy naku! Pigilan niyo pa 'ko kasi talagang highblood na highblood na 'ko sa hambog na 'to eh!
Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita ulit. "Raz? Pwede ko naman sigurong i-change ang mga nakalagay sa terms and conditions kahit napirmahan ko na di ba? As long as hindi ako sang-ayon pwede ko pang baguhin o dagdagan?" Bumaling ako kay Razor. Siya lang ang may matinong utak dito eh.
"Yes. You have the freedom to change or add something to the things indicated to the contract as long as valid at may basis. Pwede mo namang gawin yun" after he said that pinirmahan ko na agad yung kontrata.
"Here. Napirmahan ko na lahat kaya pwede naman sigurong pirmahan mo na rin to para makauwi na 'ko? I have my own copy naman kaya pwede ko siyang basahin anytime at sabihan si Razor kung ano ang mga babaguhin o dadagdagan" binigay ko na sa kanya yung papel para mapirmahan niya na rin. Good thing at kinuha naman niya agad. Akala ko dami na naman niyang sasabihin eh.
"Hindi mo ba tatapusin?" Tanong sa 'kin ni Chip.
"Hindi na Chip, gabi na rin kasi at malamang hinahanap na 'ko sa 'min. Tsaka kung may concerns naman ako I can contact Raz naman di ba? Kunin ko na lang yung number mo Raz para tawagan na lang kita kung sakali" kinuha ko na agad yung phone ko at iniabot kay Razor. Tinype naman niya agad yung number niya.
Kinuha ko na agad yung kopya ko saka nagpasalamat kay Razor. Di ko na binalingan ng tingin yung kupal baka ma-highblood na naman ako eh. "Sige, una na 'ko" lumabas naman agad ako ng office ni Galvin Klein at bumaba na.
—
Nakaka-stress masyado 'tong araw na 'to. Feeling ko hinigop lahat ng lakas ko eh. This is one of the reasons why I don't like to argue back. Mabilis lang kasi mapagod 'tong puso ko, feeling ko tuloy parang galing ako sa pagtakbo. Hays.
Te-teka? Nga pala nasa subdivision ako, paano naman kaya ako sasakay nito? Ayy ang shunga ko lang! So alay lakad ang peg ko ngayon? Napapagod na nga ako tapos maglalakad pa 'ko ng ilang kilometro? Ganun?! Aish! Pasakit talaga sa buhay ko yung kupal na hinayupak na yun! Urghh!
"Siguro naman na-realize mong wala kang sasakyan dito. Pumasok ka na, ako na maghahatid sayo" biglang nasa likod ko na pala siya. Kamuntik na 'kong manuntok sa gulat eh.
"Kailangan talagang manggulat? Hindi ka ba pwedeng sumignal muna para naman malaman kong nasa paligid ka na pala? Tsk. Tsaka isa pa di mo na ko kailangang ihatid nakakahiya naman sayo" akma na 'kong maglalakad sa ibang direksyon ng bigla niya kong hinila palapit sa kanya. Hindi naman yung todong lapit, tama lang para makita ko yung mukha niya at maamoy ang napaka-bango niyang katawan. Huh?! Napansin ko pa talagang mabango siya? Ayy! Ano ba yan!
"Nakalimutan mo na bang pumirma ka na sa kasunduan kaya ibig sabihin akin ka na. Pumasok ka na sa kotse at ihahatid na kita" binitiwan na niya ako at pumasok na sa driver's seat. Ayy grabe! Nagulantang naman ako sa mga sinabi niya.
Teka? An-ano raw? Sa kanya na 'ko? Ano naman kaya ang ibig niyang sabihin dun?
Later~

BINABASA MO ANG
Kapag Lumandi ang Api
JugendliteraturNerd, losyang, pangit, out of this world na figure dahil sa sobrang dami ng taba-taba sa katawan at kung anu-ano pang imperfections na inembento sa sangkalupaan. Inaapi kahit saan mapunta dahil sa kapangitang taglay. Hanggang saan aabot ang pasensya...