29||Part Two

333 9 1
                                    

Chapter Twenty-Nine Part II


"Prof Clive I'm sorry pero si GK ang gusto ko"




Bigla namang naging seryoso yung mukha niyang masigla kanina. Luh? Bakit? Mali ba yung sinabi ko? Mali ba yung construction ng sentence ko? Parang tama naman yata?




"Narinig mo naman siguro yung sinabi niya di ba Prof? Ako raw ang gusto niya. Teka? May gusto ka ba sa pangi— este sa babaeng 'to?" Hano? May gusto ako sa kanya? Ang kapal naman nito. Assuming ka kupal?! Hindi naman yun yung ibig kong sabihin eh!





"Ayy prof hindi yun yung ibig kong sabihin. A-ang ibig ko kasing sabihin si GK yung gusto kong bwesitin ganun! Tsaka may ano— may project kasi kami na gagawin ni GK kaya sabay po kaming uuwi hehe" masyado bang defensive yung pagkakasabi ko? Ayy bahala na si batman! Ayokong mamisunderstand ni prof yung sinabi ko. Mahirap na.




"Teka? Bat todo tanggol ka naman sa sinabi mo? Let me just clear everything dahil naguguluhan ako rito. Bakit kayo may lakad? Date ba yan? May gusto ka ba sa babaeng to PROF CLIVE? May gusto ka sa estudyante mo? Di ba nasa book of ethics niyo na bawal magkagusto ang isang professor sa estudyante niya?" Mahabang litanya ni mokong. Specify talaga yung prof? "One thing, bakit ka may lakad kasama ang estudyante mo na sa pagkakaalam ko wala naman kaming project o assignment na involve ka, I mean involve na lumabas kasama ka?" Dagdag niya pa.





Sira ulo ba 'to? Anong problema nito at nangingialam 'tong kupal na to sa buhay nang may buhay? Di naman ako nainform na kahit gwapo siya eh may pagka-chismoso rin pala siya. Aba?!






"I don't think you have any business about my personal life Mr. Loyola" cool na cool na sagot ni prof Clive. Nagkatinginan silang dalawa na para bang may kuryente sa pagitan ng titig nila. Wow naman! Para lang akong nanunuod ng drama ah? At sa dramang ito dalawang gwapong nilalang ang bida. Este kontrabida pala 'tong si mokong.





"I may not have business with your personal life prof but I have business with her. Kung ayaw mong may kumalat na hindi maganda about sayo at sa babaeng 'to lumayo-layo ka na. Alam mo naman siguro ang history ni Aga? Kapag nalaman ng mga estudyante rito na may espesyal kang pagtingin sa babaeng to baka triple pa ang matanggap niyang pambubully and worst, baka matanggal ka na ron bago mo pa siya maipagtanggol" Kung makasabi naman tong kupal na 'to ng 'babaeng to' parang wala akong pangalan ah?!




Pero tama naman siya. Kung malaman ng iba 'to sigurado kakalat agad ang chismis. Hindi lang ako ang masisira rito kundi si Clive rin. I can't afford to see him losing his job.




"I can resign anytime kung kinakailangan just to protect her from anyone na pwedeng manakit sa kanya. I can do that" teka? Kinikilig ako prof enebe!





"You can resign? Sige sabihin na nating pwedeng pwede mong gawin yun pero ang tanong may tatanggap bang university sayo after you resign here lalo na kapag nalaman nila na kaya ka nag-resign is just because nagkagusto ka sa estudyante mo. Do you think they can still trust your capabilities as a teacher? I doubt it" alam niyo kung legal lang talaga magbaon ng buhay na tao sa lupa kanina ko pa ginawa. Ang sakit na ng sinasabi niya kay prof ha? Masakit pero alam naming dalawa na totoo at posibleng mangyari. "Saan naman kayo dadalhin ng feelings na yan? Kapag nag-resign ka do you think titigilan ng mga estudyante si Aga? I'm sure pahihirapan siya lalo rito" yumuko na lang ako. Kahit kupal 'tong nagsasalita ngayon lahat naman ng sinabi niya totoo eh. Lahat tama. Lahat pwedeng mangyari at gaya ng lagi kong iniisip, hindi ko pwedeng tanggalan ng trabaho si Clive.






We are both silent. Ako at si prof Clive. God knows how eager I am right now to know his thoughts. Aayaw na ba siya? Titigilan niya na ba ako? Did he realized na tama si kupal at hindi na niya ako i-pupursue? Yan ang gusto kong gawin niya pero bakit ang hirap sumang-ayon ng puso ko? Bakit parang di ko kaya? Nalulungkot ako ng sobra kapag naiisip kong di na niya ako kakausapin, bibigyan ng atensyon o kahit tignan manlang. Mas masakit pa 'to sa bully ha?







"Kaya kung gusto mo talaga si Aga stop that nonsense feelings of yours. That won't take further. Masasaktan lang kayong dalawa" teka ha? Love guru na ba 'tong kupal na'to? Pero ang sakit naman niya magsalita!






"I will decide when to stop liking her. I will decide if when to erase this feelings you're talking about. Nararamdaman ko 'to at ako lang ang pwedeng magsabi kung aayaw na ako. But for now I'll keep my promise that I will protect her no matter what" tumingin naman si Clive sa gawi ko. "I will protect you even if I lost everything" pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang yun umalis siya kaagad. Naiwan naman akong tulala. Di alam ang i-rereact sa sinabi niya.







Teka ha? Wait lang ha?









Sheeeet! Tama ba yung narinig ko o nag-hahalucinate lang ako? (0///////////0)








OH MY GOSH!









Kinikilig ako kyaaaaaaaaaaaaaa!!!!










"Aray ko naman! Makabatok ka naman kupal! Close tayo ha?! Close tayo?!" Walangya 'to! Napaka-kontrabida sa kasiyahan ko! Kinikilig yung tao binatukan daw ba ako?!






"Saya ka na niyan? Kinikilig ka na niyan? Tsss. Di ko alam anong nakita nung Clive sayo pero gamitin mo utak mo. Alam kong ngayon lang may nagkagusto sayo pero gaya ng sinabi ko utak muna bago puso. Huwag kang tanga in short" umalis naman na siya agad pagkatapos niyang sabihin yun. Ayy wow! Makatanga naman si koya akala mo naman perfect eh no? Hampasin ko siya ng dos por dos eh!








Pauwi na'ko ngayon matapos ang matinding rebelasyon. Char! Hahaha. Mas naramdaman ko at mas malinaw na sa'kin ngayon ang feelings ni prof para sa akin. Ayy wow! Ang swerte ko naman hahaha.




Teka? Super happy ko talaga ngayon natakot tuloy ako bigla kasi di ba? Sabi nila kapag super saya mo raw eh may pambawi agad na lungkot? Huy! Huwag naman :(




Papasok na'ko sa gate ng bahay ng biglang nag-vibrate ang cellphone ko.




*bzzzzzzzzzzzzzzzzzt*







Kinuha ko agad yung cellphone ko at tinignan kung sino ang nagtext. Baka sila kuya na 'to at hinahanap na'ko.






1 message/s received:

[Pwede ka bang masundo sa bahay niyo ngayon? Emergency lang]


End of message





Emergency? Eh ano namang kinalaman ko sa emergency nitong si Chip? Weeee? Baka pakana na naman 'to ni kupal if I know.




*bzzzzzzzzzzzzzzzzzt*





1 message/s received:

[Papunta na'ko sa inyo ngayon. Maghanda ka na rin para deretso na tayo makaalis]


End of message





Ayy wow naman Chip! Di pa nga ako pumayag o nagtext back manlang tapos papunta ka na pala? Nag-inform ka pa di ba? Nakakahiya naman sayo.







Ano naman kayang klaseng emergency 'to? Kapag ito talaga hindi emergency sasakalin ko 'tong si Chip.





Later~

Kapag Lumandi ang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon