15||Behind

1K 29 0
                                        

Chapter Fifteen


Hanggang ngayon natutulala pa rin ako. Hindi ko lubos maisip mangyayari sa 'kin yun. Hindi ko alam ang mararamdaman. Medyo naguguluhan pa rin ako. Ano kayang ibig sabihin nun? Hindi ko pa rin makalimutan. Parang nag-e-echo pa nga sa isip ko eh. Nababaliw na ba ako? Siguro nga. Biruin niyo yun? Sabi ni prof Clive hindi niya raw maalis ang tingin niya sa 'kin? Ano kayang ibig sabihin niya dun? Jusko! Maloloka na yata ako >///<


"Huy! Ayos ka lang ba? Buti walang nangyari sayong masama? My god! Ano na lang ang mararamdaman ng pamilya mo kapag naabutan ka nung paso! Baka wala ka ng ulo ngayon o di naman kaya nagka-amnesia ka na!"


Feeling ko lumulutang ako eh. This is the first time na may nagsabi sa 'kin ng ganun. Teka? Kinikilig talaga akooooo >///< help me Lord. First time ko pong makarinig ng ganun sa buong buhay ko kaya di niyo po ako masisisi di ba? Huhu.



"Buti na lang talaga dumating si prof Clive at hinila ka niya agad-agad kung hindi naku! Coma ang labas mo besh! Grabe! Tapos ano? Sabi pa ni prof sa 'kin may possibility daw na baka sinadya yung pagkakahulog nung flower vase at ikaw talaga yung target. Grabehan lang! Gusto na ba talaga ng mga tao rito na matigok ka?! Napakasama talaga! Kung malalaman ko lang talaga kung sino ang may pasimuno ng lahat ng to siya papatayin ko. Tandaan mo yan Aga. Gagawin ko talaga yan para sayo. Mga hayop sila! Di na nakontento sa pang-aapi sayo at gusto ka pa talagang patayin?! Mga walang konsensya!"


Teka? Anong sasabihin ko sa kanya kapag nagkita kami ulit? Parang ang awkward naman yata kung tatanungin ko siya kung ano ang ibig niyang sabihin di ba? Hayaan ko na lang ba? Pero sayang yung moment eh! Ano kaya ang dapat kong itanong? Ahm? Ano kaya? Yung di masyadong obvious na atat ako sa sagot niya. Jusko! Di ako makapag-concentrate sa sobrang kilig!!!



"Buti na lang talaga malaki ang malasakit ni prof sa mga estudyante niya. Sa katunayan nga nag-report na nga siya sa admin ng school at pinapa-check niya rin yun CCTV. Kung malas ka man sa ibang bagay at least natagpuan mo ang swerte kay prof Clive. Pogi na super hero material pa! Nga pala, di ko pa napaalam kay Jook ang nangyari kasi alam kong huhuntingin niya agad yung gumawa sayo nito. Baka sa rehas ang bagsak nun kapag nagkataon"


"Kyaaaaaaaah!" Hindi ko na talaga mapigilan. Kahit man lang nakatakip yung bibig ko gusto kong tumili. Gusto ko pa sanang maglupasay eh kaso nakakahiya naman. Nandito pa kami sa clinic. Pinatignan kasi ako ni prof sa nurse baka raw may nangyari pa rin sa 'kin. Ang sweet niya di ba? Ayiiieee *^.^* blush na naman tuloy ako ahehehe.



"Aray!" mahinang sigaw ko. Bigla kasi akong binatukan nitong si Babeng. Problema nito? "Bakit ka ba nambabatok? Di ka naman inaano diyan" at pinandilatan ko siya ng mata.


Pinandilatan niya rin ako ng mata sabay hand gesture ng sasampal, "ay bruha ka! Kanina pa 'ko putak nang putak dito di ka pala nakikinig. Nagsasayang lang pala ako ng laway dito. Gusto mo sampalin kita? Ako na nga itong nag-aalala para sayo tapos ikaw diyan lumilipad lang ang isip. Na-trauma ka ba dahil dun sa nangyari?" Biglang bumalik yung worried expression niya. Kanina pa pala siya nagsasalita? Hays. Mukhang nag-focus lang yata yung utak ko sa sinabi ni prof Clive ah? Ano ba naman! Halatang-halata na kinikilig ako. Di ko talaga makalimutan eh hehe.



"Teka Babeng? May pinagsabihan ka ba tungkol sa nangyaring ito sa 'kin? May napagsabihan ka na ba?" Bigla kong naalala yung totoong nangyari. As in yung aksidente na mangyayari sana.


Hinampas niya 'ko ng mahina sa kamay, "sabi ko na nga ba hindi ka nakikinig eh tsss. Ulitin ko? Wala pa 'kong napagsabihan kasi nung nagtext sa 'kin si prof Clive di ako mapakali kaya takbo agad ako rito sa clinic, tapos ang maaabutan ko lang pala ay isang tulala at lumilipad na utak ni Maria Agatha Felicima tsss" hays. Buti naman at wala pa siyang napagsabihan kasi magiging total disaster kapag nagkataon. OA pa naman yung mga kuya kong yun. Baka biglang sumugod at torturin ang mga estudyante para maituro kung sino man yung gumawa sa 'kin nun.


Kapag Lumandi ang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon