Chapter One
"MARIA AGATHA FELICIMA FAULKERSON!!! GUMISING KA NA DIYAN! ANONG ORAS NA BATA KA! MA-LALATE KA NA!!!" Sigaw ni mama na halos dumagundong sa buong bahay. Hanep talaga tong si mama, kahit nasa living room rinig na rinig ko pa rin yung boses.
Sa totoo lang? Waley talaga akong balak pumasok sa school ngayon. First day of balik eskwela dahil nga kagagaling lang sa bakasyon parang gusto ko ng mapabilis yung araw at magbakasyon ulit for the christmas season naman. Juice colored! Bigyan niyo po ako ng bonggang bonggang lakas ng loob para sabihin sa aking butihing ina na ayoko pang pumasok at gusto ko pang i-extend yung bakasyon ko sa araw ng mga kaluluwa. Huhu utang na loob Lord tuloooong!
Biglang tumunog yung pinto na parang may pumapasok. Napapikit naman ako ng mariin "Huy pangit! Mom is calling you already. Kanina pa! Ayokong masira tong ear drums ko kaka-sigaw ni mommy. Get up you sleepy head!" Tsk. Isa sa mga bakulaw kong kuya. Akala ko si mama na eh.
Napabalikwas naman ako ng bangon. Alam ko naman kasing hindi ako tatantanan ng bakulaw na to eh! Aishh!!! "Kuya naman ihh! Ayoko ngang bumangon at mas lalong ayokong pumasok! Alam mo naman ang sinasapit ko everytime na nasa school ako di ba?! Utang na loob naman kuya Brent! I need space! I need rest!"
"Wow bunso? Big word ha?! May pa-I need space and I need rest ka pa diyan eh alam mo naman din na hindi papayag si mommy diyan sa mga kaartehan mo. Sinabi naman namin sayo na isumbong na natin lahat ng mga bumubully sayo di ba? Ikaw lang naman itong may ayaw kaya magdusa ka!" See? Super duper supportive ng kapatid ko di ba? Ang happy ko! *insert napaka-sarcastic tone* tsk.
"Kuya naman ihhhh! Alam mo rin naman ang isasagot ko diyan! Syempre what's the use na magsumbong? Eh halos ganun din yung ginawa natin last year eh, remember? Halos araw-araw na nga lang pumupunta tayo sa dean para lang isumbong yung bumubully sa 'kin pero ano? Tumigil ba? Di ba hindi?! Waley?! Nganga! Patuloy pa rin naman sila sa pang-aapi sa 'kin eh kaya mas gusto ko pang dito na lang sa bahay" napabuntong hininga naman ako. Syempre alam lahat yun ni kuya kasi naman halos siya kasama ni mama kapag pumupunta ng school.
"Felicima naman mas mag-aalala si mommy sayo kung ganyan ka, gusto mo ba yun? Halos hindi mo na nga sinasabi kina daddy ang mga pinagdadaanan mo kasi ayaw mo silang mag-alala di ba? Anong ginagawa mo ngayon? Magbihis ka na at ihahatid na kita bago ako pumunta sa studio" sagot ni kuya at pinandidilatan pa 'ko ng mga mata. Anong sabi naman ng pagpapalaki ng mata niya eh sobrang liit pa nga eh. Adik din tong si kuya Brent eh no?
"Kuya naman ihhh! Please??? Tulungan mo na lang akong magpalusot kay mama. Please naman kuya oh" tindihan mo na ang acting skills mo Aga para naman di ka na makapasok. Huhu ayoko talagang pumasok! *sad face*
Umupo bigla si kuya Brent sa kama malapit sa paa ko saka nagsalita, "O sige ganito, anong gusto mo Felicima? Ako ang magdadala sayo sa baba? O gusto mong tawagin ko pa si Blake dito at siya na magdala sayo? Sige! You have the freedom to choose" sabay smile niya pa sa 'kin. Huhu wa epek yung acting skills ko.
Hinampas ko ng mahina si kuya Brent, "Kuya naman ih! Nakakainis ka! Bakit mo naman idadamay si kuya Blake aber?! Tsk. As if namang naka-uwi na yun eh nasa Subic nga yun di ba para sa photoshoot niya" confident kong sagot. Syempre! Alam na alam ko lahat ng schedule ni kuya Blake kasi kapag nandito yun hindi naman ako mag-iinarte ng ganito. Naku! Takot ko lang dun sa kuya kong yun huhu.
"Well, my dear sister I have a great news for you. Our dear eldest sibling just came back an hour ago from Subic kaya kung ayaw mong makatanggap ng sandamakmak na sermon sa magandang umagang ito, you better gather yourself at huwag ng mag-inarte ^__^" sabay labas ni kuya Brent sa kwarto.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa mga narinig ko. Hanoooraw?! Kuya Blake is back?!!! Oh shit! Bakit ngayon ko lang nalaman?! Aisssh! Malas naman talaga oh oh!
Binilisan ko na ang pag-aayos sa kama at syempre sa sarili ko. Juice colored! Feeling ko sasabak ako sa matinding question and answer portion ngayon huhu.
Bumuntong hininga muna ako bago lumabas ng aking kwarto. Huhu lahat ng santo po? Tulungan niyo po akong makalusot sa matinding pagsubok ng aking buhay. Promise po! Kapag tinulungan niyo kong makalusot hinding-hindi na po ako mag-aacting at mag-iinarte na hindi papasok. Last na po ito talaga huhu.
Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan at dumeretso ng dining area. Susmiyo Aga! Ano bang kagagahan na naman itoooo?! Huhu.
Napalunok ako. Nakikita ko na si kuya Blake na nakaupo sa kanyang upuan habang katabi naman niya si kuya Brent na sarap na sarap na sa pagkain. Hayup yun! Di manlang ako sinamahan para sabay na kaming pumunta rito! Tsk.
"Ano pa bang hinihintay mo diyan Maria Agatha Felicima Faulkerson?! Anong oras na bata ka! Ma-lalate ka na niyan!" Si mama naman kung makabanggit sa pangalan ko, kailangang complete talaga? Attendance lang ganun?
"Hehe sorry ma napa-sarap tulog eh. Ngayon na pala ulit yung balik eskwela? Hindi pa kasi ako nakaka-get over sa araw ng mga patay" sabay upo ko katabi ni mama. Bali nakaharap ako kay kuya Blake. Huhu ayokong makita ang fess ni kuya huhu.
"Buti nagising ka pa bunso? Akala naming lahat natigok ka na kakatulog eh" hayup talaga tong kuya ko. Walangya! Parang di kapatid yung sinasabihan niya na matigok ah?! Tsk.
"I thought you're doing that because you don't want to go to school again?" Sabi ni kuya Blake nang hindi manlang ako tinatapunan ng tingin.
Napalunok naman ako bago sumagot.
"Naku kuya Blake bakit ko naman gagawin yun? Sadyang nakalimutan ko lang po talaga at hindi ako naka-get over sa haba ng araw ng bakasyon. Medyo nasanay na yung katawan ko na gumising ng late hehe" pagsisinungaling ko. Sana makalusot... sana makalusot.
"Sinungaling!" Biglang sigaw ni kuya Brent.
"Anong sabi mo Brent?" Tanong naman ni mama.
Sinipa ko naman si kuya Brent sa ilalim ng lamesa.
"What I mean is that sinungaling yung kaibigan ko mom. Sabi niya kasi sa 'kin kanina na late siyang nagising pero ang totoo ayaw lang niyang pumasok sa studio tsk tsk tsk. Sinungaling talaga yun" bwesit talaga tong hinayupak na to! Balak pa 'kong ilaglag.
"Ganun ba? Hindi dapat ganun. Pagsabihan mo. Kayo na nga itong may trabaho kayo pa ang ayaw. Maraming naghahanap ng trabaho ngayon" nakahinga naman ako dun. Buti na lang napaka-buti ng utak ng nanay ko. Hays.
"Oo nga mom eh. Mapagsabihan nga yun mamaya" sabay dilat naman niya sa 'kin. Sige! Dilat pa more! Kala niya naman masisindak ako sa liit ng mata niya. Tsk.
"Bilisan niyo ng kumain. May pasok pa kayong dalawa di ba?"
"Ayy... o-opo kuya. Itong si kuya Brent kasi ang daldal nakuuu! Kain ka na nga diyan kuya Brent at ihahatid mo pa 'ko!"
"Oo na!" Sagot niya. Kumain na rin ako. Naku! Buti na lang nakalusot kung hindi naku talaga!
Pasukan na naman susmiyo marimar! Tulungan niyo po sana akong pagtibayin ang loob ko sa susunod na pang-aaping daranasin ko ngayong araw. Kayo na po ang bahala sa 'kin.
Huhu.
Later~
BINABASA MO ANG
Kapag Lumandi ang Api
JugendliteraturNerd, losyang, pangit, out of this world na figure dahil sa sobrang dami ng taba-taba sa katawan at kung anu-ano pang imperfections na inembento sa sangkalupaan. Inaapi kahit saan mapunta dahil sa kapangitang taglay. Hanggang saan aabot ang pasensya...