Nerd, losyang, pangit, out of this world na figure dahil sa sobrang dami ng taba-taba sa katawan at kung anu-ano pang imperfections na inembento sa sangkalupaan. Inaapi kahit saan mapunta dahil sa kapangitang taglay. Hanggang saan aabot ang pasensya...
Okay? By 5:00pm magbibihis at mag-aayos na 'ko. It's Saturday today and remember? This is the day na ipapakilala ako ni Galvin Klein kay Mr. Smith. Ang bilis talaga ng araw kung lumipas. Parang kahapon lang naganap yung sukatan ng mga damit eh. Hays. Kinakabahan tuloy ako. Ano kaya ang magiging impression sa 'kin ni Mr. Smith? Maniwala kaya siya na ang tulad ko ang pinatos ni GK? I mean, ang tulad ko ang mapapangasawa niya? Ma-convince kaya siya? Ayy naku!
Dahil nga marunong naman ako sa table manners at kung anu-ano pang etiquettes na yan eh nakapagpahinga naman ako ng ilang araw. Sabi pa nga niya tuturuan niya raw ako ng basic English pero buti na-realize niyang may pinag-aralan naman ako at hindi mangmang pagdating sa lingguahe na yan. Nakaka-insulto nga eh. Hindi niya ba narinig pag-e-English ko? Walang modo talaga! Naisip ko nga na siya ang mas dapat turuan ng GMRC eh. Naku! Huwag ako. Ika nga, don't judge the book by it's cover. Don't judge me because I'm not a book. Hindi niya ba alam yun? Sus! Panis pala siya eh.
*bzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzt*
Napatingin naman agad ako sa phone ko. Exactly 5:00pm na pala. 7:00pm yung dinner namin with Mr. Smith kaya kailangan ko ng mag-ayos. Teka? Kailangan ko ang super powers ni mama. Hindi ako masyadong marunong mag-make up eh kaya kakailanganin ko ang mala-make up artist na kamay ni mama. Teka? Matawag nga.
Bumaba muna ako para hagilapin si mama. "Ma???" Tawag ko dito pagkababa ko.
"Yes baby girl? I'm here" sagot naman nito. Ang boses ni mama ay nanggagaling sa sala. Pumunta naman agad ako.
"Ma busy ka? I kinda need your help po eh" deretso kong sabi sa kanya. Wala naman akong natatago diyan sa mama ko eh. "Pleasema?" Sabi ko ulit.
"Ofcourse naman baby girl. Mommy will do anything for you. Ano ba ang gagawin ko?" Ngumiti lang ako at hinila na si mama papuntang kwarto ko. Ayoko na sabihin, chismoso pa naman mga kuya ko. Ayokong matadtad ng madaming tanong no! Ma-stress pa beauty ko. Ayy oo nga pala, wala pala ako nun.
—
"Ayos lang ba 'tong hitsura ko ma? I mean, overall outfit? Tsaka isama mo na rin yung mukha ko ma" tanong ko kay mama after niya kong make up-an at isuot yung binili na damit at sapatos ni Galvin Klein. Medyo naiilang pa 'ko kay mama eh. Jusko! Hindi naman kasi ako naggaganito kaya nakakailang talaga.
"You look stunning baby. May date pala kayo ni Clive hindi mo naman agad sinabi nak" halos maubo naman ako sa sinabi ni mama. Wish ko lang talaga na si prof Clive yung kasama at ka-date ko ngayon kaso malas eh. Yung hinayupak na kupal kasi ang kasama ko. Nakaka-sad di ba? Hays.
"Ayy naku! Hindi po ma. Hindi po si prof Clive ang kasama ko ngayon" I truthfully answered. Eh sa hindi talaga eh.
"Oh really? So it's Galvin? He's so nice naman anak kaya ayos lang yan. Normal lang talaga ang kabahan. This is your first date and I'm happy dahil si Galvin ang makakasama mo" ngiting-ngiti pa si mama habang sinasabi sa 'kin ang mga salitang yan. Naku! Halos maduwal naman ako dun. As if namang kinakabahan ako kasi siya ang kasama ko. Tsaka ano raw sabi ni mama? Nice? Nagbago na pala definition ng nice ngayon? Naku? Kung alam mo lang talaga ma. Kung alam mo lang.
"Wow naman! Ang ugly duckling naging medyo ugly na lang. Anong meron?" Napa-roll eyeballs naman ako sa sinabi ni kuya Brent. Akala ko naman compliment na yun eh tsk.
"She has a date with Galvin. Ang saya di ba anak?" Pumapalakpak pang sabi ni mama. Seryoso? Masayang-masaya yata masyado si mama ah?
"Ma I told you, it's not a date okay?" Bumuntong hininga ako at inayos na lang yung bangs ko. "Tsaka kuya pwede bang huwag kang tumitig sa 'kin ng ganyan? Nakakailang eh" dagdag ko pa.
"Hindi lang talaga ako sanay na ganyan ang get up mo ngayon Felicima. Ano? Ihahatid ba kita o susunduin ka ng jowa mo ngayon? Este ni Galvin pala" hayy naku! Wala ng patutunguhan ang usapan na 'to.
"Susunduin niya lang daw ako eh. Tsaka kuya? Hindi ko jowa yung si Galvin okay? Tantanan mo 'ko sa mga usaping ganyan" sasagot pa sana si kuya Brent ng pumasok si kuya Bray.
"Galvin is already downstares. I guess you're ready to go" ngiting sabi ni kuya Bray. Wala manlang bang pipigil sa 'kin na hindi sumama sa kupal na yun ha? Tsss. Ang galing lang talaga.
"Sige po, uuwi rin po ako agad" sabi ko at kinuha na agad yung bag ni binili sa 'kin ulit ni Galvin Klein.
"Take your time baby girl" sabi ni mama.
"Kahit bukas ka na umuwi Felicima. I-enjoy mo lang yan! Minsan lang yan eh" lumaki naman yung mga mata ko pagkarinig ng sinabi ni kuya Brent. "Joke lang. Dapat iuwi ka niya kung ayaw niyang magkalasog-lasog yung katawan niya di ba?" Napabuntong hininga naman ako. Sira talaga 'tong si kuya.
"Sige na po aalis na 'ko" nag-beso lang ako sa kanilang lahat saka lumabas ng kwarto. Okay? This is it! Makikita ko na si kupal ngayon oh? Sana naman maging successful yung pagpapanggap namin kasi kung hindi mauuwi sa wala lahat ng pagtitiis at paghihirap ko para lang sa araw na 'to.
Malapit na 'ko sa living room at nakikita ko na ang isang pamilyar na pigura. Parang likod pa lang niya kilala ko na eh. Hays. Magiging kupal pa rin kaya siya ngayon? Ayy naku! Kebs ko naman di ba? Iisipin ko na lang na isang malaking trabaho 'to para sa isang katulad ko. Kailangan ko 'tong i-survive.
"Let's go?" Parang ang awkward naman nito. Hindi ko alam kung maganda ba 'ko dito sa suot ko pero wish ko lang naman di ba? Parang huminto yung pintig ng puso ko habang umiikot siya para tignan ako. Ba-bakit ganito?
"Hi-hindi na masama. Hindi pala ganun kasama" sabi nito ng makita ako. Compliment ba yun?
Tinignan niya lang ako na parang hindi makapaniwala sa babaeng nakikita niya sa harap niya. Anong meron? Ba-bakit ganyan siya sa 'kin ngayon? Na—— nakakailang lang talaga.
Later~
—————————————————————————- Ano nga ba ang hitsura ni Aga na nagpagulat sa isang Galvin Klein? See picture below ⬇️⬇️⬇️
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.