The Hidden Chapter
"Director, Chairman wants to see you" sabi ng sexyng secretary ni dad na si Valeen. Grabe! Nag-uumapaw talaga siya sa kaseksihan. Kung wala lang kami sa trabaho ngayon I'll make sure I make it to heaven with her. "May problema ba director?"
"Yes. I think this is a big problem Val" I answered. Nagtaka naman siya. Ang sarap niyang titigan pero mas masarap siyang ikama.
"What is it? Perhaps I can help" I smirk. She's very innocent yet very seducing. How could dad handle her presence? Kung isang katulad ni Valeen ang secretary ko malamang lagi siyang nasa kama ko nagtratrabaho.
"I wanna go to heaven with you Val" kumunot yung noo niya. I guess she didn't get what I mean. "In a very worth it way na siguradong magpapa-ungol sayo" I plaster a playful smile. I like the way when she blush. Matagal ko na 'tong chinichempuhan si Val kaso panay trabaho niya. Tss nakakadismaya na nga minsan.
"Director hindi bagay sayo ang magbiro ng ganyan kaya paalisin mo na si Valeen at pumunta ka na kay Chairman. Hinihintay ka na niya" kung minamalas ka naman talaga. Kung saan sakto na chempo saka naman papasok itong si secretary Jang. Tsk. Ang malas talaga!
Umalis na si Valeen at pumasok na ng tuluyan si secretary Jang. "Wala ka ba talagang magawa ha? Napaka-wrong timing mo naman! Yun na eh! Maganda na yung chempo tapos bigla kang susulpot. Psh"
"Naghihintay na si Chairman Loyola sayo kaya bilisan mo na" grabe! Baliwala lang sa kanya yung sinabi ko? Di ako makapaniwala.
~
"Ano bang pinaggagawa mo Galvin? Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita pinapasundo kay Valeen. What took you so long?!" Ayan na naman siya sa litanya niya. Ang ingay.
"Chairman bakit niyo ba 'ko gustong makausap? Marami pa 'kong gagawin"
"Kailangan mo ng maghanap ng mapapangasawa. Nasabi ko na yung isang bilyong project cost sayo and he wants you to handle it kasama ang mapapangasawa mo" napatingin naman ako kay secretary Jang na agad namang nag-iwas ng tingin.
"Nagpapatawa ka ba? How could you say that?! Kaka-college ko lang tapos gusto mo na agad akong maghanap ng mapapangasawa?! Hindi ako makapaniwala!"
"Galvin gusto ko lang ipaalala sayo na this project will be your first big project. Hindi basta-basta ito"
"Nasisiraan ka na ba talaga?! Hindi ko gagawin yun! Sobrang bata ko pa para magka-asawa! Kahit nga girlfriend wala ako"
"Paano ka magkakaroon ng matinong relasyon kung sira ulo ka!? Puro ka kalokohan! Puro luho mo lang ang iniisip mo!?" Tsss. Di naman niya kailangang sumigaw.
"Papa este Chairman lahat na ipagawa niyo sa 'kin pero huwag lang yan pwede? Akala niyo ba pwede lang ako kumuha ng babae sa tabi-tabi tapos shoot! Mapapangasawa ko na? Mahirap yun lalo na kapag may standards pa yung kliyente. Saan ako makakahanap ng wife material? Sige nga chairman saan at pupuntahan ko kaagad. Sa panahon ngayon wala ng katulad ni mama. Swerte mo nga nahanap mo pa siya"
"Wala akong pakialam kung saan ka maghahanap, marami ka namang babae di ba? Make them as wife material. Matalino ka naman kaya alam mo na ang mga gagawin. We can't just let go of this project lalo na't malaki ito. Paano ko ipamamana ang kompanya sayo kung isip bata ka pa rin! Maghanap ka Galvin! Within this month kailangan mo ng ipakilala sa 'kin ang mapapangasawa mo para masimulan na rin natin ang meeting with Mr. Smith. Tapos na ang pag-uusap na ito. Bumalik ka na sa office mo"
"Pero papa!" Hindi na siya nag-abalang tignan ako at uminom lang ng kape. Fvck! Tumayo na 'ko at agad na ring lumabas. Fvck! Akala niya ba madaling makahanap ng desenteng babae ngayon?! Sh*t!
To be continued.....
BINABASA MO ANG
Kapag Lumandi ang Api
JugendliteraturNerd, losyang, pangit, out of this world na figure dahil sa sobrang dami ng taba-taba sa katawan at kung anu-ano pang imperfections na inembento sa sangkalupaan. Inaapi kahit saan mapunta dahil sa kapangitang taglay. Hanggang saan aabot ang pasensya...