32||Mahaba???

676 29 29
                                    

Chapter Thirty-two Part Three




Nasisiraan na ba ng ulo 'tong kupal na'to? Bat ako matutulog dito? Ha!? Pagagalitan ako ni mommy at nila kuya kung di ako uuwi.








"What are you doing?" Taas kilay niyang tanong.







"Tinatawagan ko si Barbie magpapasundo ako. Sira ulo ka ba? Pagagalitan ako ng mga kapatid ko at nanay ko kung di ako uuwi ng bahay" sagot ko naman.








"Edi tawagan mo" ikli niyang sabi at dumiretso na ng kusina. Luh? Adik ba'to?






Tatawagan ko talaga! Ano akala mo sa'kin? Papayag na lang ako na dito matutulog? Over my dead body! Kahit pangit ako may karapatan naman akong maging choosy no!







"Babeng pick up the phone" mahina kong sabi. Minsan talaga 'tong si Babeng kung kailan kailangang-kailangan saka naman hindi ma-reach. Tokwa! Ikaw na lang pag-asa ko para makaalis dito.







"Does she answer?" Sinamaan ko ng tingin si kupal. Huwag niyang sasabihin na kinidnap niya si Babeng para lang di ko ma-contact? Jusko! Ano ba'tong iniisip ko. Napaka-importante ko naman kung gagawin niya yun. Napaka-imposible.






*bzzzzzzzzzzzzzzzzzt*







Agad ko namang tinignan kung sino yung nag-text.









1 message/s received:







["Aga I can't answer the phone right now. Medyo busy kasi ako ngayon sorry. Nandito kasi sila Clayden, remember him? Yung tropa ni Galvin. OMG! Ang gwapo-gwapo niya pala talaga sa malapitan. Nandito rin yung ibang tropa ni Galvin na sina Chip tsaka Razor. This is weird pero who cares di ba? Hahahaha. Matulog ka na lang okay? Good night. I love you"] - Barbie






End of message









Sabi ko na nga ba may ginawa 'tong kupal na 'to eh!









"What?! You can't kill me with that death glares of yours. And if you are worrying about your siblings and mom I already talked to them. They gave me permission, so they won't look for you. They knew that I'm with you" prente lang siyang nakaupo sa sofa habang sinasabi niya sa'kin ang mga bagay na yan. Pero teka? Ano raw? Pumayag pamilya ko?! Huh?!








"Ano namang kasinungalingan yung sinabi mo para mapapayag ang pamilya ko aber?! At isa pa bat mo ba kailangang gawin yun? Eh gusto ko nga umuwi!" Kulang na lang saksakin ko siya eh. Nakakawala siya ng poise.







"It's Galvin's way and you don't have to know about it. Wala ka namang magagawa kasi wala kang masasakyan paalis ng villa. Kesa ngumawa ka dyan na parang 3 years old baby umakyat na tayo sa taas so that I can rest okay? I've been through a lot today. And will you please stop nagging? Ang sakit mo sa tenga"









Sasagot pa sana ako ng bigla siyang tumayo and umakyat na. Gago talaga 'to eh! Hindi pa nga ako nakakasagot mag-wawalkout na agad.









Grrrrrrrrr. I hate this!











Wala rin akong nagawa kundi umakyat sa taas. Nakakainis naman kasi eh. Bat kasi ako pa yung malas na babaeng napagtripan nitong kupal na'to?! Marami namang babae dyan na magkakandarapa na mag-volunteer makasama lang 'tong si kupal eh. Okay pa sana kung si prof Clive 'to baka ako pa mag-suggest na matulog katabi siya. Tsk. Kaya bat ako Lord?! Bakit po akooooo :(









Kapag Lumandi ang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon