04||GKL

1.4K 35 0
                                        

Chapter Four

"Alis na po kami Tita, salamat po ulit dahil pinayagan mo po akong makitulog ulit dito" ani Barbie habang ready na kaming umalis papuntang school. Oo, may pasok na naman -.-

"Anytime iha. Say my regards to your mom okay?" Sabay smile ni mama sa kanya.

"Sige po"

"Felicima sana naman di na ulit kayo umuwi dito ng maaga ha? At mas lalong huwag ka na sanang umuwi ng madumi baka akalain ni daddy pinababayaan ka namin dito. Makakauwi talaga yun ng wala sa oras" ang daldal talaga netong si kuya Brent. Kahit kailan talaga eh no?

Nang marinig ni kuya Bray ang pangalan ko bigla itong sumulpot at nagsalita, "Agatha let's hang-out later. Let's catch up. I miss spending time with you" asus! Etchosera naman nitong si kuya Bray. Bakit di na lang kasi sabihing pipilitin na naman ako para mag-ayos. Nahiya pa siya. Tsk.

Di ko na lang pinansin yung sinabi ni kuya Bray, "Yan ka na naman sa Agatha mo kuya, Aga na nga lang kasi. Speaking of Aga, hindi na po maaga kaya kailangan na po naming umalis. Ma-lalate na kami eh"

"Oh sige na Maria Agatha Felicima Faulkerson, kailangan niyo ng pumasok. Brayson at Brent huwag niyo ng kulitin itong bunso ninyo. Sige na iha umalis na kayo" yan na naman yang nanay ko sa buong pangalan. Proud na proud talagang banggitin buong pangalan ko eh kahit di ko alam kung san niya napulot.

"Don't forget later. Take care" nasabi na lang ni kuya Bray.

"Ingat kayo Barbs" sabi naman ni kuya Brent. Ito namang si Babeng parang nakarinig ng anghel. Namula pa yata siya.

Tumango-tango na lang ako, "bye po" pahabol ko na lang.

Pinaandar na ni Babeng yung sasakyan.

"Huy! Baka ma-aksidente tayo sa ginagawa mo! Bakit ka na naman tulala diyan ha?! Wala na sila kuya uyy!" Aba?! Parang walang narinig ang gaga. Dedma lang siya sa sinabi ko.

Inalog-alog ko naman siya. Ayaw mong magising ha?! "Huy! Huwag ka ng matulala diyan! Mapapaaga kamatayan natin niyan eh!" Sabi ko pa.

"At talagang mapapaaga kamatayan natin kung di mo titigilan yan! Huwag mo 'kong alugin! Alam mo namang nag-dradrive ako oh? Bulag lang Aga?" At ako pa talaga ngayon ha? Sino kayang tulala sa 'ming dalawa?

"Eh pano tulala ka diyan, ano ba kasing nangyayari sayo?" Umupo na lang ulit ako ng maayos.

Ngumiti muna siya ng pagkalapad-lapad bago sumagot, "ihhhhhh! Di mo ba narinig yung sinabi ni kuya Brent ha?! Mag-iingat daw ako ayiieeee!!!" Malaki talaga ang sapak nito pagdating sa mga kuya ko. Ewan ko ba dito.

"Ewan ko sayo! Masyado ka na yatang nabaliw diyan sa pagpapantasya sa mga kuya ko" napailing-iling naman ako.

"Eh bakit Aga? Ayaw mo ba 'ko para sa isa sa mga kuya mo? Malay mo naman di ba? Ilang years lang naman ang magiging gap eh. Open ako for any relationships like that"

"Ewan ko sayo, bahala ka nga!" Di na ulit ako nagsalita pa at nag-focus na lang sa labas. Di na rin naman nagsalita ulit si Babeng. Good thing.

~

"Grabe talaga Aga no? Kapag ikaw talaga kasama ko instant famous agad eh no? Pinagtitinginan talaga tayo ng lahat infairnes lang" hindi ko alam kung niloloko ba 'ko nitong si Babeng o ano.

"Nananadya ka ba? Parang di mo naman alam kung bakit" sagot ko na lang at nagtuloy na sa paglalakad.

"Kyaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!" Biglang nagtilian yung mga dinadaanan namin. Anong meron?

Kapag Lumandi ang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon