02||The Usual Pang-aapi Day

1.9K 42 0
                                        

(This chapter is dedicated to tonyaaah  for making my Book Cover. Lots of love baby girl ;)


Chapter Two

"Dito mo na lang siguro ako ibaba kuya. Keri ko na pumasok sa gate" sabi ko kay kuya nang pinahinto ko ang kotse sa tapat ng school namin.

Napakunot-noo naman siya sa sinabi ko. "Are you sure Felicima? Baka kapag hindi kita hinatid papasok sa gate na yan eh biglang may nag-aabang na pala sayo na isang timbang tubig at bigla ka na lang matatapunan o di naman kaya may nakakalat na balat ng prutas diyan sa lupa at bigla ka na lang madudulas. Huwag na! Ihahatid na kita sa loob ng eskwelahan" paliwanag pa ni kuya.

"Eh kuya huwag mo na 'kong alalahanin, sa dami ba naman ng pinagdaanan ko mahuhulog pa 'ko sa mga ganyang paandar? No way! Kuya hindi lang ako kagandahan pero hindi ako tanga no! Basang-basa ko na sila" pagmamatigas ko.

"Alam ko namang hindi ka tanga Felicima pero ang akin lang baka naman sa unang pagbabalik eskwela mo pa lang eh bigla ka na lang umuwi dahil basang-basa ka na naman o di naman kaya nabalian ka. Ihahatid na kita para sigurado. Huwag na matigas ang ulo mo" naku itong si kuya di talaga makaintindi. Kung gano kaliit yung mata niya ganun din kaliit yung pang-unawa niya.

"Kuya maraming sasakyan sa loob baka ma-late ka pa kapag hinatid mo pa 'ko sa kaloob-looban ng school na yan tsaka ano... si Barbie oh! Makikisabay na lang ako sa kanya kuya. Babye" kiniss ko na si kuya sa forehead at dali-daling lumabas ng sasakyan. Buti na lang nakita agad ng matitinik kong mga mata si Beshy.

"Felicima mag-iingat ka!" Rinig ko pang pahabol ni kuya. Kumaway na lamang ako sa kanya habang tumatakbo papalapit sa sasakyan ni Babeng.

"HUY BABENG HINTAY!!!" Sigaw ko para marinig ako ni Besh na kasalukuyang papasok na ng gate. Susmiyo may pagka-bingi pa naman yun.

Buti naman tumingin sa gawi ko ang lola niyo.

"Oh besh? Where's your car?" Hingal na hingal naman akong nag-stop sa side niya. Buti na lang talaga nakababa itong window ng kotse niya kung hindi alay lakad mode talaga ang magiging peg ko. Layo-layo pa naman ng classroom.

"Wait lang besh ha *hingal* medyo hingal eh *hingal* teka lang" Infairnez ha? Medyo malayo pa pala yung hinintuan namin ni kuya.

"Oh sige. Pumasok ka na muna dito baka may sumunod pang sasakyan mabusinahan pa tayo. Hop in dear" utos niya na agad ko namang sinunod.

Nang okay na ulit ang circulation ng dugo ko at ang aking paghinga sinagot ko naman yung tanong niya kanina habang busyng-busy siyang imaniobra yung sasakyan papasok ng gate at papuntang parking lot ng building namin.

"Si kuya kasi di ko na pinatuloy pumasok sa school. Buti nga nakita kita agad eh kaya ayun natakasan ko!"

"Swerte mo at nakita mo 'ko tsaka nakakainis ka!" Sabi pa niya habang nag-dradrive pa rin. Problema nito?

"Oh bakit na naman ha? Akala ko kakampi kita? Bat naiinis ka sa 'kin ngayon?!" Sagot ko.

"Alam mo Aga kung hindi lang talaga ako nag-dradrive ngayon nasabunutan na kita. So OA ha? Ang gusto ko lang naman sabihin ay naiinis ako sayo dahil hindi mo na pinatuloy yung kuya mong pumasok sa school. Yan tuloy di ko masisilayan yung gwapo niyang mukha. Kainis ka talaga!"

"So yun naman pala ang pinuputok ng botche mo diyan?! Tsk. Kung gusto mo makitulog ka na lang sa bahay mamaya para makita mo yung kuya ko. Kakahiya naman sayo nainis ka pa" sabay irap ko sa kanya. Loka-loka to parang si kuya Brent lang yun nainis na sa 'kin agad. Aba?!

Kapag Lumandi ang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon