Chapter Seventeen
"Aalis ka na kuya? Ahm? Salamat pala kanina kuya ha? Akala ko talaga masasampal na 'ko ng matigas at malaki niyang purse eh. Natakot ako bigla nun kuya buti na lang talaga ikaw naghatid sa 'kin" nandito na kami sa classroom and hindi naman lingid sa pakiramdam ko na ang mga tao sa labas eh nakatingin sa 'min ni kuya Blake ngayon. Nalaman kasi nila na sister ako ng super model kaya na-shookt talaga sila. Sino ba naman ang mag-aakalang sa pangit kong to eh kapatid pala ng isang Blake Faulkerson di ba?
"Umuwi ka ng maaga mamaya, mag-uusap tayo. Wala na sigurong mananakit sayo rito dahil nandiyan ang kaibigan mong professor. Aalis na 'ko" tumingin lang sa 'kin si kuya ng ilang segundo bago tumalikod at umalis na. Nag-wave na lang ako sa kanya kahit alam ko namang hindi niya makikita.
"Ayos ka lang ba? I'm glad that Blake drove you here"
"Ayy kabayo!" Nagulat naman ako. Itong si prof Clive talaga kung minsan may pagka-kabute eh. Ang hilig sumulpot ng walang signal-signal. Ambilis tuloy ng tibok ng puso ko. Char.
"I'm sorry Agatha, nagulat pa yata kita" naku sir! Huwag namang may pahawak effect ka pa sa balikat. Feeling ko lumalambot na yung tuhod ko at malapit na 'kong ma-fall sayo? Charot!
"Ahh.. ayos lang po. Medyo nagulat ng konti pero ayos lang. Good morning po pala prof, nakakahiya nauna pa po kayo kesa sa 'kin" yumuko naman ako ng very very light. Kunwari nahihiya talaga ako haha.
"You are five minutes early huwag kang mag-alala, medyo hindi lang talaga ako mapakali sa office kaya dumeretso na 'ko agad dito para makita ka" huh? Ano raw? Parang nabingi yata ako.
Kumurap-kurap muna ako bago nagsalitang muli, "a-ano po?" Ang tanging nasabi ko. Teka? Feeling ko magsisimula na 'kong kiligin >///<
"Did you got my text? Nag-text kasi ako kanina sayo dahil sa pag-aalala ko. Hindi kasi ako nakatanggap ng text back galing sayo kaya nag-aalala rin ako na baka hindi mo na-received yung text ko sayo" sus si prof talaga! Huwag naman ganyan prof! May pa worry ka pa eh. Kakakilig!!!
Kahit gusto mo pang i-recite ko prof eh, etchos lang! Mahahalata namang head over heals ako sayo kapag ginawa ko yun. "Ahm? Opo, natanggap ko po. Thank you pala dahil worried ka sa 'kin" ang pabebe ko! Naiinis tuloy ako sa sarili ko.
"Nag-aalala talaga ako sayo kahapon kaya di ko na natiis na i-message ka. Masaya ako't okay ka na" hinawakan naman ni prof yung ulo ko. Bali hinaplos-haplos niya, ganun. Oh my gosh! Yung feeling ko ngayon parang nasa koreanovela ako. Jusko! Nakakakilig naman to!
"Ehem! Sir gusto ko lang malaman kung makikipaglandian lang po ba kayo diyan o may balak pa kayong turuan kami ngayong araw? Kasi kung wala naman kayong balak na mag-lecture eh pwede naman siguro na kaming umalis hindi ba? Nakakahiya naman sa inyong dalawa, parang nag-momoment pa kayo eh" umepal ang isang napakalaking kupal. Sino pa ba eh di yung hinayupak na Galvin. Ugh! Panira ng moment eh no? Andun na nga kami sa scene kung saan pinapatugtog yung theme song ng kdrama eh! Kainis!
Kinuha naman agad ni prof yung kamay niya sa buhok ko at bigla siya lumapit sa 'kin. As in malapit, naamoy ko na nga yung hininga niyang napaka-bango eh. "I'll talk to you later" he whisper na halos nagpanginig sa buong kalamnan ko. Jusko! Ang sarap naman ng pagbulong niya. Kyaaaaaa!
"Okay class, please be in you chairs magsisimula na tayo. For today's discussion it will be...." mabilis naman ako pumunta kung nasaan ang upuan ko, syempre katabi ni Babeng na busyng-busy kaka-text. Hindi ko na nga muna siya iistorbohin at makikinig na 'ko. Super saya ko lang today except dun sa nangyari kanina at sa pag-interrupt ng hinayupak na kupal.
BINABASA MO ANG
Kapag Lumandi ang Api
Ficção AdolescenteNerd, losyang, pangit, out of this world na figure dahil sa sobrang dami ng taba-taba sa katawan at kung anu-ano pang imperfections na inembento sa sangkalupaan. Inaapi kahit saan mapunta dahil sa kapangitang taglay. Hanggang saan aabot ang pasensya...
