Chapter Twenty-four
Isang sikat na boutique ang pinuntahan namin dito sa mall dahil sabi ni Galvin Klein dito raw sila namimili ng mga susuotin kapag may party. Ito lang din daw yung isa sa mga pinagkakatiwalaan niyang boutique inside the mall. Nakuha niya pang mag-kwento eh sa totoo lang hindi naman ako curious o kahit nga tanong di ko ginawa. Madaldal din siya eh no?
"Hi Aga" masiglang bati sa 'kin ni Chip. Nakita ko pang kasama niya si Raz tsaka si Clay. What's the meaning of this? Ibig bang sabihin kasali sila sa mag-jujudge ng susuotin ko?
"Galvin invited us here" sabi ni Raz. Halata namang ininvite niya talaga kayo eh. Ano na naman kaya ang balak nitong hinayupak na kupal na 'to? Ipapahiya niya ba 'ko sa tatlong 'to?! Tsk. "Also we have to be here kasi nga hindi masyadong marunong tumingin si Galvin sa mga suot ng babae. He's only interested about the body hindi yung suot niya mismo" ayy manyak pala eh. Gwapo nga manyakis naman. Naku! Walang future ang ganitong klaseng tao.
"Sinabi mo pa dude! Don't worry Aga, you can count on me. Cassanova man ako sa paningin at pananaw ng iba pero may taste naman ako pagdating sa damit-damit na yan" sabay wink pa sa 'kin ni Clay. Medyo malagkit ka eh. "Where is he by the way?" He added.
"Ahm? Nag-cr lang. Kanina pa yun kaya malamang pabalik na rin yun" sagot ko ng walang kabuhay-buhay. Eh sa hindi ako excited eh huhu.
And speaking of the devil....
"You guys came. Good. Let's start" sabay lakad niya papuntang couch, "hey! Kindly give her the best dresses and high heels you have here" utos niya sa isang sales lady na nakatayo sa harap namin. Tumango lang ng konti yung babae.
"This way ma'am" hinawakan ako ni Ms. Sales lady at sumunod lang din ako sa kanya. Nang makarating kami sa isang part kung saan yung fitting room binigyan niya naman agad ako ng isang dress at isang heels. "Try this first ma'am. If you need anything I'm just here outside" sabi pa nito. Eh? Engleshera pala sales lady dito? Sosyalin din ha?
Pumasok na 'ko sa fitting room at sinuot yung binigay niya sa 'kin.
After sometime....
"You can go outside and let them check your outfit" sabi sa 'kin ng sales lady kanina pagkalabas ko ng fitting room.
"Te-teka? Hindi po ba ikaw yung mag-checheck ng suot ko kung bagay ba sa 'kin o hindi?" Tanong ko. Hi-hindi ba siya?
"I'm sorry but it's them" tanging sagot nito. Hala? Anak ng pating naman oh! Lahat talaga ng ipapasukat sa 'kin kailangan ko pang ipakita sa kanila? Ano 'to? Modeling lang ang peg ko? Ganun?
Lumabas na 'ko para ipakita sa mga kamahalan ang nasuot ko. Hindi naman sa pagmamayabang ha? Pero kahit may pagka-losyang ang mga suot ko marunong akong maglakad gamit ang heels. Yes! Isa sa mga hidden talents ko yan. Syempre! Naranasan ko rin naman ang maging prinsesa no! Yun nga lang dati yun. Buti nga marunong pa rin ako eh matagal na panahon na yun.
"Oh? Ayos na ba 'to?" Tanong ko nang makatayo na 'ko sa harapan nila. Busyng-busy naman sila sa pagpapa-cute sa mga sales lady. Ayy naku!
"What do you say?" Raz asked.
"Pupunta ka ba sa binyagan? Party pupuntahan natin hindi binyagan. Palitan mo yan" aba naman?! Ang kupal na 'to kung makapag-utos akala mo hari eh!
"Ahm? Hehe oo nga naman Aga. Hindi bagay sayo. Sukat ka na lang ng iba" pagsang-ayon naman ni Chip. Wala na 'kong nagawa kundi sundin ang dakilang kupal na si Galvin Klein.
![](https://img.wattpad.com/cover/130460816-288-k708578.jpg)
BINABASA MO ANG
Kapag Lumandi ang Api
Novela JuvenilNerd, losyang, pangit, out of this world na figure dahil sa sobrang dami ng taba-taba sa katawan at kung anu-ano pang imperfections na inembento sa sangkalupaan. Inaapi kahit saan mapunta dahil sa kapangitang taglay. Hanggang saan aabot ang pasensya...