10||Sundo

1.2K 29 0
                                        

Chapter Ten

Kapag minamalas ka naman talaga! Ang akala mong first date niyo mauuwi lang pala sa wala. Yung paghahanda ko nauwi sa nganga. Hindi ako makapaniwala na nagulo ang lahat dahil lang sa pagdating ng hinayupak na yun. Naiwan akong nakanganga at nasira lahat ng iniisip kong romantic cheverlou na magagawa sana namin kung hindi lang talaga umepal yung kupal. Hays! First time eh! First time sanang may dumalaw sa bahay pero nauwi sa wala. Nakakainis!!!


Kahapon pa nangyari yung pang-gagate crash ng hinayupak pero until now gigil na gigil pa rin ako sa ginawa niyang paninira sa first meet and greet nila mama kay prof Clive. Perfect na sana di ba? Bakit ba kasi pinanganak pa ang mga kupal at hinayupak sa mundo? Eh di sana naging peaceful ang earth kung di sila nag-eexist di ba? Kaloka!


And speaking of the kupal, naalala ko na hindi pala siya makakapasok dito sa bahay kung hindi siya winelcome with open arms ni manang. Sakto naman na nandito siya sa harap ko ngayon. Siya talaga ang puno't dulo ng lahat! "Manang? Bakit niyo pala pinapasok yung lalaki kahapon? May ginawa po ba siya sa inyo para papasukin niyo siya?" I asked. Imposible namang walang ginawang kalokohan yung Galvin na yun. Hindi kasi basta-basta nagpapapasok ng kung sino man itong si manang eh.


Nagtaka naman yung hitsura niya at di muna sumagot. Marahil iniisip niya kung sino yung tintukoy ko. "Ahh. Yung gwapong lalaki na matangkad? Siya ba?" Sagot nito. Grabe lang yung pag-describe ni manang ha? Pwedeng matangkad na lalaki na lang? Kailangan talagang isali yung gwapo?


"Ahh ehh... siya nga po" labas sa ilong ang pag-a-agree ko.


Para namang biglang nag-brighten up yung mukha at aura ni manang. Anong meron? "Ayy hija pinapasok ko na kasi sabi niya ikaw daw ang sadya" yun lang? Yun lang yun?


"Ehh manang? Bakit niyo naman po pinapasok agad? Paano kung magnanakaw po yun o di naman kaya serial killer eh di napatay na po kaming lahat sa loob" nakakainis si manang ha!


"Ha? Alam ko namang wala siyang masamang binabalak. Sa gwapo at kisig ba naman ng batang yun? Hindi niya magagawa ang mga karumaldumal na iniisip mo. Isa pa hija mukhang mayaman kaya alam kong hindi kayo pagnanakawan. Nung sinabi niyang ikaw ang sadya niya at nag-smile siya sa 'kin alam kong mabuting tao ang batang yun" kulang na lang maghugis puso yung mata ni manang.


At anong sabi ni manang? Wala siyang masamang binabalak? Walang gagawin na masama? Haha patawa rin to si manang eh no? Anong walang gagawing masama? halos pumunta nga lang siya rito para insultihin at sirain yung araw ko eh! "Manang naman hindi porket gwapo at nag-smile lang sayo eh wala ng gagawing karumaldumal. Sa panahon po ngayon kahit super japorms yung pormahan sila pa po yung maiitim ang budhi kaya huwag po kayong paloloko. Modus na po ng iba yun eh" naiinis ako rito kay manang ha? Porket gwapo oo agad? Porket maganda ang posture at katawan papapasukin agad? Kailan pa nagka-standard sa taong papapasukin itong si manang? Pambihira!


"Aga alam ko kung may gagawin na masama o wala. Na-excite lang din kasi ako, minsan lang magkaron ng mga gwapong bisita rito sa bahay. Maliban sa pamilya mo at sa kaibigan mong si Barbie, wala na 'kong nakitang magagandang nilalang"


"So sinasabi niyo po na pangit talaga ako? Ganun?" Grabe rin to si manang makapang-insulto ha?


"Ang sinasabi ko lang naman hija wala namang nangyaring masama di ba? Kaya magpasalamat ka na lang na dinalaw ka ng ubod ng gwapong batang yun okay? Oh sha! Aalis na 'kot mamalengke pa 'ko" at umalis na nga siya. Magpasalamat daw? Ano namanang ipagpapasalamat ko sa hinayupak na kupal na yun? Wala nga siyang ginawang mabuti sa buhay ko. Tsk.


Kapag Lumandi ang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon