11||Threat

1K 24 0
                                        

Chapter Eleven

Nandito na pala kami sa bahay ng preskong kupal. Nag-dadalawang isip pa 'kong pumasok pero kinalaunan nakumbinsi rin akong pumasok. Actually, nagulat akong may mga matino pa lang kaibigan si Galvin knowing na hindi siya matino, mayabang at napakasama ng ugali. Sa tingin ko sobrang aga pa para mag-conclude sa dalawang ito.


Hindi na 'ko masyadong nagulat sa bahay nila. Bakit naman ako magugulat eh mas maganda yata bahay namin dito eh. Okay naman yung bahay kaso magulo lang, medyo marumi rin. Hindi ba siya marunong maglinis? O di naman kaya wala ba silang maid? Nakakaloka!


"Upo ka lang muna diyan. Tignan ko lang si Galvin kung nasa taas na siya ha?" Palangiti talaga itong si Chip. No doubt marami siyang faney. Mabait din eh. Ideal guy ng girls.


"Nag-meryenda ka na? I can prepare you some" ito namang si Razor medyo seryoso pero hindi naman yung tipong poker face na. Sobrang gentleman niya lang. Napaka-galang at ang galing niyang magdala ng tao ha? Pasok din siya sa pwedeng maging ideal guy ng girls.


Nginitian ko muna siya bago sumagot. Syempre kailangan ko ring maging magalang kasi bait-bait niya sa 'kin "ayos lang ba? Medyo gutom na rin ako eh. Kakain pa sana ako kanina kaso bigla kayong nag-pop up hehe" sa dami ba namang ginawa sa P.E class namin kanina gugutumin ka talaga. Medyo pagod na nga rin ako eh.


"Just wait here. Kukuha lang ako ng makakain mo" he's kinda sweet. Magugulat si Babeng kapag kinuwento ko to sa kanya. Akala kasi talaga namin na kung gaano kasama yung kaibigan ganun din sila. Ika nga tell me who your friends are and I will tell you who you are pero mukhang si Galvin lang ata ang hindi na-impluwensyahan ng good manners ng dalawa. Ang pinagtataka ko bakit wala yung isa pa nilang tropa? Mabait din kaya ang taong yun?


Dahil nandito na 'ko naisip ko tuloy kung ano yung project na sinasabi ni kupal. Wala naman akong maalala na project o kahit assignment man lang, tsaka kung meron man I can do it alone. Pangit lang ako pero matalino naman ako no! Fair kaya si Lord. Akala niya naman! Pero wala talaga akong idea eh.


"Oh? Who you?" Ayy kabayo! Nagulat naman ako. May bigla kasing nagsalita eh. Huwag namang ganun! Magugulatin ako eh huhu.


Tumingin naman ako agad sa biglang nagsalita na yun. Pwedeng huwag manggulat? Uso mag-signal uyy! "Hi" awkward kong bati sa kanya.


"Ahh alam ko na! Ikaw ba yung pinapunta rito ni Vin? Tamang-tama! Medyo magulo na yung bahay eh. I don't expect na mabilis siya makakuha ha?" Ano bang pinagsasabi ng lalaking to? At tsaka ano naman ang kinalaman ko sa magulo at madumi nilang bahay?


Nagtaka naman ako sa mga pahayag niya, di ko siya ma-gets ha? "Sorry pero nandito ako dahil may gagawin kaming project ng hinayu— este ni Galvin" sagot ko sa kanya. Baka pinagkamalan ako nito eh.


"Gregory nakauwi ka na pala" biglang pasok naman ni Razor from the kitchen yata. Dala na niya yung sinasabi niyang meryenda ko.


"Sabing Greg na lang eh. Teka? Sino ba 'tong babaeng to? Siya ba yung sinasabi ni Vin na i-hahire niya?" I-hahire raw? Para saan? Sabi na nga bang serial killer yung sira ulo na yun eh! Balak pa yata akong i-hire ah? Grabe! Napaka-creepy naman.

"Umakyat ka na sa taas at magbihis bago ka gumala. Akyat na" ano kaya siya ng kupal? Cousin kaya?


"Ang sungit mo naman yata ngayon Raz? Bakit? Hindi ba siya? Imposible namang girlfriend mo yan? Nagbago na pala taste mo sa babae ngayon? May pagka-losyang na pala yung gusto mo?" tinignan niya naman ako from head to toe. Wala na ba talagang araw na hindi ako makakatanggap ng insulto? Ha!?


Kapag Lumandi ang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon