Chapter Nine
Jusko! Anong gagawin ko!? Pagbubuksan ko ba ulit? O mag-aacting na lang ako na hindi ko siya kilala? Jusmiyo!!! Ano bang gagawin ko!? Huhu.
Hindi na 'ko mapakali at lakad lang ako nang lakad sa harap ng pintuan. Susko naman itong si manang, bigla-bigla na lang nagpapapasok ng hindi naman niya kilala. Pano kung magnanakaw siya di ba? O di naman kaya serial killer, eh di patay na kami ngayon? Naku! Pahamak talaga itong si manang huhuhu.
Patuloy pa rin siya sa pag-dodoor bell. Loko-loko ba siya ha?! Hindi maka-gets na hindi ko siya gustong papasukin? Hays! Akala ko ba matalino siya? Bat di niya makuhang ayokong nandito siya sa bahay at mas lalong ayokong makita ang gwapo niyang pagmumukha! Wait.... ano? Anong si-sinabi ko? Erase.. erase.. erase! Scratch that 'gwapo' basta! Ayokong makita yung pagmumukha niya. Nakakainis lang kasi.
"Maria Agatha Felicima Faulkerson? Sino ba yang nag-dodoor bell at di mo pa binubuksan? Kanina pa yan" sigaw ni mama from the dinning. Grabe naman si mama, kahit medyo malayo yung dinning area namin nakaabot pa rin dito yung boses niya.
Teka? Bubuksan ko na ba? Nakakaloka kung si mama o si kuya pa yung magbubukas di ba? Baka magtaka pa sila kung bakit di ko pa to pinagbubuksan. Hayst! Bat ba kasi siya nandito!? Nakakainis naman!
Napapasabunot na 'ko sa buhok ko dahil hindi ko na talaga maintindihan ang gagawin ko. May choice ba 'ko? Naku naman talaga eh!
Inhale.... exhale... Go Aga! Keri mo yan! Siya lang naman yan eh, di mo naman na siya crush di ba? Kaya wala ng dahilan para maapektuhan ka pa ng ganyan. Keri lang. Huwag mo na lang isipin na nakakainis yung pagmumukha niya lalo na yung ugali niya. Okay. Ito na talaga.
Inayos ko na muna yung buhok kong sinasabunutan ko kanina bago binuksan yung pinto. This is it Aga! Dahan-dahan kong binuksan yung pinto at dahan-dahan ko ring nakikita yung pigurang nakatayo sa harap ng pintuan. Habang dahan-dahang bumubukas yung pinto para namang nakaharap ako sa mismong araw dahil sa sobrang liwanag. Alam niyo yung sobrang nagliliwanag siya? At yung buhok niya parang nililipadlipad pa ng hangin yung parang nasa commercial? Yung nililipad yung buhok ng model. Ganun yung nakikita ko sa kanya ngayon. Nakakaloka! Hindi yata ako na-inform na may ilaw na pala dito sa pintuan at may electric fan na rin? Amazing ha!?
Medyo kinurap-kurap ko pa yung mata ko dahil akala ko gumagawa talaga siya ng commercial. Nagimbal ako sa pailaw niya ha? Ang liwanag at ang hangin. Medyo natutulaley pa 'ko sa nakita ko "Huy! Ms. Nobody!? Bakit ang tagal mong buksan ha!? Kanina pa 'ko nag-dodoor bell ah!? Tapos nung binuksan mo naman bigla mo naman akong binagsakan ng pintuan. Nag-dradrugs ka ba ha? Hindi mo 'ko nakita? Ano akala mo sa 'kin? Gwapong multo kaya bigla mo 'kong pinagsaraduhan ng pinto? Malapit na 'kong magkaugat dito oh?!" Naiinis na sabi niya. Bigla naman akong nagising sa pagkakatulala ko. Nag-sink in naman bigla yung mga sinabi niya. Ano raw!? Sinisigawan niya ba 'ko sa sarili kong pamamahay!? Wow ha! Hindi rin makapal ang apog nito ah!
"Wala pa naman akong nakikitang ugat kaya huwag kang mag-alala. Tsaka bakit ka ba nandito ha?! Paano mo nalaman itong bahay ko at isa pa anong sinuhol mo kay manang para papasukin ka?" Nakakaloka! Siya pa talaga itong galit eh siya na nga itong nag-gate crash. Tsss.
Tinignan niya muna ako from head to toe, na-concious naman ako bigla. Problema nito? "Hindi nga ako makapaniwala na dito ka nakatira eh, akala ko nga kasambahay ka rito pero biglang pumasok sa isip ko na paano ka naman makakapasok sa University kung di ka nakakaluwag-luwag di ba? Di ka rin naman scholar at para makasigurado nagtanong na rin ako at medyo nagulat ako na anak ka ng may-ari ng bahay na 'to" a-anong sabi niya!? Ininsulto niya ba 'ko ngayon ngayon lang?
BINABASA MO ANG
Kapag Lumandi ang Api
Novela JuvenilNerd, losyang, pangit, out of this world na figure dahil sa sobrang dami ng taba-taba sa katawan at kung anu-ano pang imperfections na inembento sa sangkalupaan. Inaapi kahit saan mapunta dahil sa kapangitang taglay. Hanggang saan aabot ang pasensya...