29||Gusto Ko

401 13 3
                                        

Chapter Twenty-nine Part 1


Ang bango. Yung amoy niya parang pang-hottie na may 6 pack abs na pinagpapawisan pa. Yung amoy pa ng leeg niya parang nanghihikayat na halikan at amoy-amoyin. Yung likod niya perfection! Ang sarap hawakan at ang sarap damahin. Akala ko ba galing ng school to? Bakit amoy bagong ligo? Parang di naman pinagpawisan o nakapitan ng alikabok? Bat napaka-unfair naman ng universe? Ano to? May favoritism ganon?


"Ayokong nakikitang umiiyak ang asawa ko. Nasasaktan ako"




(\O______O/)






Teka lang ha? Parang nabingi yata ako ron.



Pinilit kong makawala sa masarap niyang pagkakayakap, ayy wait!? Anong masarap pinagsasabi mo dyan Aga?! Erase erase erase!




"Huy kupal?! Bitawan mo nga ako baka may makakita pa sayo ano pa isipin eh. Bilis na bitaw na!" Todo tanggal naman ako sa mga bisig niya. Tokwa 'to! Ang bango-bango este ang higpit naman ng yakap nito.


"Umarte ka na naaayon sa ganda mo. Choosy ka pa ikaw na nga yung niyakap ikaw pa 'tong galit. Buti nga may comforting side ako. Swerte mo na nga niyakap ka ng isang gwapong katulad ko" sabi niya habang nakayakap pa rin sa'kin. Teka? Hinahangin ako. Ang lakas naman ng hangin banda rito.



"Sinabi ko ba na i-comfort mo'ko? Assuming ka rin eh. Tsaka I don't feel cared or comfort since alam ko namang pampalubag loob mo lang yan dahil pumayag ako sa deal na sinasabi mo. Bwesit ka! Bitawan mo na nga ako!" Pagpupumilit ko pa rin. Ayos na sana eh. Dama ko na sana ng medyo slight eh ang kaso puro lang para pakitang tao. Dagukan ko kaya 'to? Tsss.



"Ang arte mo naman. Sa lahat ng pangit ikaw yung pinaka-maarte. Well, ikaw lang naman kilala kong pangit" pagkasabi niya nun bumitaw na siya sa pagkakayakap sa'kin. Aba't?! Walanghiya 'to ah?! Ako lang daw pangit sa mga kilala niya? Patayin ko na lang kaya rito 'to total pwede ko namang sabihin na trespassing siya kaya nagawa ko yung krimen. What do you think guys? Hmmm. "Kung ano man yang pinagdadaanan at dinadramahan mo dyan it's not worth to cry. Hindi pa magugunaw ang mundo kaya huwag ka ng umiyak. Sumasagwa lalo mukha mo eh" sasagot pa sana ako ng pumasok na siya sa kotse niya. Aba't hinahamon talaga ako nito ah?!


"Oh? Alis na'ko misis gabi-gabing na. Masyado mo ng pinagnanasahan ang kagwapohan ko. Swerte mo na masyado. Ge" at humarorot na nga siya paalis sa paningin ko. Kahit kailan talaga ang gago nun! Bwesit siya nanggigigil ako sa kanya ha?!

-


"Oh Aga? Para ka yatang pinagsakluban ng langit at lupa? Bat nakabusangot ka dyan?" Tanong sa'kin ni Babeng habang paupo sa tabi ko. Hays. Date na nga naging bato pa.

 

Hindi ko na lang sinagot si Babeng at hiniga ko na lang yung ulo ko sa desk ko. Ahh! Napaka-malas ko naman! May mag-aaya na nga lang teacher ko pa, worst wala pang pag-asa kasi nga teacher ko nga. Bat ba kasi ganito universe? Bat ayaw mo'kong sumaya?!

 

"Aga! Aga!" Pano naman yung date namin mamaya? Ano yun? Drawing na lang?! Gustong-gusto ko pumunta at makasama si Clive ang kaso ayoko namang maging selfish at baka mawalan pa siya ng lisensya ng dahil sa'kin.

Kapag Lumandi ang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon