05||The Hottest Professor

1.5K 42 3
                                    

Chapter Five

"E-excuse me? Sa-saan po ba tayo pupunta?" Tanong ko habang hawak-hawak niya pa rin yung kamay ko. Di ko maintindihan yung mga ginawa niyang yun. Part din ba 'to ng joke nila ha?

Wala pa rin siyang tigil sa paglalakad hanggang makarating kami ng classroom. Oo, mag-blockmates kami sa halos lahat ng subjects. "Ikaw na nga itong tinulungan ikaw pa 'tong maarte. Anong iniisip mo na san kita dadalhin? Malamang dito sa classroom saan pa ba? Yan kasi hirap sa inyong mga babae, nag-iisip kayo agad" sabi niya ng makapasok na kami sa loob ng classroom. Eh? May sinabi ba 'ko? Di ba nagtanong lang naman ako?

Hindi na lang ako sumagot at yumuko na lang. Hindi ko yata kayang pagmasdan yung maganda niyang mukha jusko!

"Sa susunod hindi ko na ulit gagawin yung ginawa ko kanina. Alam kong pangit ka pero minsan kailangan mo ring ipagtanggol yang sarili mo. Hindi ka ba nagsasawa na araw-araw na lang? Nakakasura na pagmumukha mo, ikaw na lang lagi ang nakikita ko" dagdag pa niya. A-anong sabi niya? Na-nakakasura 'tong pagmumukha ko?!

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot, "Mister hindi ko naman sinabi sayong ipagtanggol mo 'ko at hindi ko rin naman hiningi sayo na magpaka-super hero ka dun. Nakakasura na pala pagmumukha ko eh di huwag mo 'kong tignan. Tsaka may dahilan ako kaya nananahimik na lang ako sa tuwing ginaganyan ako ng mga tao" sagot ko.

Nag-smirk muna siya bago sumagot, "anong dahilan mo? You wanna spread peace in this planet? Nagpapatawa ka ba? Hindi pagiging dakila ang ginagawa mong pananahimik everytime na inaapi ka, alam mo kung anong tawag dun? Katangahan miss. Ayoko na sanang makita ang pagmumukha mo dahil nakakasawa ka na talaga" sabay labas niya ng classroom. Aba?! Ayos din 'tong si mister hearthrob ha?! Mapanghusga rin eh no? Tsk.

"Oh besh? Kamusta? Nag-usap kayo ni Galvin? Anong sinabi? Ayiieee ang sweet-sweet niya naman para ipagtanggol ka sa mga demonyitang nandun kanina. Tsaka anong sinabi niyang meaning dun sa sinabi niya kanina ha? Ikaw daw ang nagmamay-ari sa kanya kyaaaaah! Ansabe ba ha?" Sabay sulpot naman nitong si Babeng. Tsk. Sana nakipag-away na lang kami ron.

"Wala! Pumasok ka na nga lang. Magsisimula na rin yung klase" yan ang tanging nasagot ko sa kanya. Ewan ko ba! Naiinis ako dun sa Galvin Klein na yun. Ang sama-sama pala talaga ng ugali. Ang bastos pa! Ginigigil niya ko ha?!

Parang nasa movie naman yung eksena namin na pagkatapos na pagkatapos kong sabihin yun kay Babeng ay bigla na lang nagsipasok sa classroom yung mga butihin kong blockmates.

Nasa Second year college na pala ako. I'm taking up fashion designing at hindi ko alam kung ano ang kinalaman ng algebraic expressions sa magiging trabaho ko in the future. Hays.

"Good morning students" biglang pasok ng prof namin.

Tinatapik-tapik naman ni Babeng yung kamay ko, "this is the reason why na kahit hate na hate ko 'tong subject na 'to eh nagagawa ko pa ring pumasok. Kahit kailan talaga hindi nagpapatalo itong si prof sa kagwapohan ng mga estudyante rito eh. Ang hot-hot niya Aga oh? Nag-uumapaw pa yung sex appeal niya jusko! Tapos yung abs part besh? My goodness! Feeling ko talaga ang yummy-yummy ng abs ni prof!" Kung makatingin naman siya kay prof parang lalapain na niya. Ginawa raw bang pagkain yung abs ni prof? Tsk. Ang weirdo niya talaga.

"Good morning" sagot naman ng lahat sa kanya.

Naiisip ko pa rin hanggang ngayon yung mga sinabi sa 'kin ng GK na yun. Ano ba akala niya? Close na kami ganun? Pwede na niyang sabihin kung ano man yung nasa isip niya? Aba?! Sama ng ugali ng taong yun ha?! Nanggigil pa rin ako dun!

Kapag Lumandi ang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon