14||Target

957 29 0
                                    

Chapter Fourteen

"Ri-ri? Ano yung nabalitaan kong pumasok ka na naman sa first subject mong madumi ang uniform? Sino na naman ba ang nambully sayo at reresbakan ko, ngayon na" nasa canteen kami ngayon kasama si Babeng. Vacant kasi naming tatlo kaya dito kami ulit sa tinatambayan namin.


"Eh sino pa ba? Eh di yung Cheska na malaki yung tenga! Naku?! Kapag nakita ko talaga yun makakatikim siya sa 'kin ng malupit na sabunot! Tsaka alam mo ba Jook ampula rin ng mukha nito kahapon. I bet sinampal na naman siya ng mga animal na yun!" Nanggagalaiti sa inis na sabi ni Babeng. Sabi ko naman sa inyo na kilalang-kilala ako nitong babaeng ito.


"Totoo ba yun? Sinaktan ka ba talaga nila ha?!" Ang OA ng dalawang to. Parang just now lang kung makapag-react eh.


Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita, "kayong dalawa itigil niyo na nga yang ka-OAhan ninyo. Para namang ngayon lang nangyari sa 'kin ito. Parang di naman kayo nasanay. Isa pa di na mangyayari sa 'kin yun ngayon yung nangyari sa 'kin kahapon kasi nandito na kayong dalawa di ba?" Ngiti kong sabi.


"Pero Riri bakit inapi ka na naman? Di ba di ka na nila pinakikialaman these past few days? Bakit binalik ulit nila ang pambubully sayo?"


"Bakit ka pa ba nagtataka Jook? Eh sa malamang rest days nila yung di pagpapahirap kay Aga nung mga nakaraan tapos bigla silang sumipag ngayon kaya pak! Nang-api na naman ulit sila. Gusto ko na talagang sabunutan yung babaeng yun eh! Makikita niya!" Kung pwede ko lang sanang sabihin sa dalawang to kung ano ang mga kagimbal-gimbal na nangyari sa 'kin these past few days. Ano kaya ang magiging reaksyon nila kung sabihin kong nag-alok ng kasal sa 'kin si Galvin? Maniniwala kaya sila? Feeling ko hindi. Kahit nga sarili ko hirap na hirap pa ring maniwala eh.


Kumain na lang ako kesa sumagot. Wala rin naman akong balak na sabihin sa kanila yung mga nangyari sa 'kin. Baka mas lalong maging complicated lang lahat. Hays! Pahamak talaga yung lalaking yun! Mas lalo niya lang pinapagulo at pinapahirapan ang buhay ko! Aish!


"Huwag yan ang kainin mo, ito" sabay hagis ng pagkain. Sandwhich? Tumingin naman ako sa naghagis sa 'kin nun.


"Oh my gosh Aga! Binigyan ka ni Galvin ng food! Oh my! Is this real!?" Tili naman nitong si Babeng na nakapagpatawag ng atensyon ng ibang estudyante sa canteen. Aish! Ito na naman eh.


"Ayos na 'ko sa fries and burger na kinakain ko, di ko na kailangan to" sabay hagis ko sa kanya ulit nung sandwhich. Sorry Lord kung hinahagis-hagis lang namin yung sandwhich huhu.


Ramdam na ramdam ko na naman yung titig ng mga tao. Lalapitan ka ba naman at kakausapin ng apat na royalty ng school di ka pagtitinginan? Tsk. Kaya ayokong lumalapit siya sa 'kin eh, napapahamak lang buhay ko. "Hindi sa 'kin galing yan, pinilit lang ako ni Greg na ibigay sayo yan kaya magpasalamat ka na lang. Nagtaka nga 'ko kung bakit ka niya gusto bigyan niyan eh" si Greg? Ahh oo nga pala. Mas gusto niyang busog ako kesa gutom ako't magmukha akong nakakatakot. Ang mean niya talaga.


"Hi Aga" bati sa 'kin ni Chip. Lalo yatang nagiging fresh itong si Chip ah? O tingin ko lang yun?


"Kainin mo yan. Ikaw pa lang ang binigyan ng sandwhich ni Greg kaya sa palagay ko naging close kayo nung nasa bahay ka nila" sabi naman ni Razor. Ang galang niya pa rin.


"Hi sayo. Ngayon lang tayo nag-meet" sabay hand gesture niya pa. Ano nga ulit pangalan niya? Clayden? Tama ba?


"Huwag kang magtatagal sa last subject mo mamaya. Ihahatid pa kita pauwi" hinagis niya ulit sa 'kin yung sandwhich at naglakad na sila palabas ng canteen.


Ang sama na ng tingin ng mga estudyante sa 'kin. Kulang na lang kainin nila ako ng buhay. "Teka? A-anong ihahatid ka niya pauwi? Tsaka yung Greg na sinasabi nila si Gregory Keith yun tama? Ang nag-iisang little brother ni Galvin. Pa-paanong nakilala mo siya? Talaga bang pumunta ka sa bahay nila? Kailan?" Sunod-sunod na tanong ni Babeng. Sumasakit tuloy ang ulo ko. Nakakainis talaga ang lalaking yun!


"Totoo bang pumunta ka sa bahay nila? Ano naman ang ginagawa mo ron? Tsaka kailan mo pa naging close ang mga taong yun?" Isa pa 'tong si Min-Min. Kung maka-interrogate parang sasalang ako sa hukuman eh. Hays! Paano ko ba 'to ipapaintindi?


"Ano na Aga?! Nakakainis ka ha!? Di ka man lang nag-kwento. Akala ko ba beshy for life tayo? Ikaw ha? Naglilihim ka na sa 'kin" sabay sad face nito. Hays!


"Hindi naman sa ganun. Kasi ano... ahm? Ang hirap lang talaga i-explain eh. Sasabihin ko na lang mamaya ha? Pero for now bumalik na tayo at baka ma-late pa tayo sa susunod nating klase" sana naman makalusot >_<


Napatigil si Babeng at mukhang nag-iisip kung palulusutin ba 'ko o hindi. "Ahm? Basta mamaya ha? Sabihin mo sa 'min ni Jook" hays, buti naman.


"You owe us an explanation" dagdag pa ni Min-Min. Tumango na lang ako para hindi na humaba pa yung usapan.


~


"Naiihi na 'ko" bulong ko kay Babeng. Nag-stastart na yung klase namin sa Psychology.



"Eh di umihi ka. Mag-excuse ka na lang" sagot nito na agad ko namang sinunod. Mabilis akong nag-excuse kay ma'am Ysa at mabilis na lumabas ng classroom. Grabe! Naiihi na talaga ako.


Agad akong pumunta sa malapit na comfort room dito sa second floor at kapag minamalas ka naman talaga close dahil nililinis pa nila manang janitor. Aish! Kaya no choice akong bumaba sa ground floor. Kung sa third floor pa kasi malayo pa yung CR eh kaya mas mabuting sa ground floor na lang. Yung sa likod ng nurse clinic.


Hindi na 'ko tumakbo kasi bigla ko na lang naramdaman na hindi na 'ko masyadong naiihi. Yung feeling na bigla na lang nawala dahil sa tagal kong makakita ng malalabasan. Ganun. Naglakad na 'ko papuntang Nurse clinic.


Sa sobrang focus ko na makapunta ng CR hindi ko na namalayan na bigla akong hinila ng isang lalaki at pinayuko at may biglang nabasag. Oo. Nabasag talaga.



Shock naman ako. A-ano bang nangyayari? Ba-bakit may nabasak at ba-bakit ako hinila ng lalaking to? "Ayos ka lang ba Agatha?" Sabi ng isang pamilyar na boses.


"Prof? A-ayos lang naman po ako. A-ano po bang nangyayari?" Dahan-dahan niya kong inalalayan para makatayo. Tinignan ko naman agad yung nabasag na bagay na yun.



"Nakita kita kanina na bumababa sa hagdan kaya na-curious ako kung saan ka pupunta. Buti na lang talaga na hindi ko maalis yung tingin ko sayo at nakita ko na may biglang nahulog na flower vase. Muntikan ka ng mahulugan nun thanks God at on time lang ako para hilahin ka" paliwang ni prof Clive. Biglang nahulog yung flower vase? Paano naman nangyari yun? Eh sa pagkakaalam ko wala namang...



Bigla kaming nagkatinginan na dalawa, "sa pagkakaalam ko po wala namang nakalagay na mga flower pot sa second floor ah?" Grabe! Ibig bang sabihin nito?



"Sinadya ang paghulog ng flower vase sayo Agatha. Ikaw talaga ang target" kinilabutan naman ako sa sinabing yun ni prof. Si-sino naman ang walang puso ang gagawa sa 'kin nun?



Later~

Kapag Lumandi ang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon