08||Hot Guys in the House

1.2K 32 6
                                        

Chapter Eight

Ang sarap naman talagang gumising sa umaga lalo na't alam mong may dadalaw na ubod ng gwapo. Siguro nga pangit ako pero na-blessed naman ako ni Lord ng mga magagandang nilalang, best example syempre diyan ang pamilya ko. Sa kapangitan ko ba namang ito eh hindi mo aakalaing kasapi ako ng pamilya.

Lumabas na 'ko ng kwarto at bumaba para makakain na ng agahan. Good mood ako ngayon kasi Saturday today and walang pasok! Isa sa pinaka-magandang araw na ginawa ni Lord ^_^

"Felicima? Bat ganyan yang mukha mo? Para ka namang nanalo sa loto" biglang pop out ni kuya Brent out of nowhere. Hinala ko talaga dito kay kuya Brent pinaglihi sa kabute to eh. Matanong nga si mama mamaya.

"Was there a good news why you are so happy today la sœur cadette?" Naks naman! Lakas maka-sosyal ng French language ni kuya Bray, well sosyal naman talaga si kuya at napaka-elegante pa. Paano ko nalaman na french yun? Oh well, bukod sa englishero si kuya Bray lagi rin siyang nakakapagsalita ng french dahil siguro nasanay na siya sa trabaho. Halos buong taon ka ba naman nasa France.


Nasa table na pala sila kuya Bray at kuya Blake. Grabe! Ang saya ko ba masyado at hindi ko manlang naramdaman yung presenya ng mga kumag kong kuya?


Kumuha muna ako ng tinapay bago sumagot, "wala naman po kuya. Masaya lang kasi walang pasok at walang mang-aapi sa 'kin ngayon. Ang dalawang araw na walang pasok ay malaki ng tulong para ma-survive ko ulit yung limang araw pa" buti na lang talaga ginawa ni Lord ang sabado at linggo. Malaking bagay na talaga sa 'kin yun.

"Maria Agatha Felicima Faulkerson!?" Napangiwi naman ako ng marinig ulit si mama na tinatawag ang buo kong pangalan. Adik talaga tong si mama eh. Kailangan talaga buong pangalan eh wala namang ibang babae rito bukod sa 'kin at sa kanya.

"Mom you don't need to call her by her full name. Siya lang naman ang nag-iisang anak mong babae" komento ni kuya Blake. Oh ha? Buti na lang talaga napansin ni kuya yang si mama. Ang tigas ng ulo eh.

"Eh anong magagawa ko? I really like her full name. Na-eenergize ako everytime I call out her name. Hayaan niyo na si mommy okay?" Napakamot na lang ako sa batok. Ano pa nga ba?

Kumain na ulit ako. Ano kaya ang susuotin ko mamaya? Ahm? Mag-make up kaya ako? Ano bang maganda?

Tsk. Bakit ko pa ba iniisip yang mga ganyang bagay eh kahit kailan naman hindi ako gumanda. Kahit naman siguro mag-total make over ako wala paring epekto kasi nga ginawa ako ng diyos na sakto lang at least maganda naman ako sa mata ni Lord hehe.

"Baby girl di ba ngayon pupunta si professor Clive?" Tanong ni mama. Sinabi ko na sa kanya para makapag-luto ng masarap. Tutulong din ako sa pagluluto.

Napakunot-noo naman ang mga kuya kong kumag. Ano kaya iniisip nila.

"Who's Clive?" Kuya Blake asked.

"Manliligaw mo Felicima? Bakit di mo manlang nabanggit??" Tanong naman ni kuya Brent.

"Is this your first date Agatha? You have to wear something good. I got you." ano bang pinagsasabi ng mga to? Dadalaw lang date agad? Buti sana kung ganun kaso hindi eh.

Nilunok ko muna yung kinakain ko saka nagsalita, "hindi kami mag-dadate at mas lalong hindi ko siya manliligaw. Professor ko po yun, gusto niya lang dumalaw at pag-usapan yung mga nangyayari sa 'kin sa school, alam niyo na kung ano ang mga pag-uusapan" sagot ko at ininom yung orange juice ko.

Kapag Lumandi ang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon