19||Kupal To Hero??

938 27 0
                                    

Chapter Nineteen

Ehem! This is it pancit! Makikita ko na naman ang icing sa ibabaw ng cupcake ko, ang sintas sa sapatos ko, ang apple sa pie ko, ang ballpen ng papel ko at ang kape sa tinapay ko, charot! Ang dami ko na tuloy naiisip. Hayy naku professor Clive why so gwapo at sobrang macho? Pwede ka kayang magkagusto sa isang pangit na tulad ko? Maaari kaya?

Ano ba to! Papasok lang ako sa office ni prof Clive ito na agad ang iniisip ko. Pwedeng pumasok muna ako para malaman ko yung urgent na sinasabi ni Sheila kanina? Okay! Kumatok na 'ko ng tatlong beses saka pinihit yung door knob para mabuksan yung pinto. Iniisip ko pa rin yung urgent na sinasabi ni Sheila eh. Ano kaya yun? May problema kaya si prof Clive? Aamin na kaya siyang may gusto rin siya sa 'kin? Na pwede na kaming maging chever? Teka nga!? Nababaliw na yata talaga ako. Tingin niyo? :3

Pagka-pasok ko may biglang humila sa 'kin at... at niyakap ako? Huh? What's the meaning of this? Sisigaw na sana ako ng nakilala ko yung amoy ng lalaking yumayakap sa 'kin ngayon. Te-teka? Nananaginip lang ba ako? Ta-talaga bang niyayakap niya ko ngayon? Paki-untog nga ng ulo ko sa dingding baka isa na naman to sa mga pantasya ko eh.

"Agatha please let me stay like this kahit limang minuto lang" totoo nga! Niyayakap nga ako ni prof. Pero teka lang ha? Bakit limang minuto lang prof kung pwede namang gawing buong araw? charot! What's the meaning of this? Bakit niya 'ko niyayakap? Ibig bang sabihin nito the feeling is mutual? Aish! Erase.. erase.. erase! Ayoko ng feeling assumera. Masasaktan lang ako.

Nang makabawi na 'ko sa pagkabigla at tumigil na rin ang maraming thoughts sa isip ko, I decided to talk. Ang awkward naman kung hindi ako magsasalita di ba? "Ahm? Prof, ano po bang problema" yan ang tinatanong ng mga batang inosente. Char!

Kumawala na siya sa pagkaka-akap sa 'kin at tumingin sa 'kin ng deretso. Na-coconcious tuloy ako. "Totoo ba talagang mag-tratransfer ka na?" Hindi ko alam kung sadness ba yung nasa mga mata niya ngayon o pain? Ewan. Hindi ako sigurado pero makikita mo talaga sa kabuuan ng gwapo niyang mukha ang pagiging seryoso sa tanong niyang iyon. Nakarating na pala sa kanya. Siguro pumunta na si kuya Blake rito.

"Ahm? Opo eh. Alam niyo naman po siguro ang dahilan di ba? Nasabi na siguro ni kuya Blake sa inyo" sagot ko. Wala akong magagawa prof, kung ako lang ang masusunod kakayanin ko naman yung pambubully nila sa 'kin eh basta makita lang kita huhu. Alam niyo yung feeling na akala ko talaga patay na patay ako kay Galvin pero ang puso ko pala tumitibok kay prof Clive. Buti na lang pala talaga infatuation lang yung feelings ko dun sa kupal at mas mabuti na kay prof Clive ako ganito hehe.

"Ibig bang sabihin nito ilang araw na lang tayo magkikita?" Hala? Bakit parang naiiyak si prof?

"Grabe naman po pala kayong mag-care sa mga estudyante niyo, ayaw niyo talaga kaming nawawala" sagot ko na lang. Ang awkward naman kasi kung sasagutin ko yun di ba? Baka iba pa ang masabi ko eh.

"Agatha you are not just a student to me, alam ko namang nararamdaman mo yun na iba ang trato ko sayo compare sa ibang estudyante ko" hala? Ang ibig mo bang sabihin eh tama lang ang pag-aassume ko? Jusko! Huwag pong ganyan prof!

"A-ano pong ibig niyong sabihin?" Just to make sure that everything is clear. Baka kasi kapag di ko tinanong eh mali pala lahat ng assumptions ko tapos hopia ako sa huli, eh di kawawa ako di ba? Hindi naman porket di gaanong kagandahan eh hindi na pwedeng maging choosy. Tao rin naman ako no!

"I don't wanna be just your professor. Agatha ang totoo niyan gustong-gusto talaga—" naputol yung sasabihin ni prof Clive ng may biglang kumatok nang napakalas sa pinto. Napa-upo naman ako agad. Baka ibang teachers yan. Baka anong isipin kung makita kaming magkaharap ng ganun kalapit ni prof. Napaka-wrong timing naman! Aamin na eh!

Kapag Lumandi ang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon