03||Tatlong Bakulaw

1.5K 41 0
                                    

Chapter Three

"Oh? Ano na naman ang nangyari sayo Felicima?!" Sa unang pagkakataon lumaki na yung mata ni kuya Brent.

Inirapan ko lang si kuya at hinatak na si Barbie sa loob ng bahay "Kuya as if namang ngayon mo pa lang nakita yung ganito kong hitsura. Nakakainis nga eh! Dinamay pa nila itong si Barbie!" Halos mapasabunot na 'ko sa buhok ko sa sobrang inis. Ayoko talagang may nadadamay sa mga nangyayari sa 'kin!

"Hi po kuya Brent" nagningning naman ang mga mata nitong si Barbie. Aga-aga nagpapantasya na naman to.

"Pasensya ka na Barbs ha? Nadamay ka na naman tuloy sa mga nangyayari dito sa kapatid ko. Pero salamat na rin kasi dinamayan mo ulit siya" binigyan naman kami agad ni kuya ng towel.

"Wala yun kuya maliit na bagay hehe. Akala ko po mamaya ka pa uuwi? Wala ka po bang trabaho ngayon?" Pag-uusisa naman nitong si Babeng. Heto na naman siya sa pagiging imbestigador.

Pinunasan ko na yung pagmumukha kong puro egg yolk with matching harina pa! Di ko ba nabanggit na sa pagbalik namin ni Babeng sa parking lot eh binato naman kami ng harina? Ang saya-saya di ba? Kababalik pa lang ng pasukan pero pak! Balik pang-aapi agenda na naman sila.

"Oo nga eh. Papasok na sana ako kaso may nakalimutan naman ako. Ito kasing si Felicima kung hindi lang nag-inarte kanina dapat nadala ko na lahat ng dapat dalhin" ako pa sinisi ng bakulaw na to. Galing ha? Sino kaya ang nag-offer na ihatid ako sa school? Tsss.

"Ahh ganun ba? Ahm? So papasok ka na?" Tuloy pa rin sa pagtatanong si Babeng. Aba?! Kinareer ang pagiging Mike Enriquez.

"Oo eh. May tinatapos kasi akong indie. Maiwan ko na muna kayo. Felicima ikaw na bahala sa bahay kasi mom texted me na lalabas sila ng mga amiga niya. Nga pala, uuwi na mamaya si Brayson kaya paki-asikaso na rin baka di na naman yun kumain. Sige Barbs una na 'ko ha? Felicima ikaw na bahala" sabay labas agad ni kuya sa bahay. Naiwang tulala itong si Babeng na para bang nangangarap ng gising.

Nag-snap naman ako sa harap ng mukha niya, "Huy Babeng! Wala na si kuya oh?! Pwedeng maligo na tayo? Dun ka na maligo sa CR ng kwarto ko, dun ako kina mama. Ligo na tayo ang lagkit-lagkit na eh!" Reklamo ko. Ang lagkit naman talaga, ikaw daw ba batuhin ng mga sariwang itlog. Napagkamalan pa kaming naglalakad na kalan -.-

Akalain niyo yun? Kakapasok ko lang tapos biglang ganun na naman ang eksena. Kung hindi lang talaga malakas tong loob ko dati pa 'ko nabaliw sa lahat ng bash na natatanggap ko sa buong araw.

Napatigil ako sa pag-iisip nang mapansin kong tulala pa rin itong Babeng. Aba?! Hindi na yata nakayanan yung presensya ni kuya at mukhang pati kaluluwa nito sumama na! "HUY! BAKIT KA BA TULALA DIYAN?!" Sigaw ko sa mismong tenga niya.

"ANO KA BA NAMAN AGA! LETCHE TO! SA MISMOMG TENGA KO TALAGA KAILANGAN MAGSALITA AT DAPAT TALAGA PASIGAW?!!!" She shouted back. Aba?! Kasalanan ko pa.

Pinitik ko naman ng mahina yung noo niya "FYI Babeng kanina pa 'ko nagsasalita at kanina ka pa tulala diyan. Ano bang nangyayari sa 'yo?"

"Bingi ka ba ha?! Di mo narinig?! Sabi ni kuya Brent uuwi na raw si kuya Brayson. Nakakaloka! Kompleto na ang tatlong hotties mong kuya! Jusko! Tapos dito pa 'ko matutulog mamaya, jackpot di ba?! Makikita ko silang tatlo mamaya tapos sabay-sabay pa tayong kakain. Super excited akooooooo" tapos talon-talon pa siya. Nababaliw na talaga to.

"Tatlong hotties? Tatlong bakulaw kamo! Naku! Kapag yung tatlo nasa bahay hindi ako makapag-inarte. Tapos kapag nandito naman yung si kuya Bray pipilitin niya lang akong mag-ayos at lumaban sa lahat ng mga nang-aapi sa 'kin. Kahit nga yung panlalandi ng lalaki tinuturo niya sa 'kin eh! Pwede ba naman yun?! Sarili kong kuya binubugaw ako" paliwanag ko.

Kapag Lumandi ang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon