Chapter Thirty
"Felicima may naghahanap sayo. Chip ang pangalan" tawag sa'kin ni kuya Brent. Ang bilis naman ni Chip makarating buti na lang ready na'ko.
"Yes po kuya. Ito na po pababa na" sagot ko naman habang kinukuha na yung bag ko. Ano ba yung emergency at sinadya pa talaga ako nitong si Chip dito sa bahay.
Bumaba na'ko sa sala. Nagtataka talaga ako rito sa emergency kuno na sinasabi ni Chip eh. I smell something fishy kasing lansa ng amoy ni kupal. If I know kaartehan niya 'to.
"Felicima? This past few days ang daming bumibisita sayong kasing pogi ko ah? Di ko alam na nagbago na pala ang kapalaran mo at naging boys magnet ka na" bulong ni kuya Brent na rinig naman ni Chip. Bumulong pa siya di ba? Hanep talaga 'tong si kuya.
"Kuya huwag ka ng bumulong narinig naman ni Chip eh tsaka kung ano man yang iniisip mo tigilan mo na. Itong si Chip kaibigan ni kups— este ni GK 'to tsaka andito siya ngayon kasi may emergency daw. Ayun lang yun kuya huwag ka ng mag-ilusyon na magbabago pa ang kapalaran ng kapatid mong api. Okay?" Ito talaga si kuya akala mo naman talaga may himala at magbabago agad yung kapalaran kong api. Sus! Asa naman ako. "Oh Chip? Ano pala yung sinasabi mong emergency?" Baling ko na lang kay Chip na nakatayo ngayon sa harap ko.
"Yeah. That emergency I'm talking about. Ahm? Sumama ka na lang sa'kin Aga para malaman mo" nagtataka na talaga ako rito kay Chip. Emergency daw pero parang cool na cool lang naman siya. Hmmmm?
"Oh sha kuya. Sasamahan ko muna 'to si Chip kasi emergency daw eh kahit di naman halata sa mukha niyang emergency talaga. Babalik din ako mamaya" lumabas na'ko ng bahay at dumiretso sa labas ng gate para sumakay na sa kotse ni Chip.
"Sige po kuya ihahatid ko naman po pauwi rito si Aga. Salamat po" rinig ko pang sabi ni Chip bago ako naka-labas. Wow naman Chip! Nakiki-kuya ka na sa kuya ko ah?
—
"Andito na tayo" bumaba na'ko ng kotse para makita yung sinasabi ni Chip na 'emergency' daw kuno.
(?_________?)
"So saan ang emergency dito?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Ito yung emergency" sagot naman niya sa'kin na mas lalong nagpagulo sa utak ko.
Huh? Emergency? Ano namang emergency sa lugar na ang tanging nakikita ko is table for two, bloody red bouquet of roses, a bottle of wine, tapos may christmas lights pa na nakasabit sa puno kahit hindi pa pasko. Sabihin niyo nga sa'kin kung saan ang emergency dito?
"Seryoso ka ba Chip? Teka lang ha? Saan naman yung emergency na sinasabi mo? Wala akong nakikitang urgent dito" bigla namang tumaas yung kilay ko. Like? Pinagloloko mo ba'ko Chip?
Hindi pa nakakasagot si Chip ng lumabas si Clayden. Oh? Andito pala ang isang alagad ni kupal. In all fairness ha? Ang gwapo niya sa suot niyang plain long sleeves na pink. Oo guys. You heard me right. Fenk po ang suot ng lolo niyong si Clayden pero ang hot niya sobra. Trust me.
"Yung bibig mo Aga malapit na tumulo laway mo. I know I'm hot you don't have to be so obvious" sabay smirk nito sa'kin. Ayy wow naman! Ang hangin banda rito baka kailangan kong humawak at baka matangay pa'ko. "I know I look like your date but unfortunately I'm not. Chip? Di ba sabi ko sayo sabihan mo si Aga na magbihis bakit ganyan suot niya?" Baling naman nito kay Chip na pinagtataka ko sobra. Teka? Di ko na masundan yung pinag-uusapan dito. Anong bihis? Anong date pinagsasabi nito?

BINABASA MO ANG
Kapag Lumandi ang Api
Genç KurguNerd, losyang, pangit, out of this world na figure dahil sa sobrang dami ng taba-taba sa katawan at kung anu-ano pang imperfections na inembento sa sangkalupaan. Inaapi kahit saan mapunta dahil sa kapangitang taglay. Hanggang saan aabot ang pasensya...