Chapter Sixteen
*beep*
Ang aga-aga namang mag-vibrate nitong phone ko. Ano na naman kaya ang nangyari sa babaeng yun at biglang napa-text? Tinignan ko na agad yung phone ko. Nasa dinning table na pala ako at kumakain. Kasama ko kumakain sina kuya, wala si mama kasi naman maaga raw session niya sa dermatologist niya. Gaano ba kaaga? Eh seven in the morning pa nga eh.
1 message/s received:
[Ayos ka na ba Agatha? Wala bang masakit sayo? Nag-aalala kasi ako sayo kahapon pa kaya hindi ko na matiis na hindi ka matext ngayon.]
End of text message.
Napatili naman ako ng nabasa ko yung text message. Oh my gosh! Nag-effort pala talagang mag-text si prof Clive?! Oh my gooooooosh!!!
"Ehem!" Napatingin naman ako agad. Teka? Parang nakalimutan ko yatang kumakain ako kasama ang tatlong kumag kong kuya. Naku naman! Antanga mo lang Aga!
"Sino ba yang nag-text at napatili ka bigla? Kulang na lang mag-color red ang buo mong mukha ha? Crush mo ba ang nag-text ha?" Kahit kailan talaga chismoso 'tong si kuya Brent. Wala talagang pinapalampas eh no?
"Po? Err... wa-wala po kuya. Napatili lang ako kasi ano ahm? Yung schoolmate ko kasi nagka-moment sila ng crush niya kahapon. Nag-group message lang siya" pagpapalusot ko.
"So you got butterflies too Agatha?" Biglang nagsalita si kuya Blake.
"Po???" Di ko naman agad makapa sa utak ko kung ano ang isasagot ko kay kuya Blake. Jusko! Magsisinungaling ba 'ko?
"Bros chill out, let it be besides we only see her happy once in awhile so let's not meddle in her personal business." bigla namang nag-glitter yung mga mata ko kay kuya Bray. You are the best among the rest talaga kuya. Ikaw talaga ang tunay na lodi ng buhay ko. Kumindat lang si kuya Bray sa 'kin marahil na-gets niya ang biglang pagkinang ng aking mga mata. Char.
"Eat fast. I will be the one to bring you to school today" seryoso lang na sabi ni kuya Blake at tumayo na. Tapos na kasi itong kumain at marahil maghahanda na. May photoshoot na naman siguro ito.
"Uyy!? Makakapagpahinga ako sa paghahatid sayo ngayon ah? Ayos! Di ko na kailangang umalis ng bahay. Matutulog ako buong araw" para namang nanalo sa loto itong si kuya Brent. Bastos to!? Ano raw? Makakapagpahinga siya sa paghahatid sa 'kin sa school? Para namang ambigat ng ginagawa niya eh no?
"Don't have shoots today Brent? You guys done with the indie?" Tanong ni kuya Bray sa kanya.
"Oo, tapos na tol. Polish na lang yung kulang and makakapagpahinga na naman ako. Ang saya ng buhay di ba?" Saya ng buhay niya no?
"Waaaaaaaaaaa!!!" Bigla akong sumigaw. Enough lang yung sigaw ko para hindi marinig sa ibang part ng bahay.
"Anak naman ng kabute Felicima!? Bakit ka ba biglang sumisigaw diyan ha!?" Napahawak si kuya Brent sa dibdib niya. Nagulat ko yata.
"Totoo ba talagang si kuya Blake yung maghahatid sa 'kin? Waaaaaaaa!!!" Teka? Natataranta ako. Sobrang once in a blue moon lang mangyari to pero kinakabahan ako everytime na si kuya Blake maghahatid sa 'kin eh. Alam kong di yan basta-basta maghahatid lang, pupunta talaga yan sa loob ng eskwelahan at ang malala pa dito sesermunan niya yung ibang professor ko o di naman kaya admin ng school sa pagpapabaya sa 'kin. Malaking ganap na naman to panigurado! Aish!
"Ayaw mo ba yun? Di ka na maaapi, may to the rescue hero ka na. Safe na safe ka kapag si Blake ang naghatid sayo. Walang makakalapit sayo na kahit sinong bully" yun nga eh. Kahit professor walang lalapit sa 'kin kapag kasama ko si kuya Blake. Naku naman!
BINABASA MO ANG
Kapag Lumandi ang Api
Teen FictionNerd, losyang, pangit, out of this world na figure dahil sa sobrang dami ng taba-taba sa katawan at kung anu-ano pang imperfections na inembento sa sangkalupaan. Inaapi kahit saan mapunta dahil sa kapangitang taglay. Hanggang saan aabot ang pasensya...