Chapter Twenty-three
"Ang ganda masyado ng araw Felicima para sumimangot ka ng ganyan" bati sa 'kin ni kuya Brent. Halata ba masyadong hindi maganda ang araw ko ngayon? Paanong di gaganda kung alam kong magsisimula na ang kalbaryo sa buhay ko?
(\,~~)
"Good morning pala kuya Brent. Nasaan si mama? Sila kuya Bray at kuya Blake? Hindi ko pa yata sila nakikita?" Kumunot naman yung noo ko. Nakakapanibago. Wala yata ang dalawang kumag kong kuya tsaka si mama wala rin.
"Si Brayson may pinunta sa mall, may i-memeet daw siya na potential client. Si Blake may hangout with friends tsaka si mommy naman may schedule sa dentist niya" di naman halatang busy sila sa kanya-kanya nilang buhay eh no? Hays.
"Eh ikaw kuya? Wala ka bang pupuntahan o gagawin?" Tanong ko sa kanya habang busy siya kakalamon ng ice cream. Ang aga pa masyado para mag-ice cream. Weird din talaga to si kuya eh.
"Ahm? Wala akong appointment ngayon pero kapag na-bore ako baka umalis din ako ngayon. Bahala na" ang weirdo niya no? Di alam anong gagawin. Buti ka pa kuya you hold your time. Sana talaga matapos na 'ko sa pag-aaral para naman pwede ko ng puntahan yung gusto kong lugar. "Nga pala Felicima nakalimutan ko, nasa sala pala si Galvin kanina ka pa hinihintay. Sabay daw kayo papasok. Isara mo na lang yung front door okay? Dun na muna ako sa kwarto. Mag-iingat kayo" pagkasabi niyang yun pumanhik na siya agad sa taas. Jusko! Ang aga pa para sirain ng kupal yung araw ko huhu. Nga pala sira na pala talaga ang araw ko huhu.
Kinuha ko na yung bag ko at sinukbit sa braso ko. Naglakad na 'ko papuntang sala at hindi ko na lang pinansin yung presensya niya baka kasi ma-highblood na naman ako at ma-stress itong bangs ko. Nagtuloy-tuloy lang ako hanggang makarating sa front door.
"Wow! Hindi mo manlang ba babatiin ng good morning ang gwapo mong fiancé?" Hirit niya. Di ko na lang siya sinagot kasi parang nagsisimula ng mag-fire up yung dugo ko. "Wala ka ba talagang balak na pansinin ako? Hindi mo manlang ba na-appreciate yung effort kong gumising ng napaka-aga para masundo ka lang?" Psh. Paki-alam ko naman sa mga efforts-efforts na yan.
"Manang mauna na po ako" sigaw ko kasi alam kong nasa garden banda si manang. Ugali ko kasi talagang magpaalam sa lahat ng tao rito eh. Respeto na rin di ba?
Dumiretso na 'ko sa gate at lumabas na. Nag-stop ako sa harap ng kotse niya. Wala naman akong magagawa kasi obvious namang wala ng balak na ihatid ako ni kuya Brent dahil sa kagagawan ng lalaking 'to.
"Papasok na 'ko di ba sabay na tayo papuntang school?" Naglakad na 'ko sa gilid ng kotse at pumasok sa passenger's seat. Ayoko sa front seat baka ano pang isipin niya. Utang na loob ko na naman.
"Are you really trying to avoid my presence? Sa gwapo ko ba namang 'to i-reresist mo?" Well, totoo naman. Ang gwapo at ang fresh niyang tignan, parang araw-araw naman yata pero kebs ko naman di ba? Oo gwapo siya ang sama-sama naman ng ugali kaya wa epek pa rin. Siguro naging crush ko siya dati nung hindi ko pa alam yung ugali niyang kupal.
"Dadaldalin mo lang ba 'ko o aalis na tayo? Ma-lalate na 'ko oh?" Sabi ko sabay pasok sa passenger's seat. Mababaliw ako kapag kakausapin ko pa siya ng matagal eh.
Pumasok na rin naman siya sa kotse saka nagsalita ulit, "anong ginagawa mo diyan sa likod? Pagmumukhain mo 'kong driver mo? Ganun ba? Dito ka sa tabi ko. Lipat ka rito" sabi niya pa. Aba?! Ang daldal niya talaga eh no? Daig niya pa ako. Ang aga-aga eh!
Di na lang ako sumagot kasi alam kong hahaba lang ang usapan kung sasagot pa 'ko. Lumipat na 'ko agad at tumabi sa kanya. As if namang gusto ko siyang katabi. Naku! Nanggigigil talaga ako kapag naiisip ko yung mga mangyayari sa 'kin sa pinaggagagawa ng lalaking 'to eh!
"You know what? Hindi ako sanay na ganyan ka sa 'kin. Mas mabuti pa yung war freak ka kesa nagpapaka-dalagang Pilipina ka. Hindi bagay sayo alam mo yun?" A-ano?! Anong sabi niya?! Aba naman talagang!
"Anong sabi mo?! Alam mo kupal ka pinili ko na ngang manahimik para hindi masabayan yang kakupalan mo kasi ang aga-aga ayokong simulan yung araw ko ng negative vibes at ikaw naman pinipilit isiksik ang ka-negahan mo! Pwede ba? Mag-drive ka na lang at mag-focus! Huwag mo 'kong binubwesit!" Wala na. Di ko na napigilan. Hayst! Bakit kasi nakakapang-init siya ng ulo!
"So you're trying to say na bwesit ako? That I'm a negative energy? Ha! Seryoso ka ba diyan ha? Nakalimutan mo yata kung sino at ano ako sa university na pinapasukan mo" nagyabang na naman siya. Sino ba naman ang makakalimot kung sino at ano siya sa school kung kada sulok na lang siguro ng school na yun eh siya yung topic ng mga estudyante. Nakakarindi na nga eh.
"Wapakels okay? Mag-drive ka na" yan na lang ang nasabi ko kasi alam ko talagang sasagot pa yan eh. Siya lang ang lalaking kilala kong mabunganga. Tsss.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang hindi na siya sumagot at pinaandar na yung makina ng sasakyan. Smooth lang yung pag-dradrive niya habang ako nakatingin lang sa labas ng window. Alam niyo yung feeling na hindi ko na maintindihan yung takbo ng buhay ko ngayon? Dati naman alam na alam ko yung mangyayari sa 'kin sa araw-araw eh pero ngayon wala na 'kong clue. Di ko na alam kung buhay pa ba ako uuwi mamaya o paglalamayan na 'ko kasi panigurado dadami na naman ang haters ko nito. Kung minamalas ka naman talaga.
(\_ _/)
"Before I forget we already have schedules to attend today and the upcoming days but let's focus on the sched later. Susunduin kita after class dahil may pupuntahan tayo" yan na naman siya sa sundo-sundo na yan na ang ending eh si Chip naman ang ipadadala niya.
"Oh? Saan mo na naman ako dadalhin?" Sagot ko na hindi manlang siya tinapunan ng tingin.
"Since this coming Saturday na yung meet and greet niyo ni Chairman as my fiancée dapat magmukha kang desente and presentable" anong akala niya sa get up ko? Nanglalait na naman ba siya ha?! "Tsaka tanong lang ha? Wala ka bang balak na hawiin yang bangs mo? Alam mo bang sagabal masyado yan sa pag-unlad mo?" Ano naman ang kinalaman ng bangs ko sa ikauunlad ng buhay ko? Aber?
"Mukha ba 'kong hindi desente sayo ha? Tsaka drop it. Wala akong balak na hawiin o alisin manlang 'tong bangs ko" sagot ko habang nakatingin na sa harap. Problema ng lalaking 'to? Pati ba naman bangs ko pakikialaman?
"At least we can get rid off that thick glasses na suot-suot mo. Mukha ka na ngang manang dadagdagan mo pa ng pang-manang na glasses. Kailangan din nating mamili ng mga susuotin mo sa mga gathering na kasama ka alangan namang magmukha kang maid dun" konti na lang bibingo na sa 'kin ang lalaking 'to. Naku Aga! Huwag ka na lang sumagot para di na humaba ang usapan. Wala naman akong choice kundi sumunod di ba? "I'll fetch you later sa last class mo kaya wait for me sa classroom, got it?" Tsss. Kung makapang-utos ha? Tsk.
Lahat na lang yata ng bagay napupuna niya eh no? Hayst! Kapag ito talaga natapos sana di ko na makita yung pagmumukha niyang yan. Naku! Looking forward talaga ako.
Later~
BINABASA MO ANG
Kapag Lumandi ang Api
Ficção AdolescenteNerd, losyang, pangit, out of this world na figure dahil sa sobrang dami ng taba-taba sa katawan at kung anu-ano pang imperfections na inembento sa sangkalupaan. Inaapi kahit saan mapunta dahil sa kapangitang taglay. Hanggang saan aabot ang pasensya...
