Chapter Thirteen
•_____________•
Bangag. Sobrang bangag ako ngayon. Hindi ako nakatulog sa sobrang kaiisip ko kung nananaginip ba 'ko kahapon o totoo talaga yung mga nakita at narinig ko? Ang sakit ng ulo ko. Paano naman ako papasok kung ganito yung state of mind ko? Grabe lang! Kung hindi niya ko lalaitin at iinsultihin gugulatin naman niya ko sa mga gagawin niya. Nag-drudrugs ba siya ha?! Anong sinabi niya? Kasal?! Will I marry him!? Ha! Aiiish!!!
"Bat kinakausap mo sarili mo diyan Felicima? Nababaliw ka na ba?" Ayy kabayo!
"Bakit ka ba bigla-bigla na lang pumapasok kuya ha!? Alam mo namang magugulatin ako eh! Susulpot-sulpot ka pa diyan" sabi ko habang nakahawak pa rin sa dibdib. Grabe lang! Hindi naman ako nagkakape pero bakit to the highest level naman yata ang pagiging magugulatin ko?
Pumasok ng tuluyan si kuya sa kwarto saka nagsalita ulit, "bakit ang laki yata ng eye bags mo? Huwag mong sabihing di ka natulog? Alam mo namang mas pumapangit ka kapag may eye bags ka di ba?" Sabi pa nito. May magbabago ba kung meron o wala akong eye bags? Parang wala naman yata.
Umismid lang ako sa sinabi nito. Parang just now naman 'tong si kuya Brent, "gaganda ba 'ko kung wala akong eye bags? Di ba hindi kuya? Tapos wala namang bago kung magka-ganito ako eh. Chaka pa rin naman ako. Tsaka teka nga? Hindi ka ba marunong kumatok? Wala kang manners ha?"
"Kanina pa 'ko kumakatok ikaw lang talaga 'tong sobrang busy sa kakausap sa sarili mo kaya di mo 'ko narinig" talaga ba? Aiish! Sabi ko na nga ba eh! Paano ako makakapasok kung ganito kagulo at kabangag yung utak ko? Huhu.
"Bakit ka ba kasi nandito kuya? Maaga pa naman para sa breakfast ah? Tsaka maliligo pa 'ko" sagot ko na lang.
"May bisita ka sa labas. Sinusundo ka. Sabay na raw kayong pumunta ng school" ha? Ano raw? Si Babeng ba yun? Nakakapagtaka naman. Di naman niya kasi ako sinusundo.
"Ano raw ba meron kuya at sinusundo ako ni Babeng ngayon?" Nagtataka talaga ako eh.
"Hindi si Barbs ang nasa baba. Bilisan mo na at kakain na" lumabas na si kuya ng kwarto at iniwan akong nagtataka. Hindi raw si Barbie? Eh da who?
Ayoko talagang na-cucurious ng ganito eh kaya bababa ako para tignan kung sino yung nasa baba. Imposible namang si Min-Min kasi alam naman niyang hinahatid ako ni kuya at mas di kapani-paniwala naman kung si prof Clive yung nasa baba. Wish ko lang di ba?
"Oh anak? Bakit di ka pa naliligo? Yung sundo mo nasa living room na" sabi ni mama nang makasalubong ko. Sundo? Sino ba kasi yun. Nag-good morning lang ako kay mama ng mabilis at dumiretso na 'ko kaagad ng living room para tignan yung sinasabi nilang susundo sa 'kin.
O________O
"A-anong ginagawa mo rito?!" Halos pasigaw kong tanong.
Tinignan lang muna niya ko bago sumagot, "bakit? Masama bang sunduin ang mapapangasawa ko?" Ayy naloko na! Hindi pala talaga ako nananaginip. Totoo talaga yung tanong niya. Seryoso ba siya ha?!
Tumakbo ako palapit sa kanya at tinakpan yung bunganga niya. "Nagbibisyo ka ba ha?! Tsaka huwag ka ngang nagsasalita ng mga ganyan baka marinig ka nila mama. Umalis ka na nga!" Pagtataboy ko.
Pinilit niyang tanggalin yung kamay kong nasa bibig niya, "bakit ba sa tuwing nandito ako sa bahay niyo lagi mo na lang akong tinataboy? One more thing, hindi ako nagbibisyo ano akala mo sa 'kin?" Aba't?! Sumasagot pa!
BINABASA MO ANG
Kapag Lumandi ang Api
JugendliteraturNerd, losyang, pangit, out of this world na figure dahil sa sobrang dami ng taba-taba sa katawan at kung anu-ano pang imperfections na inembento sa sangkalupaan. Inaapi kahit saan mapunta dahil sa kapangitang taglay. Hanggang saan aabot ang pasensya...