PROLOGUE

3.3K 62 4
                                        

Lahat na yata ng kamalasan sa mundo napunta na sa 'kin. Lahat na yata ng kapangitang binudbud ni Lord sa sangkatauhan parang lahat sinalo ko na at higit sa lahat, sa 'kin na rin yata napunta lahat ng sama ng loob at galit ng buong universe!

Sa araw-araw na ginawa ng diyos maniniwala ba kayo kapag sinabi kong lagi na lang akong umuuwi ng mabaho, malagkit, madumi, butas-butas yung damit at kung anu-ano pang pang-aaping pwedeng sapitin ng isang tao?! Well, sasabihin ko sa inyo na dapat kayong maniwala dahil sinasapit ko lang naman ang mga yan araw-araw.

Wala na yatang pahinga eh! Daig ko pa ang nag-over time sa trabaho dahil kahit sa bahay inaapi pa rin ako ng mga kumag kong kapatid. Mga magulang ko na lang yata ang kakampi ko sa buhay eh. Hays.

Ako nga pala si Maria Agatha Felicima Faulkerson o mas kilala sa tawag na "Aga." Alam ko namang nagtataka kayo kung bakit nagkaganun ang pangalan ko, kahit nga ako nagtataka rin eh. Kung gaano kaganda at mala-millenial ang surname ko ganun naman kaluma ang ipinangalan sa 'kin. Minsan nga nakakainis kasi parang fit na fit at sinadya talaga ng mga magulang ko na ganun yung pangalan ko eh dahil binagay talaga sa pagmumukha ko. Ang galing nila di ba? *slow clap*

Excited na ba kayong alamin ang istorya ko? Tsss. Mas mabuti nang hindi dahil I bet, magagalit lang kayo sa 'kin dahil sa katangahan ko. Ahh basta! Kung gusto niyong malaman eh di go! Gora! Huwag niyo kong sisisihin sa malalaman niyo ha? Tsk.

At ito ang napaka-kulay slash madugong istorya ng aking buhay.....

Charot!

Ito na talaga.......

Abangan...

Kapag Lumandi ang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon