Chapter Twenty-one
Natapos ang araw na nakatulala lang ako, charot lang! Kung pwede lang sanang di pumasok eh no? Natatandaan niyo bang ngayon yung araw na ayaw kong sumapit? Yung araw na ayokong dumating, ganun! Hays. Kung pwede sanang i-fast forward ang araw eh ginawa ko na.
(_ _)
Di ba dapat happy-happy ako ngayon kasi nga di na matutuloy ang pag-transfer ko ng school sa England. Dapat happy ako kasi makakasama at makikita ko pa si prof Clive at syempre si Barbie at Min-Min kaso feeling ko tuloy parang wala rin eh. Ngayon din yung araw kung saan hindi na 'ko sigurado sa tatahakin kong landas. Ano na kaya ang mangyayari sa buhay ko pagkatapos kong mapirmahan yung walang kwentang kontrata na yun? Bakit pa kasi dumating-dating pa yang Galvin Klein na yan sa buhay ko. Magulo na nga buhay ko mas ginugulo niya pa. Buhay nga naman! Why so mean to me?! TT.TT
Nagpa-iwan na pala ako sa classroom dahil sinabi ng kupal na susunduin ako ni Chip dito. Wala naman akong problema sa Galvin Klein's friends eh, sa kanya lang naman talaga malaki ang problema ko. Nakakainis na nakakairita kasi talaga kapag nandiyan na siya! Alam niyo yung feeling na kapag nakikita niyo yung taong kinaiinisan niyo gustong-gusto niyo ng maging bayolente? Yung tipong gusto mong manakit? Hays. Nakakaloka di ba?!
"Agatha?" Bigla naman akong napatingin sa taong nagbanggit ng pangalan ko. "Ikaw nga. Bakit ka pa nandito?" Parang naniniwala na talaga ako sa destiny eh. Naku prof Clive! Bakit ka po ganyan? >///<
"Ka-kayo po pala. Ahm? Hinihintay ko lang po yung ano... ahm? Kaibigan ko. Susunduin niya kasi ako ahm? Kayo po ba? Akala ko nakauwi na kayo?" Bakit ang fresh-fresh niya pa rin? Bakit kahit medyo distansya kami parang ambango-bango niya pa rin tignan? Ghad! Why so gwapo prof?
Ngumiti muna siya bago may kinuha sa may drawer ng table. "Nakalimutan ko kasi 'tong panyo ko binalikan ko lang and I'm happy dahil bumalik ako" sabi niya. Buti pa yung panyo binabalikan ni prof Clive no? Ayiieee. Sana pala panyo na lang ako, char!
"Masaya kayo dahil nabalikan niyo yung panyo niyo?" Grabe yung panyo no? Napapasaya niya masyado si prof. Sana nga talaga panyo na lang ako.
Marahan siyang tumawa at lumapit sa kinaroroonan ko, "masaya ako dahil sa pagbalik ko makikita pala kita" jusko! Nabingi yata ako ron. A-ano raw? Teka? Pwedeng pakiulit prof? Ang sarap kasi sa tenga eh. "Ahm? May gagawin ka ba? Gusto ko sanang makausap ka pa, kung ayos lang naman sayo" OMG! Date ba 'to ha? Niyayaya niya ba akong makipag-date sa kanya? Wait! Gooooooooosh!!! Kinikilig ako!
Sasagot na sana ako ng biglang, "Hi Aga tara na? Naghihintay na si Galvin sa kanila" dumating si Chip. Naisip ko tuloy na barkada sila ng mga kupal, epal at panira ng kaligayahan ng iba. Hayst! Kung minamalas ka naman talaga eh! Mag-dadate na eh naging bato pa! "Oh I'm sorry nandito pala kayo sir. Did I interrupt your conversation?" Naku Chip buti natanong mo! Di ba halata ha? Hindi ba halatang nag-momoment kami rito? Aish! Naku naman talaga!
"No, don't worry. Mukhang may iba ka palang lakad. Sige Agatha let's do that some other time kapag free ka na. Mag-iingat ka. Mauuna na 'ko" hinawakan ni prof Clive ng bahagya yung balikat ko bago umalis. Prof! Please don't go!
"Ayos ka lang Aga?" Nagawa niya pa talagang itanong sa 'kin yan. Medyo may pagka-insensitive pala itong si Chip ha?
"Oo, ayos lang ako. Tara na?" Yun na lang ang sinagot ko sa sobrang disappointment. Date na naging bato pa. Sarap i-tantrums eh! Makakasama ko na sana eh! Yun na sana eh! Huhuhu.
—
Pumasok na kami sa bahay ni kupal. Hindi na bago sa 'kin ang lugar kasi nga pinaglinis niya 'ko ng buong sala di ba? Nanggigigil pa rin ako habang naalala ko yun eh! Bastos talaga kahit kailan! Naku!!!

BINABASA MO ANG
Kapag Lumandi ang Api
Подростковая литератураNerd, losyang, pangit, out of this world na figure dahil sa sobrang dami ng taba-taba sa katawan at kung anu-ano pang imperfections na inembento sa sangkalupaan. Inaapi kahit saan mapunta dahil sa kapangitang taglay. Hanggang saan aabot ang pasensya...