35||Jinx

39 1 1
                                        

Chapter Thirty-Five




Ilang araw na ang lumipas pero hindi pa rin nagpaparamdam si kupal. Well, nagkikita naman kami sa school pero gurl?! dedma ang lolo mo! Kahit i-look and listen manlang niya ko waley talaga. After that baba scene sa kotse never na ulit kami nag-usap or kahit kontakin ako regarding sa contract naming dalawa, wala. 




Grabe pa lang magtampo 'tong si kupal ang lala! Ang surprising pa diyan eh di ko alam ano yung ipinagtatampo niya or kinagagalit niya. Seryoso guys, sa ilang araw ng lumipas syempre inisip-isip ko kung bakit di ba? Wala talaga akong maisip na dahilan. Wala! As in zero. Ganun! Innocent talaga ako kaya di ko ma-pin point kung bakit. Isang malaking tanong talaga sa'kin yun. May mga times pa na hindi ako nakakatulog kakaisip. Syempren kahit alam ko naman sa sarili kong wala akong ginagawa binabagabag pa rin ako nung mukha niya. Remember nung nasa villa kami? Yung bigla niya kong hinatak pahiga sa kama habang nakaibabaw siya sa'kin? May instances na nakikita ko sa mga mata niya yung pain or lungkot. Syempre di ko lang sigurado.





Habang naaalala ko yun di talaga ako nakakatulog. My ghad! Gusto ko talagang malaman kung anong problema niya or may nagawa ba ako na kinagalit niya ng bonggang bongga.





"OMG! beshy next subject makikita mo na ang future jowa mo slash future mapapangasawa slash future baby dada ng mga anak mo!" kilig na kilig na sabi ni Babeng. Oo nga pala nasabi ko na sa kanya yung mga ganap namin ni Clive. Di ko naman matatago kay Babeng yun kasi halos kami lagi yung magkasama sa school.





"Ano ka ba! Huwag kang masyadong maingay diyan. Baka marinig ka ng ibang estudyante eh ipapahamak mo pa kami ni Clive" saway ko dito.





"Ayiiieeee! Clive na talaga tawag mo kay prof ha? In fairness kinikilig ako. Akalain mo yun Aga? First boyfriend mo eh yung hottie pa nating professor? Tsaka ang exciting pa ng set up niyo kasi sneaky lang. Patago ang ganap. Thrilling! Nakaka-excite tuloy parang napapanuod ko lang sa mga k-drama





Tuwang-tuwa pa siya eh kami nga hirap na hirap. Jusko! Kahit nga simpleng lunch di pa namin magawa. Kailangan pang nasa cafeteria halos lahat ng estudyante bago ako makapunta sa office niya at dun kami kumakain na dalawa. Kapag uwian naman kailangan ko pang maghintay ng isang oras after ng time ng uwian para maka-make sure kaming konti na lang yung mga estudyante sa department namin. Tapos sasakay ako kunwari kay Babeng tapos hihinto kami sa kanto habang naghihintay na si Clive mga 20 steps away sa kinaroroonan ng kotse ni Babeng tapos takbo ako to the max para di lang makita ng ibang estudyante. Ayy nakakaloka talaga!




Napa-sigh naman ako bago magsalita, "Hindi talaga exciting Babeng, nakakapagod kamo" nasabi ko na lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kapag Lumandi ang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon