part 22

2.9K 71 3
                                    


MARIE (POV)

Kanina pa kami nag iinoman dito sa penthouse ko. Tinawagan ko si Cynthia at Chantal pero si Chantal lang ang nakapunta dahil may importante daw'ng gagawin si Cynthia. Kami nalang lima ang nandito dahil kanina pa umuwi si Lucas dahil tumawag ang asawa nito.

"Wag mo ng isipin pa ang asawa mo captain mag saya nalang tayo." Sigaw ni Chantal kaya napangiwi ako. Medyo may tama na ito ng alak at ganun din ako.

"Hindi ko s'ya iniisip Chantal, dahil iniisip ko kung paano kita ipasok sa sako." Singhal ko dito.

"Captain nama,'- hindi nito natapos ang sasabihin dahil parehong nag alarm ang smart watch namin." Nagkatinginan kami ni Chantal at parihong napamuara. "Fuck!! Isa lang ang ibig sabihin nito nasa panganib ang isa sa dalawang babae na wala dito.

Kinuha ni Chantal ang kanyang computer at nilocate ang kinaruroonan ng alarm at tama nga ang hinala ko. Kay Cynthia galing ang alarm.

"Anong nangyayari."? Tanong ni dos, hindi ko s'ya pinansin at agad akong tumayo para alisin ang malaking picture prim na nakasabit sa pader na nakaharap sa couch. May pinindot akong maliit na switch kaya bumukas Ang pader.

Kanya-kanyang mura ang tatlo, ngunit hindi ko sila pinansin at kinuha ko ang sniper rifle ko at dalawang baril na nilagay ko sa likod ng jogger na suot ko. Bago ko isarado kinuha ko Muna ang malaking bag na may lamang ibat-ibang klase ng baril at bomba.

"Let's go Chantal." Kayo nalang ang mag loc,'-

"Fuck, sabihin n'yo kung ano ang nangyayari Marie dahil tutulong kami."

Umiling ako, ngunit inagaw ni kwatro ang bag na dala ko. " Let's go, tutulong kami that's final." Hindi na ako nakipag dibate pa, dahil may buhay na nakasalalay dito.

"Sa kotse kana ni kwatro sumakay Chanta,'- hindi ko pinatapos si dos sa pagsasalita n'ya at sumabat ako.

"May van ako sa parking lot dos at 'yon nalang ang sasakyan nating lahat. Dahil madali tayong mahahalata ng kalaban pag marami tayong sasakyan na dala." Mahabang wika ko.

Paglabas namin ng elevator patakbo kaming pumunta ng parking. Ako ang magdadrive dahil si Chantal ang magsasabi ng location. Agad kong pinaharurot ang van dahil sa kaba kong walang pag lagyan. Ilang beses na akong sumabak ng mga delikadong mission pero ngayon pa ako kinabahan ng ganito. Shittt, ito ba ang sinabi mong importanteng gagawin Cynthia ha." Hindi ako mapakali at butil-butil din ang pawis ko.

"Nasa inabandonang pier sa makati ang location n'ya captain." Tumango ako kay Chantal at mas binilisan pa ang takbo.

Lahat ng mission ni Cynthia ay sinasabi n'ya sa akin bilang captain nila. Shit, lumingon ako kay Chantal at saktong nakatingin din ito sa akin. Mukhang may alam ito sa klase ng tingin nito sa akin.

"Kailan pa tumatanggap ng secret mission si Cynthia," lieutenant Rozales.? Seryusong tanong ko kay Chantal.

"G-usto kong s-abihin sayo captain, ngunit pinipigilan ako ni Cynthia. I'm sorry captain," at ang alam ko pangalawa na ito ngayon." Mababang wika ni Chantal.

"Galing ba ito sa taas lieutenant.? Napakuyom ang kamao ko ng umiling si Chantal. " Ang alam ko po captain si vice commander Delgado lang po ang nag utos nito."

Inapakan ko ang brake ng matanaw ko na sa di kalayuan ang lumang pier dito sa makati. Oras na may mangyaring masama sa kaibigan ko Delgado, mag dasal kana sa lahat ng Santo dahil makikilala mo ako kung gaano ako ka brutal pagdating sa mga mahal ko sa buhay.

Lumabas ako at bitbit ang sniper ko. Nakikita ko parin ang pulang dot sa smart watch hudyat ng pagbibigay alam isa sa amin kung nasa panganib kami o kailangan namin ng tulong.

Dahandahan kaming naglakad palapit sa pier, marami akong natatanaw na mga armadong kalalakihan di kalayuan sa amin.

"Marunong kaba sa sniper kwatro.? tanong ko kay axel. " The hell of course I am, alam ko lahat gamitin ang ibat-ibang klase ng baril no." Mahinang Singhal nito sa akin. Tumango nalang ako at binigay sa kanya ang sniper ko. "Cover us kwatro." Sabi ko at kinuha ang dalawang baril na nasa tagiliran ko.

"Maghiwalay tayo, singko and me at Ikaw naman kay dos Chantal." Tumango sila sa akin, Tig dalawa din ang hawak na baril ni dos at singko na kinuha nila sa dala ko.

Nagtago kami ni singko sa mga nakatambak na kahoy. Kinasa ko ang dalawang baril ko na may silencer at pinaputokan ang dalawang lalaki na dumaan sa amin. Gusto kong matawa sa reaction ni singko ngunit hindi ito tamang panahon para tumawa.

Gumapang kami ni singko palapit sa gitna na may nagkukumpulang mga lalaki.

"Anong iniisip ni Delgado at nagpadala s'ya ng pipitsuging spy sa akin at babae pa." The man said at tumawa ng malakas. Nanlamig ako at dahandahang sumilip kung saan banda ang lalaki. Nanigas ako sa Nakita, "noooo" bulalas ko at napatakip sa bibig. Nasa gitna si Cynthia at walang saplot kahit isa at naliligo ng dugo."



______&



Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️

"TAMING THE MASTER" (TVDM #3)CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon