MARIE (POV)
Tatlong araw na akong nakakulong dito sa bahay namin. At bukas ng tanghali ang flight ko pabalik ng Amerika.
Binalita sa akin ni bea na ilang beses na daw bumalik si Gideon sa harap ng gate namin at nagmamakaawa. May pagkakataon pa na basang-basa ito ng ulan.
Gusto kong magalit kina mommy at daddy. Pero alam kong ginagampanan lang nila ang pagiging magulang nila.
"Ano na ang plano mo ngayon ate."? Tanong ni bea.
"Hindi ko rin alam bunso. Mahirap salungatin ang gusto nila mommy at daddy. Alam mong pinagbigyan na nila ako ng sundan ko noon si Gideon sa Amerika diba. Pero ngayon mukhang hindi na nila ako pag bibigyan pa." Malungkot na wika at napabuntong hininga.
"Ganito nalang ate, tumakas ka nalang mamayang gabi para kausapin si kuya Gideon. Tutulongan kita."
Gusto kong batukan si Bea dahil sa plano nya. Pero napagtanto kong, pwede ko ngang gawin 'yon.
"Tama ka Bea, pwede kong gawin ang plano mo. Kailangan kong makausap si Gideon para sabihing pwede nya akong sundan doon." Nakangiting bulalas ko at niyakap ng mahigpit si Bea.
"Okay ate, sumunod ka lang sa akin mamaya. Akong bahala para makatakas ka."
Napangiwi ako sa sinabi ng kapatid ko. Lumayo ako dito at mahinang sinabunotan ang buhok nya.
"Basta talaga paglayat ang pag-uusapang bruha ka! Ang galing-galing mo."! Singhal ko dito.
Napakamot ito sa ulo sabay ngiwi.
"Alis na ako ate huhh,! Kita nalang tayo mamaya." Sabi nito at nanakbo papunta sa pinto ng aking kwarto.
Takot magisa ang bruha.!
Nang ako nalang mag-isa dito sa kwarto, naalala ko na naman ang sinabi ni Gideon.
Mahal nya ako, at ramdam kong seryuso ito ng sabihin 'yon.
Napangiti ako, at napailing.
____
"Nginaaaa!! Ka Bea,! Dito ka talaga dumadaan pag tumatakas ka."!
Shit, sino bang hindi mapapamura kung dito sa likod bahay dumadaan ang kapatid ko at umaakyat sa mataas na puno, bago tumalon pababa.
"Ate naman,! Wala ka na rin namang ibang choice. Dahil kita mo naman ang harap ng gate diba, puro mga taohan ni daddy na nagbabantay Sayo."!
Oh,!! Hell! Hindi naman ang sarili ko ang iniisip ko eh, kundi sya!.
"Mabuti't buo parin ang mga binti mo ngayong lintekkk ka.!!
Malakas na singhal ko dito. Napangiwi ang bruha at napakamot na naman sa ulo.
"Hehe, bilisan na natin ate! Dahil baka makita tayo ng mga nag rurobing na mga t-aohan ni daddy. At Isa pa naghihintay na ang kaibigan ko sa labas." Bea said.
Bumuntong hininga muna ako bago sinimulang umakyat. Pagdating ko sa taas nalola pa ako dahil sa taas ng bakod na tatalunin ko.
"Hindi ka naman masyadong masasaktan ate dahil makapal naman ang mga damo."
Halos napatalon ako sa gulat, dahil hindi ko namamalayan na nasa tabi ko na pala ang kapatid ko.
"Bilis mong nakaakyat ah,!! Sanay na sanay lang girl.!!
Tabingi itong ngumiti sa akin.
"Go na te,! Bago pa tayo makita.! Bea said.
Napailing nalang ako at ikspertong tumalon sa damuhan.
Titingalain ko pa sana ang kapatid ko. Ngunit ganun nalang ang panlalaki ng mata ko, dahil kalalapag lang din nito sa damohan.
"What the hell.!! Malakas na mura ko.
"Hehe! kalma te,! Limang taon ko na itong ginagawa." Bea said.
"Ang sarap mo talagang isakong babae ka."!! Singhal ko dito.
Ngumiti lang ito sa akin ng matamis, at kumapit sa braso ko.
"Let's go na ate,! Dapat makabalik agad tayo dito before 10, dahil pauwi na sila mommy non."
Tumango ako kay Bea, at nag simulang mag lakad.
Nakita ko sa di kalayuan ang red sport car. At mukhang ito na ang sinasabi ng kapatid ko na kaibigan nya.
"Ka gang mo ba yang may ari ng sports car.? Tanong ko kay Bea.
"Anong gang ba ang sinasabi mo atee."!? Nagugulohang tanong ng kapatid ko.
Tinaasan ko ito ng kilay at kinutusan ng mahina.
"Layat bahay gang,! Ang ibig kong sabihin bruha."! Singhal ko dito.
"Ang galing mo talaga ate, kase pati paglayat ng kaibigan ko, alam mo din.!
Gusto ko pa sanang sabunutan ang kapatid ko, pero dahil nandito na kami sa harap ng kotse, hindi ko nalang tinuloy.
Pumasok ako sa backseat at si Bea naman sa front seat.
"Ang ganda-ganda mo po ate. Para po kayong diwata."!
Nginitian ko lang ng tipid ang kaibigan ng kapatid ko dahil sa pagpuri nito. Pero napangiwi din agad ako dahil natulala ito sa akin.
"Hoy, natotomboy kana namang bruha ka. May asawa na ang ate ko noo."!! Singhal ni bea dito sabay hila ng mahina sa buhok nito.
"Ito naman,! Tomboy agad.! Hindi ba pwedeng humanga lang."
Iniwat ko silang dalawa at sinabing umalis na kami, dahil baka saan pa mapunta ang bangayan nila.
"Here I come hubby." Bulong ko sa hangin.
_____&&&
Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰
"a z h e n a 17"
BINABASA MO ANG
"TAMING THE MASTER" (TVDM #3)Complete
ActionMarie rhaya Fuentes is a happy go lucky woman." at lahat ng trabaho kaya nyang gawin. pagkukompuni ng sasakyan pag-aayos ng sirang gripo oh kahit ano pa man ay kaya nyang gawin, maliban sa pagnanakaw at manakit ng kapwa ." she's kind and soft hearte...