MARIE (POV)
Excited akong pumasok ng gate ng bahay namin ni Gideon.
Nakita ako ni ate beth, at kumunot ang noo ko. Dahil bigla itong namutla ng makita ako.
"Ma'am M-arie k-ayo po p-ala."?
Mas lalong napakunot ang noo ko sa pagkautal nito.
"Nasa loob po ba si Gideon ate beth."? Tanong ko dito.
Hindi agad ito nakasagot, kaya iniwan ko ito at naglakad papasok sa loob ng bahay.
Hindi ko alam kung bakit, bigla nalang akong kinabahan ng subra. At Nanlalamig din ang aking pakiramdam.
Hindi ko nakita si Gideon sa sala, kaya umakyat ako sa taas. Dahil baka nasa kwarto ito.
Alam kong hindi ito umalis ng bahay dahil kumplito ang sampo nitong mga sasakyan sa garahe.
Pagdating ko sa taas pinihit ko ang pinto ng kwarto nito kung nakalock ba.
Napangiti ako ng hindi ito naman nakalock. Ngunit ang ngiti sa mga labi ko ay napalitan ng paninigas ng katawan at pagdaloy ng tubig na galing sa aking mga mata.
Mahal pala huh.!! Mapaklang bulalas ko habang pinigilan ang paghagulhol. Dahil sa iksinang aking naabutan.
Nasa kama lang naman ang magaling kong asawa habang gumigiling si Aira sa itaas nya.
Sinarado ko ulit ang pinto, at tumakbo pababa.
Nasalubong ko pa si dos na may dalang cellophane na galing drugs store dahil sa tatak nito.
Kumunot ang noo nito ng makita ang Mukha kong tigmak ng luha.
"What happened Marie.? At Mabuti nama't binisita mo ang asawa mo dahil may sak,'-
Hindi ko pinatapos si dos sa sasabihin nya.
Tumingin ako sa kanya ng malamig at walang kabuhay-buhay. Kaya nakita ko ang paglunok nito.
"Kaya ba nasa ibabaw nya si Aira at gumigiling habang pariho silang walang damit dahil may sakit sya."?
Walang buhay na tanong ko kay dos. Kumunot ang noo nito. Ngunit bigla nalang nanlaki ang mga mata nito at tumakbo papunta sa taas.
Tumakbo ako pabalik sa kotseng sinasakyan ko kanina para makaalis agad sa impernong bahay na ito.
Nagulat ang dalawa pagpasok ko. Dahil sa mukha kong tigmak ng luha.
"Ate anong nangyari."? Tanong ni bea sa akin.
Tumingin ako dito ng walang buhay. At yumakap dito na parang batang iniwan ng Ina.
"U-malis n-a t-ayo d-ito p-lease. At sa bahay ko mismo ninyo ako ihatid ni nica, Bea please." Umiiyak na wika ko.
Hindi na nagtanong ang kapatid ko at sinabi sa kaibigan nito na sundin ang gusto ko.
"Sabihin mo kina mommy at daddy Bea, na ngayon ako aalis papuntang ibang bansa. At sabihin mo rin sa kanila na hindi ako sa Amerika pupunta."
Malamig na wika ko at humiwalay ng yakap sa kapatid ko. Pinunasan ko rin ang mga luhang walang tigil sa pagtulo sa mga mata ko.
"Ibibigay ko sayo ang divorce paper namin ng kuya Gideon mo pagdating natin ng bahay ko. at Ikaw na ang bahalang magbigay kina mommy. Sabihin mo sa kanila na wag akong hanapin dahil uuwi ako dito pag magaling na ang sugat ko." Dugtong ko.
"A-te.!! Anong nangyari hmm,? Sama nalang ako sayo please.!" Bea said, at pinaghugpo pa ang dalawang kamay para mag makaawa.
Umiling ako dito at hinaplos ng marahan ang mukha nya.
"Mahal na mahal kita bunso, at gusto kong pag balik ko dito may ipagmamalaki kana sa akin." Nakangiting wika ko dito, at alam kong kahit anong ngiti ang ipakita ko ay mababakas parin ang sakit sa mga mata ko.
"Promise me Bea."
Kahit umiiyak ito ay tinaas nito ang kaliwang palad para mangako.
"Pangako captain ate."!
Napailing ako at niyakap ito ng mahigpit. At hinalikan sa noo.
"Wag ka ng tumakas okay. At wag na wag mo ng uuliting tumalon ulit sa bakod." Malambing na wika ko dito.
"O-po a-te ko." Malambing ding sagot nito habang humihikbi.
Tumingin ako sa bintana at sa huling pagkakataon tumulo ulit ang mga luha ko.
Papakawalan na kita mahal ko, dahil kahit anong gawin kong paghahabol sayo, second choice parin ako. Dinurog mo ako ng pinong-pino mahal ko.
Hinayaan kong tumulo ang aking mga luha, dahil sa muling pagbabalik ko dito. Hinding-hindi na ulit ako iiyak dahil sa lintekkk na pagmamahal.
"Sana sa muling pagkikita natin Gideon Mondragon ay hindi na Ikaw ang tinitibok ng puso ko, at sana maging masaya ka sa piling ng tunay mong mahal." Bulong ko sa hangin.
"I love you Goodbye mahal ko." Bulalas ko.
____&
Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰
BINABASA MO ANG
"TAMING THE MASTER" (TVDM #3)Complete
ActionMarie rhaya Fuentes is a happy go lucky woman." at lahat ng trabaho kaya nyang gawin. pagkukompuni ng sasakyan pag-aayos ng sirang gripo oh kahit ano pa man ay kaya nyang gawin, maliban sa pagnanakaw at manakit ng kapwa ." she's kind and soft hearte...