MARIE (POV)
"Marie ikaw nalang ang tumingin sa sasakyan ng katatawag lang na costumer, malapit daw ito sa hacienda del Monte. May e wewelding pa kase ako eh." Wika ni bogar sa akin.
"Sige bogard aalis na ako dahil maaga akong uuwi ngayon dahil may bisita kaming dadating." wika ko kay bogard at kinuha ang multicab ni Lolo na panahon pa yata ni kopong-kopong at isang sipa nalang masisira na.
Malapit lang dito ang hacienda del Monte. Mga 20 minutes lang at nandon na ako.
Pasipol-sipol ako habang nagdadrive. at Nakadantay ang isang kamay ko sa bintana ng sasakyan at ngumunguya ng bubble gum.
Nadaanan ko na ang hacienda ng mga del Monte, at sa di kalayuan ay may natatanaw akong puting van na naka parking sa gilid ng daan. Mukhang ito na ang costumer na tumawag sa amin.
Inihinto ko ang multicab na sinasakyan ko ng tumapat ako sa puting van, agad akong bumaba dala ang mga tools na gagamitin ko.
Nakita ko ang tatlong lalaki at dalawang babae sa labas ng van at mukhang may hinihintay.
Lumapit ako sa isang lalaki na malapit sa harap ng van.
"Kayo ba ang tumawag sa shop namin." tanong ko sa lalaki, napataas ang kilay ko dahil tumingin ito sa akin ng head to toe. Mukha kase akong pulubi sa suot ko, kaya siguro ng tataka ang lalaking ito. Nakasuot Kase ako ng maong jumper pants at puting t-shirt sa loob at kunti nalang ang makikitang puti dahil marami itong mantsa ng grasa at dumi. Nakasuot din ako ng sira-sirang sumbrero kaya siguro nagtataka ito.
"Ikaw ba ang mag-aayos ng sasakyan Namin."?
Lumingon ako sa likod pati na sa multicab na dala ko. "May nakikita Kapa bang iba Mr. diba wala na."
Napaatras ito ng lumapit ako. Nakaka hurt naman sa feeling ang tikbalang na'to. Madumi lang ako pero hindi ako nangangain ng tao.
"Ano po bang sira ng sasakyan n'yo."? Tanong ko sa kanila habang pinapaputok ko ang bubble gum sa aking bibig. Lahat sila nakatulala sa ginagawa ko at walang sumagot sa akin.
"Helowww.! Sabi ko anong sira ng sasakyan n'yo." Sigaw ko kaya napatalon ang dalawang babae.
'Sabi mo ikaw ang mag-aayos ng sasakyan namin so dapat alam mo diba."
Napatingin ako sa lalaking nagsalita, at bigla akong natulala dahil sa angking kagwapohan nito. Brown eyes, makapal na kilay, pointed nose kissable red lips at pangang hinulma ng maayos. Wow,! he looks like a Greek god.
"Are you fucking deaf woman."!
Ay, binabawi ko na oo gwapo lang s'ya at 'yon lang ang katangian n'ya dahil masama pala ang ugali.
"Paano ko aayosin ang sasakyan n'yo manong, kung hindi n'yo sinasabi sa akin kung anong nangyari."
"What the fuck did you call me."! Sigaw nito kaya napatakip ako sa tenga. Sarap hambalusin ng mamang ito, ang lapit-lapit ko lang pero kung makasigaw akala mo kung saang kanto ako nakatayo.
"Ah-m, miss bigla nalang tumirik ang sasakyan namin eh, at hindi rin namin alam kung anong nangyari." Paliwanag ng isang lalaki at mukhang ito lang ang matinong kausap sa kanila.
"Ah, sige pogi. Titingnan ko nalang. Wika ko dito at nginitian siya ng matamis. Natawa ako ng natulala ito at napalunok.
Kinuha ko ang sako sa likod ng multicab para gawing higaan sa ilalim ng van. Agad akong sumuong sa ilalim at tiningnan ang sira. Halos mag-iisang Oras din bago ako natapos dahil hindi ko agad nakita ang sira.
Lumabas ako sa ilalim at nadagdagan na naman ang dumi sa damit ko.
"Eww. Lumayo ka nga ang baho-baho mo."! Singhal sa akin ng isang babae."
Tumingin ako sa kanya ng malamig Bago nag salita. "Naayos ba ng kaartihan mo ang sasakyan n'yo babae, Diba hindi." Hindi ito nakasagot kaya nilingon ko ang lalaking nagpaliwag sa akin kanina.
"Try to start the engine."! Wika ko dito at agad naman itong tumalima.
"So you speak English haa." Mapang-uyam na turan sa akin ng lalaking nakalunok ng microphone.
Hindi ko sya pinansin. Dahil mabait ako sa taong mabait din sa akin.
"Okay na miss." Wika ng lalaki kanina, nginitian ko sya at lumapit para maningil, dahil gusto ko ng makaalis dito.
"200 lang pogi," nakangiting wika ko dito, kinuha nito ang pitaka at bumunot ng isang libo.
"Keep the change nalang miss, at ah-m anong pangalan mo.? Tanong nito, at dahil mabait s'ya sa akin magpapakilala ako ng maayos.
"Tawagin mo nalang akong Marie pogi."
"Really max,! nakipag kilala kapa talaga sa amo'y kanal na babaeng 'yan." Singhal na naman ng maarting babae kanina.
"Ano kaba Lucy. Ilugar mo naman ang ugali mo." Sabat ng isang babae na kanina ay naka headset pero ngayon ay wala na.
"Hi, ako nga pala si grace. Maraming salamat pala sa pagtulong sa amin ha." Nakangiting wika nito at inabot ang kamay ko. Ramdam kong walang bahid na kaplastikan ang pakikitungo nito kaya nginitian ko rin ito.
"Nice to meet you grace and max. Ahm mauna na ako, salamat pala max sa tips ha." Wika ko dito sabay kindat, at hindi ko alam kong bakit natutulala sila sa kilos ko. Napailing nalang ako at pumasok sa dala kong sasakyan at umalis.
______&
Enjoy reading And please follow and vote for more free story 😊❤️🥰
BINABASA MO ANG
"TAMING THE MASTER" (TVDM #3)Complete
حركة (أكشن)Marie rhaya Fuentes is a happy go lucky woman." at lahat ng trabaho kaya nyang gawin. pagkukompuni ng sasakyan pag-aayos ng sirang gripo oh kahit ano pa man ay kaya nyang gawin, maliban sa pagnanakaw at manakit ng kapwa ." she's kind and soft hearte...