MARIE (POV)
Minulat ko ang aking mga mata ng maramdaman kong malalim na ang pag hinga ni Gideon sa tiyan ko. Nag panggap akong tulog kaya narinig ko lahat ng sinabi nito.
So, umasta lang pala si Aira na boyfriend n'ya pa ang asawa ko, dahil noong araw pala na may nangyari sa amin ni Gideon ay hiwalay na sila. Mapapel ka lang sa angkan ng asawa ko Aira, pero mamay-ari ko parin siya sa loob ng limang buwan. Napabuntong hininga ako, at sinuklay ang malambot na buhok ni Gideon gamit ang mga daliri ko.
Kahit sisihin ko pa si Gideon, hindi na rin naman mabubuhay si Cynthia. Napangiti ako ng mapait, lasapin mo na ngayon ang masarap na buhay mo Mariano Delgado. Dahil paglabas na paglabas ko dito, mawawala na sa'yo lahat.
Bumukas ang pinto ng kwarto na kinalalagyan ko at pumasok ang dalawang lalaki. Sininyasan ko silang lumapit sa akin.
"Lower down your voice." Seryusong wika ko sa dalawa.
"Tumawag sa amin si lieutenant Rozales 'captain at sinabi ang dapat naming Gawin. naipon na po namin lahat ng ibedinsya na kailangan mo. At nakalista na po ang lahat ng negosyo at ari-arian ni vice commander Delgado 'captain. Tanging signal nalang po ninyo ang hinihintay Namin." Troy said. Isa sya sa tapat kong taohan.
Umiling ako sa kanila. "Hindi kayo pwedeng sumali sa laban na ito troy And mark. May mga pamilya kayong binubuhay kaya hindi ko kayo papayagan na sumali dito." Seryusong wika ko sa dalawa. "Malaking tulong na ang nakuha nyong information kaya pwede na kayong umuwi. At mag-iingat din kayo." Dugtong ko, sumaludo muna sa akin ang dalawa bago umalis.
"Kailangan kong bumawi ng lakas dahil pupunta ako sa main office ng (AFP) dahil kung hindi nila aactionan ang ginawa ni Delgado. Papatayin ko ito ng hindi dumadaan sa batas.
Gumalaw si Gideon, kaya inalis ko ang kamay ko sa buhok n'ya.
"W-ife,! Oh my god, baby may masakit ba sayo, sandali lang tatawag ako ng doctor." Natatarantang wika ni Gideon at nanakbo palabas, Bumuntong hininga ako at umiling. Naawa ako sa mukha nitong may putok sa labi dahil sa pagsuntok ko.
Bumukas ulit ang pinto at pumasok si Gideon kasama ang matandang doctor.
"Eh checheck ko lang ang sugat mo iha, at lilinisan. Kailangan mong inumin lahat ng gamot na nakaresita sayo, para sa madalian mong paggaling."
Tango lang ang sagot ko sa doctor. Kailangan kong ma discharge bukas. Dahil marami pa akong gagawin lalo na ang libing ni Sargent Rivas.
Pagkatapos akong asikasuhin ng doctor ay agad itong lumabas. Kami nalang dalawa ni Gideon ang nandito, na kanina pa titig na titig sa akin.
"Baka matunaw ako." Mahinang wika ko dito.
"I'm sorry about what happened to yo,'- hindi ko ito pinatapos sa pagsasalita.
"Come here,! Utos ko dito, sumonod namin ito at umupo sa kama ko. medyo malayo ang distansya namin kaya ako na ang lumapit sa kanya at hinila ang batok nya para halikan s'ya sa labi. Ramdam ko ang paninigas ng katawan nito, kaya ginilaw ko ang labi ko. Ilang sandali lang at gumanti na ito sa akin ng mas mainit at nangungulilang halik. Gusto kong matawa dahil halos lunukin na nito ang buhok mukha ko. Napailing ako ng gumapang ang kamay nito kaya pinupotol ko ang halikan namin at lumayo sa kanya.
"Ipapaalala ko lang Mondragon na nasa hospital tayo at may tama ako ng baril." Nakasimangot kong bulalas dito.
"I'm sorry wife, I just fucking miss you." Nakatiim bagang na wika nito.
Tinaasan ko sya ng kilay. "Talaga bang na miss mo ako Gideon. Mukhang hindi naman eh, dahil nakakalimutan mo namang may asawa ka, kapag Kasama mo ang girlfriend mo." Malungkot na wika ko dito, at umiwas ng tingin sa kanya.
"Fuck,!!
Hindi ko pinansin ang pag mumura nito. Totoo naman ang sinabi ko eh, nakikita kong masaya ito pag kasama si Aira. Napailing ako at natawa ng mapakla. Ilang buwan na lang at mawawalan na ng bisa ang kasal namin. At kapag dumating ang araw na 'yon palalayain ko na ang aking sarili sa pagmamahal ko kay Gideon simula ng Bata pa ako.
"What the fuck are you thinking wife.! Kung iniisip mong makikipag hiwalay ako sa'yo Marie, hindi mangyayari 'yon tandaan mo yan. Walang pwedeng mag mamay-ari sayo kundi ako lang, akin ka lang hanggang nabubuhay pa ako."! Malamig na wika nito. Napanganga ako at natulala sa kanya. Napaka seryuso nito at walang kahit anong pagbibiro sa mga mata nito.
_____&
"Yung feeling na, nakakatamad mag sulat dahil walang bomuboto sa mga sinusulat mo😔😔 but Enjoy reading guys.
BINABASA MO ANG
"TAMING THE MASTER" (TVDM #3)Complete
AksiMarie rhaya Fuentes is a happy go lucky woman." at lahat ng trabaho kaya nyang gawin. pagkukompuni ng sasakyan pag-aayos ng sirang gripo oh kahit ano pa man ay kaya nyang gawin, maliban sa pagnanakaw at manakit ng kapwa ." she's kind and soft hearte...