part 35

2.9K 94 3
                                    

MARIE (POV)


At kung minamalas ka nga naman. Bulalas ko, at kunti nalang talaga sasabunotan ko na si Chantal.

Paano ba naman ay naiwan kami ng yate' na sasakyan sana namin. At apat na Oras pa kaming maghihintay dito para sa pagbalik non.

Umupo muna kami dito sa maliit na cottage at malayo ang distansya namin ni Chantal. Dahil takot itong masabunotan ko kaya lumayo ito sa akin.

Hindi ko lang sya, sasabunotan, pipiktusan ko din talaga s'ya.

May tumawag dito kaya, tumayo muna ako para maghanap ng Cr, dahil naiihi ako. Hindi na ako nagpaalam at pinagpatuloy nalang ang paglalakad.

May nakita akong maliit na bahay sa di kalayuan kaya naglakad ako papunta doon.

At ng makalapit na ako nakita ko ang matandang babae na nagwawalis. Lumapit ako dito para magtanong.

"Magandang araw po Lola! Pwede po bang magtanong.? Wika ko sa nakatalikod na matanda. Lumingon ito sa akin kaya nginitian ko ito ng matamis.

Ayy, sus diwatang bukid.!! Bulalas nito.

Natawa ako dahil napanganga pa ito.

"Ahm, Lola saan po ako pwedeng Maka gamit ng Cr."?

"Ay, hindi kaba diwata ening."?

Mas Lalo akong natawa sa tanong nito. Kahit noong bata pa ako napagkakamalan din akong diwata dahil sa balat kong maputi at sa buhok kong alon-alon.

"Hindi po lola, hindi naman po totoo ang diwata eh, at ahm! Lola ang tanong ko po, saan po ako pwedeng maka gamit ng cr.? Ulit na tanong ko dito dahil subrang naiihi na ako.

"Ay,! pasinsya na ening, Halika ka at itututro ko sayo ang Cr." The old woman said.

Sumunod ako sa kanya ng magsimula itong maglakad.

Huminto ito sa napakaliit na kubo at may sakong nakapalibot, nipa din ang bubong nito.

"Ito na ang Cr ening, pumasok kana lang at pag pasinsyahan mo na dahil ito lang ang Cr namin."

Ngumiti ako sa matanda at pumasok sa loob. Malinis naman ang loob ng Cr, at mas okay na rin ito kay sa damuhan.

Nilabas ko ang dapat ilabas. At nang matapos ako nag hugas ako ng kamay sa batyang may lamang tubig dito sa loob.

Paglabas ko naabutan ko si lola na naghihintay sa akin.

Kumuha ako ng 20 thousand sa dala kong bag, para ibigay kay Lola.

Gusto ko lang tulungan si Lola, dahil kunti nalang at babagsak na ang bubong ng bahay nito.

Lumapit ako dito at nilagay sa kamay nya ang Pera.

Nanlaki ang mga mata nito at tumingin sa akin ng hindi makapaniwala.

"Para po sa inyo 'yan Lola. Gamitin nyo po 'yan para ibili ng bubong." Sabi ko dito at nginitian ito ng matamis.

Yumakap ito sa akin at nagpasalamat ng subra.

"Maraming salamat ening! Siguradong matutuwa nito ang asawa ko. Dahil mapapagawa na namin ang bubong namin." Lola said habang may luha sa mga mata.

Binigay ko rin sa kanya ang calling card ko. Para in case of emergency.

"Mauna na po ako Lola. Sana magkita pa po ulit tayo." Paalam ko dito at nagmano muna bago naglakad para bumalik kung nasaan ko iniwan si Chantal.

"Maraming salamat apo, pagpalain ka sana ng maykapal." Sigaw ni Lola.

Ngumiti ako sa kanya at kumaway bago nagpatuloy sa paglalakad.

Kumunot ang noo ko, dahil may nakaparada ng yacht sa pantalan kung saan ko iniwan si Chantal.

Akala ko ba mamaya pa ang dating nito.

"Captain, hayst! Saan kaba nagpupunta. Kanina pa kita hinahanap dahil sasabay nalang tayo sa." Tumaas ang kilay ko dahil mukhang hindi ito mapakali at binitin pa ang sasabihin.

"Ah-m sa yacht ni master dos."!

Wika nito at tumingin sa akin ng mariin. Tinitimbang siguro nito kung anong magiging reaction mo.

"Okay tara na dahil pagod na rin ako." Sabi ko dito at naunang maglakad.

"Nasa loob na ang maleta mo captain. Ikaw nalang talaga ang hinihintay Namin." Chantal said, hindi na ako sumagot at pagpatuloy sa paglalakad.

May lalaking lumapit sa amin, at mukhang isa ito sa taohan ni dos.

"Aalalayan na po namin kayo sa pag akyat ma'am." The man said. Tumango ako dito, pagkatapos ay inalalayan ako nitong maka akyat sa yacht.

Sumunod naman sa akin si Chantal. At ng nasa taas na kami ng yacht. Nakita ko agad ang tatlong lalaki.

At mukhang napansin nito ang presinsya namin dahil sabay-sabay itong lumingon sa pwesto namin ni Chantal.

Nakita ko pa ang paglunok ni kwatro, samantalang si uno naman ay nakangiti sa akin. Habang si dos ay nakatitig sa akin ng malamig.

Hindi ko pinansin ang nakita kong galit na dumaan sa emosyon ni dos.

Galit ba ito dahil sa pang-iiwan ko kay Gideon.? Kung ganun nakakatawa ang kagagohan nila ni Gideon.

"Beautiful as ever."! Uno said.

Gusto kong humalik sa pisngi nito, pero may kasama itong buntis. And I guess, asawa nya ito .

"Hi,! Uno, kwatro and dos. Nice to see you again guys." Nakangiting wika ko sa kanila.

"Ahm, Marie! This is my wife. Maureen." Pakilala ni uno sa babaeng hawak nya sa beywang.

"Sya ang kinikwento ko sayo baby na childhood bestfriend ko na napag kakamalang diwata." Wika ni Lucas sa kanyang asawa.

"Hi, Marie ang ganda-ganda mo nga subra."

Natawa ako sa sinabi ng asawa ni Lucas. Paano nalang ang Ganda nito na parang angel na walang pakpak.

Ngumiti ako dito at inabot ang kamay nito.

"Ang Ganda-ganda mo rin maureen." Sabi ko dito.

____&




Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰





"TAMING THE MASTER" (TVDM #3)CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon