MARIE (POV)
Kauuwi lang namin ni Gideon, dito sa bahay namin pagkatapos kong ma discharge kanina. At tatlong maleta agad ang naabutan namin sa sala ng bahay. Kasama ang may ari nito na ex girlfriend ni Gideon at mommy ng asawa ko.
Nang makita kami ng mommy Gideon at ni Aira, agad ako nitong sinugod. At sasampalin n'ya sana ako, ngunit nasalo ko ang kamay nito.
"Hayop ka.!!! Dahil sayo nawala si daddy.!! Umiiyak na sigaw nito.
Binitawan ko ang kamay nito, at tinipon ko ang aking lakas at sinampal ito ng malakas. Tumabingi ang mukha nito, at dahil maputi ito bakat na bakat ang palad ko sa mukha nya. Tumingin ako dito ng malamig, kaya napaatras ito.
"Know your place woman. Nasa pamamahay kita, kaya wala kang karapatan na idapo ang madumi mong kamay sa balat ko. At ano nga ulit ang sinabi mo.? Dahil sa akin nawala ang daddy mo. Nagpapatawa kaba,? Gusto mo bang isa-isahin ko ang mga kagagohan ng ama mo. Oh, baka gusto mong isali ko ang kalandiang ginagawa mo." Mahabang wika ko dito. At walang makikita na kahit anong emosyon sa mga mata ko.
"Umalis kana dito Aira, tapos na tayo at wala na rin tayong dapat pag-usapan pa."! Malamig na wika ni Gideon, at inakay ako.
"I'm pregnant Gideon. !
Pariho kaming napatigil ni Gideon sa sinabi ni Aira. Nanlamig ang buong katawan ko at nablangko ng ilang saglit ang isip ko.
"What the fuck,!!!
Nataohan lang ako dahil sa lakas, ng pagmumura ni Gideon.
"Yes anak, magkaka anak kana at magkaka apo na rin ako. Masaya ako para sa inyo ni Aira." Nakangiting wika ng mommy ni Gideon.
Natawa ako ng mapakla, At napailing. Talo na ba ako.? Tanong ko sa aking sarili sa isip lang.
Tumiim ang bagang ni Gideon at kumuyom din ang kamao, habang naglalakad palapit kay Aira.
"Sa pagkakaalam ko, huling may nangyari sa atin ay no'ng pumunta ka ng France para sa taping mo. And that was 6 month ago." Sabi ni Gideon sa malamig na boses.
Nakita ko ang pamumutla ni Aira, at napaatras pa ito ng mas lumapit si Gideon.
"At kung sakali mang nabuntis kita Aira. Paano nangyari 'yon.? Ang pagkakaalam ko, bawat may mangyari sa atin ay gumagamit ako ng condom. Dahil ikaw na mismo ang nagsabi na ayaw mo pang mabuntis Diba."! Pati ako napatalon dahil sa lakas ng sigaw ni Gideon.
"Leave my fucking house now and don't ever come back dahil baka makalimutan kong babae ka."!
"Ano bang nangyayari sayo Gideon. Alam mong ikaw lang ang naging boyf,'-
"Leave too mom, ayaw kong may masabing masama sayo. Kaya mas mabuti ng umalis kana rin."
Gusto kong awatin si Gideon sa pagpapaalis sa mommy nya, dahil baka mas lalo itong magalit sa akin pero huli na ako.
"Dahil lang sa babaeng 'yan binabastos mo na ako Gideon.!!! Akala ko ba mahal mo si Aira huhh.! Kaya bakit mas pinipili mo ang walang pinag-aralan na baba,'-
"Ganito kaba itrato ng pamilya ng asawa mo Marie rhaya."?
Nag kulay papel ang mukha ko at dahandahang lumingon sa nag salita. Holy mother cow.! Kailan pa sila dumating dito, bakit hindi ko namamalayan ang presinsya nila. Nakita kong napanganga ang mommy ni Gideon ganun din si Aira.
"Answer me Marie rhaya Fuentes Rodrigo."!
Napatalon ako dahil sa lakas ng sigaw ni mommy. Gusto kong humingi ng tulong kay daddy pero malamig din itong nakatingin sa akin.
"M-om, ah-m mali po ang iniisi,'-
Hindi ko natapos ang sasabihin dahil pinutol ito ni daddy.
"Narinig naman lahat rhaya." Sabi ni daddy sa malamig na boses.
"D-addy, m-ommy. S-ila a-ng m-agulang m-o."? Hindi makapaniwalang tanong ng mommy ni Gideon.
"We're so disappointed to you Marie. Isa kang kagalang-galang na captain army at isang kilalang abogada sa ibang bansa pero hinayaan mo lang ang mga taong ito na alipustahin ka."
Nangilid ang mga luha ko sa sinabi ni daddy. Tama naman sila nakaka disappoint ang ginawa kong pagpakumbaba sa aking sarili dahil lang sa pagmamahal ko kay Gideon.
"File a divorce paper now Marie. Alam kong kaya mong ipagpawalang bisa agad ang kasal nyo ni Mr. Mondragon." Malamig at walang mababakas na emosyong wika ni mommy.
"Mom, please may hindi lang po pagka kaintindihan dito. Maliit lang po na problema ito, so please wag na nat,'-
"Now Marie rhaya Fuentes Rodrigo."
Hindi pinatapos ni mommy ang sasabihin ko dahil sa mautoridad nitong utos.
Napangiti ako ng mapait, at napabuntong hininga. Ngunit nagimbal ako ng lumuhod si Gideon sa harap ng mga magulang ko.
"I'm an ass ma'am and sir. Inaamin ko pong hindi ko na protiktahan si Marie. Pero pinapangako ko po na magbabago po ako, wag lang pong ganito please! D-ahil m-ahal ko na po ang a-nak n-inyo."
Sabi nito, kasabay ng pag yugyog ng balikat nito. Umiiyak ba sya.?
Lalalapitan ko na sana ito para patayuin, pero sinamaan ako ng tingin ni mommy kaya napahinto ako.
"Huli na para magsisi bata." Daddy coldly said.
"Let's go Marie." Hinawakan ni daddy ang kamay ko at marahang hinala.
"Ipapadala ko ang divorce paper nyo, Mr Mondragon. At sa Oras na hindi mo pinirmahan yun, may paglalagyan kayo ng pamilya mo.
"M-om p-lease ako na po ang bahalang umayos ng probl,'-
"One more word Marie." Malamig na wika na mommy at naunang maglakad.
Lumingon ako kay Gideon at kitang-kita ko ang lungkot at sakit sa mga mata nito.
Nagsimulang maglakad si daddy kaya nagpatianod nalang ako.
"I guess this is our really end my love." Bulalas ko.
Biglang huminto si mommy. At nagsalita.
"Kung kayo talaga para sa isat-isa, ang tadhana na ang bahalang magtagpo ulit sa inyo. At sana sa Oras na iyon, kaya mo ng ipagtanggol ang anak Namin." Mommy said at nagpatuloy sa paglalakad.
______&
Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰
BINABASA MO ANG
"TAMING THE MASTER" (TVDM #3)Complete
ActionMarie rhaya Fuentes is a happy go lucky woman." at lahat ng trabaho kaya nyang gawin. pagkukompuni ng sasakyan pag-aayos ng sirang gripo oh kahit ano pa man ay kaya nyang gawin, maliban sa pagnanakaw at manakit ng kapwa ." she's kind and soft hearte...