part 37

2.9K 93 0
                                    



MARIE (POV)




"Putragess ka Rubi hindi ka kakatayin putaa ka,! utang na labas. Tumahimik kana." Pasinghal kong bulong dito.

Paano ba namang hindi ako mapapamura eh, simula pa kanina sa hotel, hanggang sa pagdating namin dito sa dalampasigan kong saan gaganapin ang kasal nito, ay iyak na ito ng iyak.

"T-ears of joy l-ang c-aptain." Bulong din nito sa akin.

"May tears of joy ba na parang kakatayin na sa kakaiyak."! Mahinang Singhal ko ulit dito.

Tumabi na dito ang mga magulang nito. kaya pumunta na ako sa likod nito para ayusin ang wedding gown nito.

Nagsimulang mag lakad si rubi at ang mga magulang nito papunta sa groom. Kaya dahandahan narin akong naglakad para sumonod sa kanila.

Kulay pink ang motifs ng wedding. Kaya nagmumukha akong anghel sa suot kung pink tube gown. Kahit santita ako.!

Malapit na kami sa groom, kaya kitang-kita ko rin ang pagpahid nito ng luha. "Tears of joy din yerrrnn." Bulong ko sa hangin.

Si singko ang best man ng groom. Kaya ng tumingin ito sa akin, kinindatan ko ito. Pero tinaasan lang ako nito ng kilay, na kinatawa ko at kinailing.

Ngunit sa pag-iling ko, nasalo ko ang malamig na mga mata ni Gideon. Mukhang kanina pa ito nakatitig dahil kanina ko pa ito nararamdaman.

Abay din ito sa kasal at katabi nito ang babae kagabi. Kumibit balikat nalang ako at umiwas ng tingin.

Tumabi ako kay singko ng makaakyat na si rubi sa mababang stage na sakto lang sa tatlong tao.

"Pwede nating isunod ang kasal natin kion, pagkatapos nila. " Bulong ko sa tenga nito.

Bigla itong lumingon sa akin, kaya muntik ng mag-abot ang mga labi Namin. Napabungisngis ako ng lumayo ito sa akin na parang may nakakahawang sakit.

Sinamaan ako nito ng tingin na may kasamang pagbabanta. Kaya kinindatan ko ulit ito at may kasamang flying kiss pa.

Kumuyom ang kamao nito kaya napabungisngis na naman ako. "Manunontok na yerrrnn."! Pabulong na wika ko dito.

Dahil sa aking ka abnormalan, hindi ko namamalayan na nag kiss the bride na pala.

Kaya napatuwid ako ng tayo at napailing.

Kanina ko pa nalaman na kaya pala nandito ang The Master'ios, dahil batch mate nila si jade, at ka business partner din.

Bumaba na ang mag asawa sa stage. Kaya nag sitayuan na rin ang mga bisita para batiin ito.

"Congrats rubi and jade."! Bati ko sa dalawa, At niyakap si rubi. "hindi kana single girl at mukhang kami nalang ni Chantal ang mag kaclubing nito. Bulong ko dito.

"Okay lang 'yon captain, at least may magpapa init ng gabi ko." Nakangising sagot nito.

"Pwede rin naman akong maghanap ng magpapa init ng gabi ko bruha."! Sabi ko dito at humiwalay sa kanya. Gusto ko pa sanang sabihin dito na nauna na kaming mag honeymoon ni Gideon kagabi. Pero wag na lang.

"Sa reception nalang tayo mag kita rubi."! Sabi ko dito, tumango ito sa akin kaya naglakad na ako pabalik sa hotel kung saan ang reciption ng kasal.

Nakita ko si kwatro, dos at singko, kaya lumapit ako sa kanila para sumabay.

Kumapit ako sa braso ni singko. Kaya napatingin ito sa akin. Hindi naman nito inalis ang kamay ko at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Nag-usap naba kayo ni Gideon Marie."? Malamig na tanong ni dos sa akin.

Lumingon ako dito at tinaasan ito ng kilay dahil nakatingin din ito sa akin.

"Sa pagkakaalam ko, wala na kaming dapat pag-usapan pa dos. Matagal na kami,'-

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sumabat ito.

"Sana inalam mo muna ang nangyari Marie bago ka nag isip ng kung ano-ano."!

Huminto ako sa paglalakad, kaya napahinto din silang tatlo.

Tumingin ako ng walang emosyo kay dos.

"Ano sa tingin mo Dark Montenegro ang mararamdaman mo kapag nadatnan mo ang pinaka mamahal mo na may katalik na iba.?!?

Malamig na tanong ko dito. Hindi ito umiwas ng tingin at sinalubong ang nagbabaga kong mga mata sa Galit.

"Wag na nating pag-usapan pa ang nakaraan namin ni Gideon dos,! dahil pareho na kaming masaya ngayon." Huling wika ko at naunang maglakad sa kanila.

Hindi pa man ako nakakalayo sa tatlo, bigla nalang may humablot sa braso ko. Kaya napaharap ako dito.

"Kaya ba nakipag talik ka sa akin kagabi dahil masaya kana huh."!

Singhal nito sa akin, at natulala ako ng mangilid ang mga luha nito.

"Hindi mo alam ang lahat ng mga nangyari Marie."!

Huling wika nito at tinalikuran ako. Napatitig ako sa likod nito, at ngayon ko lang napansin, na may binagsak ang katawan nito.

May tumapik sa braso ko. Kaya lumingon ako dito.

"Alamin mo lahat captain Fuentes, dahil baka magsisi ka sa huli." Dos said at naunang maglakad.

"Hindi lang ikaw ang biktima dito captain." Kwatro said at tinalikuran din ako.

Tumingin ako kay singko, para humingi ng paliwanag pero inilingan lang ako nito.

"Bibigyan kita ng clue babae,! pumunta ka sa address na ibibigay ko. At doon mo malalaman ang lahat." Malamig na wika ni singko at iniwan din ako.

Bigla nalang tumulo ang mga luha ko, sa hindi ko malaman na dahilan.


_____&






Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰



























"TAMING THE MASTER" (TVDM #3)CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon