MARIE (POV)
"Kinalulungkot po namin ang pagkawala ng kasamahan naming si Sargent Rivas, ma'am. Nakikiramay din po kami." Wika ni Chantal sa ina ni Cynthia.
Lumapit ako sa kabaong ni Cynthia, at napangiti ako ng mapait. "Masaya kana ba ngayon Sargent Rivas,? kung saan kaman sa pang-iiwan mo sa amin haa."? Wika ko sa kabaong nito. Kahit anong pigil ko sa aking luha, may kumawala parin dito. Hinawakan ko ang kabaong n'ya at hinaplos.
"Rest in paradise Sargent,! At alam mo bang kakaka iinis ka haa.!! Pinilipit kong mabuhay para makasama ko na ulit kayong tatlo pero ikaw naman itong nawala haa."!! Bakit mo kami iniwan Cynthia haa."!! Sigaw na iyak ni rubi.
Inawat ko ito, dahil pinagtitinginan na ito ng mga tao na nandito. Dahil halos pumatong na ito sa kabaong ni Cynthia. Okay lang naman kung umiyak ng malakas si rubi, dahil hindi ito nakasuot ng uniform. Samantalang kami ni Chantal ay naka army uniform pa. Pero kase pumirma lang ito ng waver para maka labas ng hospital dahil kagigising lang nito. At katulad ko malala pa din ang kalagayan nito ngayon.
"Please lang rubi, wag mo munang pwersahin ang sarili mo, dahil sa ating dalawa ikaw ang may malalang Tama ng bala." Bulong ko dito.
"Ang sakit captain, napaka sakit ng pang iiwan ni Cynthia sa atin.! Hindi ko matanggap na wala na s'ya captain." Mahinang wika nito, kaya niyakap ko sya ng mahigpit.
"Hindi natin dapat ipakita sa mga tao na nandito rubi, na mahina tayo. Kailangan nating maging matatag para sa kaibigan natin hmm." Mahinang wika ko dito.
Yumakap din ito sa akin ng mahigpit, kaya napangiwi ako. Shiiitt, "ah-m r-ubi ang s-ugat ko h-inawakan mo." Nakangiwing wika ko dito. Agad itong humiwalay sa akin at humingi ng tawad.
"Maraming salamat sa pag punta nyo dito captain Fuentes." Napalingon ako sa ama ni Cynthia na syang nagsalita.
"Kinalulungkot ko po ang nangyari kay Sargent Rivas, sir. Hayaan n'yo po, sir, makukuha po ni Sargent Rivas ang hustisya. Dahil nasa kamay na po ng batas ngayon si vice commander Delgado. At patay na rin po ang mga taong gumawa nito sa kaibigan Namin." Seryusong wika ko.
"Maraming salamat kung ganun captain. Napakabuting anak ni Cynthia sa amin kaya hindi ko matanggap na wala na ito ngayon." Napakagat labi ako ng makita ko ang pagtulo ng luha ng ama ni Cynthia. Mahapdi na din ang lalamunan ko dahil sa pagpipigil ng iyak.
"Patawad po sir, Wala po akong nagawa sa pagkamatay ni Cynthia. Nahuli po ang dating namin sa lugar eh. Patawarin nyo po ako, Isang magiting at tapat na sundalo ang anak nyo, kaya hindi ko rin po matanggap ang pagkawala nya." Tumulo ang luha ko kaya mabilis ko itong pinunasan.
"Wala kang dapat eh hingi ng tawad iha. Simula ng pumasok ang anak ko sa pagiging sundalo, hinanda na Namin ng ina nya, ang araw na'to. Alam kong sa bawat mission nyo ay 50/50 kung makabalik pa kayo ng buhay. Masakit lang para sa amin dahil nawala ang anak namin dahil sa kagagohan ng isa ding sundalo." Galit na wika ng nito.
Napakuyom ako ng kamao, at sasagot pa sana ng may mga sasakyan na dumating. Bumukas ang pinto ng isang kotse, at napanganga ako dahil sa taong lumabas dito. Putaaaa pano nalaman ng tukmol na ito na nandito ako, at komplito pa talaga silang lima ha."
Patakbong lumapit sa akin, ang lalaking sin' dilim ng bagyo ang mukha. Agad ako nitong kinabig sa beywang at bumulong sa tenga ko.
"What the fuck are you thinking wife haa.! Tumakas kapa talaga sa hospital haa.! Alam mo bang pwedeng ma' infection ang sugat mo." Pasinghal na bulong nito sa akin. Binitawan nito ang beywang ko, kaya kitang-kita ko ang galit sa mga mata nito.
"I'm sorry Gideon, okay lang naman ako eh, at Wala namang nangyari sa akin." Nakangiwing bulalas ko dahil halos himatayin na ako sa subrang kirot ng sugat ko.
Hindi ito sumagot at nakatitig lang sa akin ng malamig. Napabuntong hininga ako at tinalikuran s'ya. Kailangan kong bumalik sa kotse ko dahil nandon ang mga gamot ko. Kailangan kong uminom ng painkiller dahil kunti nalang at mahihimatay na ako sa sakit.
Pagpasok ko sa kotse, agad kong kinuha ang gamot at uminom. Sumandal muna ako sa sandalan ng upoan at pumikit. Napaka sakit ng sugat ko dahil malalim ang pagbaon ng bala dito. Bumukas ang pinto ng kotse ko kaya napadilat ako.
"Hubad."! Utos nito sa akin. Magrireklamo pa sana ako, pero hindi natuloy dahil nakita ko ang medicine kit, na dala nito.
_____&
Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰
BINABASA MO ANG
"TAMING THE MASTER" (TVDM #3)Complete
ActionMarie rhaya Fuentes is a happy go lucky woman." at lahat ng trabaho kaya nyang gawin. pagkukompuni ng sasakyan pag-aayos ng sirang gripo oh kahit ano pa man ay kaya nyang gawin, maliban sa pagnanakaw at manakit ng kapwa ." she's kind and soft hearte...