part 21

3K 75 2
                                    

MARIE (POV)

Mukhang narinig ni Lucas ang binulong ko kay singko, kaya nauna itong tumayo. Madilim ang mukha nito at naka kuyom din ang kamao.

"Kami na muna ang bahala sa ASAWA mo tres"! At ayusin mo muna ang buhay mo." Malamig na wika ni Lucas kay tres at pinag duldulan pa ang salitang asawa.

Tumayo din si singko at nagulat ako ng buhatin ako nito ng pa bridal style.

"Nag sayang ka ng diamante tres" at pinagpalit mo lang sa bato." Malamig ding wika ni singko at naglakad habang karga ako paalis. Sumiksik ako sa dibdib nito at pinakawalan ang luhang kanina ko pa pinigilan.

Kahit gaano pa katapang ang isang tao may kahinaan parin ito, kagaya ko." Kasalanan ko rin naman kung bakit ako nasasaktan ngayon. Kung sana hindi nalang ako pumayag sa kasal namin ni Gideon at hinayaan nalang ang tadhana na mag tagpo sa amin ulit. Sana mapayapa ang isip at puso ko ngayon.

Napahagolhol ako sa dibdib ni singko, at narinig ko ang malutong na pagmumura nito. naramdaman ko ang paglapag nito sa akin sa backseat. tumabi ito sa akin at kinabig ako para yakapin.

"Stop crying thief, ang pangit mo pag umiiyak." Napangiti ako sa inasal nito. Kahit malamig at tamihimik si singko, alam kong concern ito sa akin.

Pumasok si kwatro sa driver seat at pinaandar ang kotse. Palabas na kami ng gate ng muntik na akong tumalsik kung hindi lang ako nahawakan ng mahigpit ni singko dahil sa biglaang pag preno ni kwatro.

"What the fuck man."!! Singhal ni singko kay kwatro.

"May asshole na humarang eh." Kwatro said, napatingin kami ni singko sa harap at nakita namin si Gideon na kulang nalang ay lunukin ang kotse ni singko. Lumapit ito sa bintana kung saan ako nakaupo at kinatok ito ng ilang beses. " Let's go Axel. Malamig na wika ko kay singko. Napanganga ito dahil binanggit ko ang tunay na pangalan n'ya.

"What the hell, paano,'- let's go prince Axel Nathaniel Berlusconi. Bigkas ko ulit sa pangalan nito dahil halos sirain na ni Gideon ang bintana sa pwisto ko.

Fuck,! Naniniwala na talaga akong former navy ka." Bulalas nito at pinaandar ulit ang sasakyan.

Hindi na ako lumingon kay Gideon ng makalabas kami ng gate. Tumingin ako sa mga ilaw na nadadaanan Namin at bumalik sa alaala ko noong araw na makilala ko si Gideon.

7 years old ako non at 10 years old Naman si Gideon. Dinala s'ya Isang beses ni ninong sa hacienda namin at nakita nitong muntik na akong sipain ng kabayo kong si sky. Kaya niligtas ako nito. naalala ko pa'ng natulala ito sa akin at sinabi nitong pagmamay-ari n'ya na ako at pakakasalan ako pag nasa tamang edad na kami. Nangako itong babalikan nya ako pero hindi nangyari 'yon at ang malala pa ay kinalimutan ako nito. Sa murang edad ko hanggang nag dalaga ako ay minahal ko ito sa pamamagitan lang ng mga picture n'ya na binigay ni ninong sa akin. Umalis kase ito papuntang ibang bansa at doon nag-aral. Ng mag cocolleage na din ako sumunod ako sa kanya pero hindi ko ito nakita.

"Tumulo na naman ang mga luha ko kaya hinayaan ko nalang ito. "Sometimes a good cry is just what you need to release the hurts you build up inside your heart." Napatakip ako sa bibig para pigilan ang paghikbi dahil sa sinabi ni kwatro.

"Marami akong alak sa penthouse, pwede bang samahan n'yo akong uminom." Aya ko sa dalawa, nakasunod sa amin ang kotse ni dos at uno at alam kong dadamayan din ako ng mga ito lalo na si Lucas.

"No promlemo madame." Kwatro said.

"It's fine with me, but I'm warning you woman stop kissing me." Napahagikhik ako sa banta ni singko.

Humarap ako sa kanya ng nakangiti. Nakita kong napatiim bagang ito ng makita ang mukha ko. Alam kong kahit nakangiti ako ay kitang-kita sa mga mata ko ang sakit.

"Ang sarap kase ng labi mo kion eh, pero mas masarap parin naman ang labi ng asawa ko." Nakangiting wika ko sa kanya. Mas lalong dumilim ang mukha nito, kaya natawa ako.

"Stop smiling Marie kung hindi Naman umaabot sa mga mo."! Napailing ako at tumingin ulit sa bintana ng kotse.

"Alam n'yo bang kaya kong gawan ng paraan ang kasal namin ni Gideon na mawalan agad ng bisa." Wika ko sa kanila habang nakatitig sa kawalan. "Pero hindi ko gagawin 'yon dahil gusto kong maging akin s'ya kahit sa maikling panahon lang." Mababang wika ko sa dalawa at pinigilan ang aking luha sa pagtulo.

"Mahal mo ba sya."?

Natawa ako ng mapait sa tanong ni singko at nilingon s'ya. " 7 years old palang ako kion sa kanya na umikot ang mundo ko." Garalgal na wika ko, ayaw ko ng umiyak dahil naturingan akong captain pero napaka iyakin ko."

Fuck,!!! Sabay na mura ng dalawa.




______&

Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰




"TAMING THE MASTER" (TVDM #3)CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon