MARIE (POV)
Nasa byahe ako ngayon papunta sa main office ng (AFP) tumakas lang ako sa hospital, dahil alam kong hindi ako papayagan ni Gideon na magpa discharge.
Suot ko ang aking uniform, at inalis ko rin lahat ng emosyon sa aking Mukha.
Pagdating ko sa parking lot ng main office ng (AFP), agad akong bumaba sa aking kotse dala ang invelope na naglalaman ng mga ebidinsya sa illegal na gawin ni Delgado. Lahat ng nadadaanan ko na mas mababa ang katongkulan kay'sa sa akin ay sumasaludo sa akin. Ininda ko lang ang pagkirot ng aking sugat dahil ayaw ko ng patagalin ang pagpatay kay Mariano.
Kumatok ako ng dalawang beses sa opesina ng aming chief of commander, bago ito sumagot.
"Come in."!
Pumasok ako at sumaludo sa kanya.
"Sir salute sir, captain Fuentes reporting." Wika ko sa chief namin. Sumaludo din ito sa akin, kaya binaba ko ang aking kamay at lumapit sa visitors chair.
"Humihingi ako ng depinsa sa pagkawala ng isang taohan mo captain Fuentes. Ini imbestigahan na ngayon si vice Delgado, sa pagbibigay nya ng secret mission kay Sargent Rivas, na hindi dumadaan sa amin." Seryusong wika ni chief commander.
"Hindi na kailangan ang pag iimbestiga nyo sir, dahil hawak ko na Ang mga ibedinsya sa katiwalian na ginawa ni vice Delgado." Wika ko at
Binaba ang envelope na dala ko sa lamesa nito. "Nandito ako sir para eh report sa inyo ang illegal na gawain ni vice commander Mariano Delgado. Nasa loob ng envelope na 'yan sir ang mga ebidinsya na nakalap ko." Seryusong wika ko.Binuklat nito ang laman ng invelope at mas lalo itong sumeryuso. Kinuha nito ang telepono at may tinawagan.
"E hold nyo si Delgado, dahil tatawag ako sa taas para sa paghuli nito ng mga police." Wika nito sa kausap sa telepono.
"Tapos na ang meeting natin captain. Pina process na ang paghuli ni Delgado para dalhin s'ya sa Korte. Ako na ang bahala sa lahat pati na rin ang pag libing kay Sargent Rivas sa republic memorial cemetery. At balita ko may tama ka rin ng bala kaya kailangan mong magpahinga." Mahabang wika nito.
Tumayo ako at sumaludo sa kanya. "Sir salute sir, captain Fuentes dismissed. Sumaludo din sa akin si chief commander, kaya tumalikod na Ako para umalis.
Pagdating ko sa parking lot pinaharurot ko ang aking kotse, pauwi sa bahay ko. Kailangan kong mag-impaki dahil pupunta ako sa probensya, kung saan nakalamay ang bangkay ni Cynthia.
Huminto muna ako sa gilid ng daan dahil sa panlalabo ng aking mga mata. "Shiiitt.!! Ahhhh."! Napahagolhol ako dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Ilang Araw ko ng pinipigilang sumabog, dahil ayaw kong maging mahina sa harap ng bangkay ni Cynthia. Pero hindi ko na kayang pigilan ang aking damdamin ngayon. Subrang sakit ang pagkawala n'ya na wala man lang akong nagawa para iligtas s'ya. "Ang sakit Cynthia!! Ahhh!! Kung sana sinabi mo lang sa akin Ang ginagawa mo, hindi sana mangyayari ito. Buhay kapa sana Ngayon at sana komplito pa tayo."!! Malakas na sigaw ko habang pinagsusuntok ko ang manobela ng kotse ko. Nakayukyok ako sa manobela habang umiiyak ng biglang tumonog ang cellphone ko. Pinunasan ko muna ang aking luha bago ko sinagot ang tawag.
"Anong kailangan mo Lucas."? Walang buhay na sagot ko.
"Nasaan ka ngayon Marie. Alam mo bang nagwala si tres sa hospital ng hindi ka n'ya makita sa kama mo. At hindi mo raw sinasagot ang tawag n'ya.!? Lucas said
"Paki sabi nalang sa kanya na okay lang ako, at wag na muna nya akong hanapin dahil mawawala ako ng ilang araw." Wika ko kay uno.
"Anong iniisip mo ngayon diwatang rhay-rhay hmm. Nandito lang ako Marie handang tumulong sayo kahit anong mangyari, alam mo yan."
Napangiti ako sa sinabi ni uno. He's like my brother to me.
"Aalis ako papunta sa probensya luky, kung saan nakalamay ang kaibigan ko. At kilala mo ako Lucas, hindi ako titigil hanggang hindi nag babayad ang gumawa nito sa kaibigan ko." Seryusong wika ko.
Narinig ko ang pagbuntong hininga sa kabilang linya, kaya pinatay ko ang tawag.
____&
Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰
"a z h e n a 17"
BINABASA MO ANG
"TAMING THE MASTER" (TVDM #3)Complete
ActionMarie rhaya Fuentes is a happy go lucky woman." at lahat ng trabaho kaya nyang gawin. pagkukompuni ng sasakyan pag-aayos ng sirang gripo oh kahit ano pa man ay kaya nyang gawin, maliban sa pagnanakaw at manakit ng kapwa ." she's kind and soft hearte...