SINGKO(POV)
Fuck,"!! Ilang beses na akong napapamura dahil sa babaeng Kasama ko ngayon na nawala na yata sa katinuan, dahil halos salubungin na nito ang mga bala makalapit lang sa babaeng nakahandusay sa gitna. Nagulat nalang ako kanina ng bigla itong tumayo at pinagbabaril ang mga armadong kalalakihan na nagkukumpulan sa gitna. Napakabihasa nito sa pakikipag laban at walang kahit kunting takot ang makikita mo sa mga kilos nito.
Binaril ko ang bawat kalaban na makikita ko. At ang kaninang lalaki na nagsasalita ay nakaluhod na sa lupa, dahil binaril ito ni Marie sa magkabilang hita.
Sumunod ako kay Marie ng tumakbo ito papunta sa babae.
"Hey wake up Sargent, wag na wag Kang mamatay dahil sasabunotan kita kahit nasa langit kana."! Alam kong pinipigilan lang nitong sumabog dahil halata sa boses nito ang kaba para sa kaibigan.
"The fuck, may tama ka Marie."!! Napatingin ako kay dos at sa tinuturo nitong tama ng bala ni Marie, at natulala ako dahil ngayon ko lang napansin ang damit nitong kulay pink na naging pula na dahil sa dugo.
"Fuck, let's go.!! Umalis na tayo,'- hindi ko natapos ang sasabihin ng tumayo si Marie at halos mapa-atras kaming apat dahil sa mga mata nitong blangko habang naglalakad papunta sa lalaking nakaluhod.
"C-aptain."!
Napalingon kami sa babaeng nag ngangalang Chantal dahil sa mahinang wika nito.
"A-yaw k-ong m-akita si c-aptain na g-anyan." Nauutal na wika nito at bahagyang nanginginig ang kamay.
"Sabihin mo lahat ang gusto kong malaman, bubuhayin kita."
Napatayo ako ng tuwid dahil sa boses nitong parang hinugot sa ilalim ng lupa.
"P-lease d-on't k-ill me, m-ay pamilya Ako." The man said, nanginginig ito sa takot dahil dalawang baril ni Marie ang nakatutok sa ulo nito.
"P-artner k-ami ni M-ariano Delgado sa pagpupuslit ng mga druga dito sa ating bansa, ngunit nag d-ududa ito sa akin k-aya p-inadala n'ya ang b-abaeng 'yan para b-antayan ang kil,'-
Hindi nito natapos ang sasabihin dahil binaril ito ni Marie ng ilang beses oh tamang sabihin na inubos nito sa lalaki ang lahat ng bala n'ya.
"I will fucking kill him."! Huling sinabi nito at bumalik kung saan ang babae.
"Wake up bitch oh aagawin ko sayo ang lalaking kinababaliwan mo." Walang buhay na wika nito sa babae.
Lumapit kami at binalot agad ni kwatro ang babae ng kanyang jacket at binuhat. Bubuhatin ko rin sana si Marie ng nauna na itong naglakad pasunod kay kwatro. Sumunod nalang din kami at si dos na ang pumasok sa driver seat para magmaniho.
Habang nasa byahe, Hindi maalis ang paningin ko kay Marie. Dalawa ang Tama ng bala nito, pero nakakalakad parin ito ng maayos at mukhang hindi man lang iniinda ang sugat.
"Are you okay Marie."? tanong ko dito, Hindi ito sumagot at nakatitig lang sa babaeng buhat ni kwatro. Mahina na ang pulso nito at walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa ito.
Umalma ako ng pumikit si Marie, hahawakan ko na sana ito ngunit natigilan ako ng may butil ng luha ang tumulo sa mga mata nito kahit nakapikit.
"Anong klase akong captain na hindi ko agad nalaman ang ginagawa ng mga nasasakupan ko." Mababang wika nito habang nakapikit.
"Wala kang kasalanan captain, alam kong nagtitiwala ka sa kakayahan Namin. At alam kong ginawa ni Sargent Rivas ang mission na'to para alamin ang katiwalian na ginawa ni commander Delgado para sabihin sa'yo." Chantal said.
Dumilat si Marie habang nakakuyom ang kamao. "Ilalabas ko lahat ng baho n'ya bago ako magbitaw sa position para patayin s'ya." Walang buhay na wika nito. Kahit ako nakakaramdam ng panlalamig sa nakikita ko sa babaeng katabi ko ngayon.
Agad kaming bumaba ng makarating kami sa hospital na pag-aari ni tres. Inalalayan ko si Marie ng muntik na itong matumba.
Pagpasok namin sa loob agad dinala sa operating room ang babaeng karga ni kwatro, pinipilit kong magpa gamot si Marie pero hindi ito nakikinig. Nakaupo ito sa upoan na nasa harap ng operating room. Nakatukod ang mga palad nito sa Mukha at nakayuko.
"Please Marie magpa gamot ka muna dahil baka maubusan ka ng dugo."! Singhal ni dos dito pero hindi pa rin ito nakikinig.
Natawagan ko na si tres at papunta na ito ngayon dito. Alas dos na ng umaga kaya nakakaramdam na rin ako ng antok.
"Pwede na kayong umuwi dos, kwatro at singko. Iwan nyo nalang kami dito." Walang buhay na wika ni Marie sa amin, umiling kaming tatlo. Hindi naman kami ganun ka walang puso para iwan sila dito.
Lumabas ang doctor kaya napatayo si Marie at Chantal.
"I'm sorry to say this pero hindi na nakayanan ng katawan ng pasyente dahil sa paulit-ulit na pag gamit sa katawan nito at sa mga tama ng baril." The doctor said.
Napaluhod si Marie at tumawa habang umiiyak, nakayuko ito at nakatukod ang dalawang kamay sa semento.
"Wala akong silbi na kapitan at kaibigan para mangyari ito." Hindi ka pwedeng mamatay Cynthia ahhhhh"!!!!! Napakahayop mo Delgado."!!!!! malakas na sigaw nito. Nawalan ng malay ang kaibigan ni Marie dahil sa binalita ng doctor mabuti nalang at nasalo ito ni dos
Kumuyom ang kamao ko at gusto ko ring patayin ang taong gumawa nito sa kaibigan ni Marie. At 'yon ang ama ni Aira.
"Fuck,"!! What the fuck happened here."!! Sigaw ng bagong dating.
_____&
Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰
BINABASA MO ANG
"TAMING THE MASTER" (TVDM #3)Complete
AçãoMarie rhaya Fuentes is a happy go lucky woman." at lahat ng trabaho kaya nyang gawin. pagkukompuni ng sasakyan pag-aayos ng sirang gripo oh kahit ano pa man ay kaya nyang gawin, maliban sa pagnanakaw at manakit ng kapwa ." she's kind and soft hearte...