•New Friendship•

76 6 2
                                    

Previous Chapter:

Sinunod ni Mr. Sungit ang kasunduan nila ni Skipper,, hinanapan nya ng bahay si Skipper at binayaran nya din ito sa loob ng isang taon kasama ang isang libong allowance nya...

At sa building kung saan sya nakatira nagkita sila ni Gerald na doon din nakatira.. At dahil maghapon ng walang kain kain si Skipper,,  niyaya nya si Gerald kumain sa labas at maghanap ng trabaho...

________________________________________________________________________

Chapter 3: New Friendship

Nilibot namin ang labas ng building after naming kumain.. Gabi na at wala akong natandaang daan sa lahat ng pinuntahan namin..Hangang sa makabasa ako ng isang signage..

••WANTED GASOLINE GIRL/BOY••


"Dyan gusto mo bang mag apply..."O_O Tanong nya sakin ng seryoso..nagkatinginan pa kami saka sabay na binasa ulit ang nasa sign board ng isang gasolinahan..


"Sa tingin mo makakapasok ako dyan??''


"WHy not?? As long as graduate ka ng high school at 18 ka na walang imposible.... Kanina pa kasi tayo ikot ng ikot dito pero parang ayaw mo namang pumasok sa mga store...at saka bakit ba kailangan mo pang humanap ng trabaho?? Nakapagrent ka nga dun sa boarding house eh ang mahal ng upa dun..."


"Personal information ko na po yung dahilan.., tayo ng umuwi kasi gabi na din.."  Sumasakit na kasi ang ulo ko sa dami ng sign board tapos gabi pa..kung matanggap man ako Hindi ko din alam ang pabalik dahil sa dami ng eskinitang pinasukan namin kanina.....  ''Kalimutan mo nalang na nagpapahanap ako ng trabaho sayo .."



"Mukha namang ang  bata mo pa para magtrabaho...Graduate ka na ba??? Dapat 18 ka na bago ka makahanap ng trabaho pero base on your looks mukha kang 14 lang..." Nginitian ko sya ang galing nya din kasing manghula kulang lang ng 2 years....


":) Hindi pa nga ako graduate..., 16 lang ako at graduating sana kung----" mapahinto ako sa pagsasalita,, naalala ko kasi si inay nung mga oras na binibigay na nya ako kila Don Alfred,, nasasaktan pa din ako sa ginawa nya,, kailan ba ako makakamove on???


"May problema ba???" Tumalikod ako,, ayaw ko kasing may nakakakita saking umiiyak mas gusto kong nakikita nila akong matatag at matapang kasi kung weak kang tingnan para sa ibang tao ganun din ang magiging tingin mo sa sarili mo..... Bahagya akong tumingin sa kalangitan habang pilit na pinipigil ang pagbagsak ng luha ko!! si inay kasi eh----..


"Nakikita mo ba yang mga star na yan???" Sabay turo ko sa itaas,, hindi man ako nakatingin sa kalangitan alam kong may star kasi lagi lang namang nasa langit ang mga bituin eh:)


"Saan??"


"Yan..." Pagpipilit ko pa din sabay turo sa itaas.. "Lahat ng star na nakikita mo sa langit , ganyan kadaming anghel ang nagbabantay sayo araw araw.."


"Paano yan wala namang star??"


♥ His My Opposite ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon